bc

My Fiance Since Birth (Alex and Van)

book_age18+
129
FOLLOW
1K
READ
others
age gap
forced
arranged marriage
comedy
sweet
lighthearted
secrets
sassy
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

In a world full of No boyfriend since birth, I'm Alex the unfortunate one who had a Fiance since birth. I'm not ready to have a such destiny and I will do everything to stop this marriage. And this is my story.

chap-preview
Free preview
Prologue
¸.•*¨*•♫♪ Prologue¸¸.•*¨*•♫ "Honey nakita mo ba si Van?" tanong ni Madeline sa kan’yang hubby na si Sin. Napansin n’ya na wala sa kan’yang tabi ang kanilang limang taong gulang na baby boy na si Van. "Sweetie hindi ko napansin eh" sagot naman ni Sin. Sinuyod ni Madeline nang tingin ang buong paligid ng kuwarto pero wala talaga si Van. "Oh my nawawala si Van!" kinakabahang wika ni Madeline. "Let's go guys hanapin natin ang aming baby boy" yaya ni Sin sa kanyang mga kaibigan na nandoon sa kuwartong iyon. Kasalukuyan kasing tinitingnan nila ang bagong silang na baby ng isa sa kanilang kaibigan na si Jerry. Sa kakulitan ng kanilang mga kaibigan dahil pinagkakaguluhan nila ang bagong baby ay hindi nila napansing mag-asawa na ang kanilang baby boy na lumabas ng private room na iyon ng St. Mary's hospital. "Sweetie don't worry makikita din natin si Van" niyakap nya ang kanyang asawa na mukhang iiyak na sa sobrang pag-aalala. Pilit n'yang pinapakalma ang kanyang asawa . Pero sa sarili n'ya ay nakakaramdam na rin s'ya ng pag-aalala para sa kanilang nawawalang anak. Sabay-sabay na nagsilabasan sila ng private room na iyon para hanapin si Van .Inisa-isa nila ang pwedeng puntahan ni Van. Ang kanilang mga kaibigan ay naghahanap sa ibang wards at private rooms. Mahigit kalahating oras nang naghahanap ang mag-asawang Sin at Madeline nang mapadako sila sa mga hilera ng mga private rooms sa third floor. "Tita , is your tummy hurts?" narinig nilang boses ng isang bata . Dali-dali silang pumasok sa loob ng kuwarto. Kaboses ng kanilang anak ang maliit na boses na nanggaling doon. "Van !" tawag ni Madeline sa anak. Dali-dali nya itong nilapitan at niyakap. Nakahinga na s'ya nang maluwag dahil sa pagkakatagpo nila sa kanilang anak. "Baby bakit nandito ka?" malumanay na tanong nya sa anak . "Mommy kasi nawiwiwee pow ako kaya naghanap pow ako ng bathroom" paliwanag ng anak. "Mommy look she's in pain" inosenteng sabi pa ni Van sa kanyang Mommy tapos itinuro nito ang magandang babaeng buntis. Tiningnan naman n’ya ang itinuro ni Van. Mukha ngang naglalabor na ang magandang babae na kasalukuyang nakahiga sa kama. Pansin n'ya rin sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Alam nya na nahihirapan ito sapagkat napagdaanan nya na rin ang ganoong sitwasyon. " Naku Misis pasensya na at kinukulit kayo nitong baby boy namin" hinging paumanhin ni Sin sa babae. "Okay lang kasi nililibang naman n'ya ako sa mga sinasabi n'ya sa akin kaya medyo hindi ko nararamdaman yung sakit" sagot naman nito. "Nakakatuwa nga s'ya kasi napakabibo nya" nakangiting sabi ng buntis kahit medyo nahihirapan na sa contractions na nararamdaman.. "Misis wala ba kayong kasama dito?" tanong naman ni Madeline .Tanging ang anak lamang at ang babaeng buntis ang nasa loob ng kuwartong iyon. Biglang nalungkot naman ang babae sa tanong ni Madeline. "Wala eh kasi 'yung asawa ko papadating palang galing Singapore. Susunduin ko nga sana sa airport mamayang alas singko kaya lang biglang sumakit ang tiyan ko at mukhang manganganak na ako. Ang sabi nga ng Ob-gyne ko any minute daw ay lalabas na si baby." Malungkot na sagot nito. "Ganoon ba tutal ginulo ka naman nitong baby boy namin sasamahan ka na lang namin hanggang sa makapanganak ka" sabi ni Madeline. "Talaga ! Salamat ha. Nag-aalala nga ako na baka pagtumawag ang asawa ko ay hindi ko masagot ang tawag nya at mag-aalala 'yun sa akin" masayang sabi ng buntis. " Ah ako nga pala si Althea." Pagpapakilala n'ya sa sarili sa mga magulang ng cute na batang kanina pa tanong nang tanong ng kung anu-anong bagay sa kanya. "I'm Madeline 'yung poging iyon naman ang asawa kong si Sin " nakangiting pakilala nya sa sarili at itinuro niya ang asawa na busy sa cellphone cellphone nito. Malamang ay kausap nito 'yung mga kaibigan nila na hanggang ngayon ay naghahanap parin kay Van. "Nice meeting you guys. Salamat sa inyo ha. Kanina kasi kinakabahan ako eh buti na lang pumasok dito sa room ko si Van" grateful na wika ni Althea. " Nalibang ako sa mga tanong n'ya." "Mommy magkakababy din pow ba sya tulad pow ni Tita Eunice?" tanong ni Van sa Mommy n’ya. Si Eunice ay 'yung nanganak din sa ospital na iyon na dinalaw nila kanina. Asawa ito ng isa sa mga kabarkada ni Sin. "Yes baby" sagot ni Madeline sa tanong ng anak. . "Mommy gusto ko pow maging asawa 'yung baby na lalabas."namimilog ang matang sabi ni baby Van. "Ha ! ano ba yang pinagsasabi mo Van?" gulat na tanong ni Madeline sa anak. "Sige na Mommy pumayag ka na pow" kulit ni Van sa ina. " Naku Althea pasensya kana ha last week kasi sumama kami sa pamamanghikan ng kapatid ni Sin kaya tuloy kung anu-ano ang sinasabi nitong si Van".Nahihiyang hingi niya ng paumanhin sa magandang buntis. "No Mommy paglaki ko pow papakasalan ko pow yang baby sa tummy ni Tita" nakakunot noong sabi pa ni Van. Pinatulis pa nito ang kanyang nguso . "Baby masyado ka pang bata" sabi ni Madeline .Biglang umiyak si Van dahil pakiramdam n'ya ay ayaw ibigay ng mommy n'ya ang kanyang gusto. "Ayan Sin tingnan mo ang anak mo , masyado mo kasing iniispoiled, iyan tuloy akala mo nanghihingi lang ng kendi kung makarequest. Gustong pakasalan 'yung maggiging baby ni Althea. Nakakahiya. " Baling na sabi ni Madeline sa asawang natatawa sa request ng anak. "Eh di ipakasal natin sila pagdating sa tamang edad nila " natatawang sagot naman ni Sin. "Halika dito baby Van" tawag n'ya sa kanyang anak na labas na ang sipon sa kakaiyak. Mamumula na ang mga mata at ilong nito. Kumuha naman ng panyo si Madeline sa kanyang shoulder bag at pinunasan ang mukha ng anak. "D-daddy s-sige na pow p-pumayag na pow kayo ni M-mommy" humihikbing sabi nya then nag puppy dog eyes pa sya. Alam nya kasing pagnagpuppy dog eyes sya ay hindi sya matitiis ng kanyang parents. Siya si Van ang nag-iisang anak nila Madeline at Sin , sya ay isang spoiled at makulit na bata. " Prowmise I will be a good boy and I will take good care of the baby" . Itinaas pa n'ya ang kan'yang kanang kamay sa aktong nanunumpa. "Sige na Tita pumayag ka na pow" lumapit naman s'ya sa hinihigaan ni Althea at nagpuppy dog eyes din. "Ha o sige kung talagang gusto mo " natatawang payag naman ni Althea tutal bata pa naman si Van at maaaring makalimutan n'ya na rin paglaki niya ang mga sinasabi ngayon. "Yeheey Mommy Daddy pumayag na si pow si Tita paglaki namin papakasalan ko pow ang baby nya" masayang sabi ni Van . Tumalon-talon pa siya habang pumapalakpak. "Tita what will be is your baby's name?" " Papangalanan namin syang Alex , kasi ang hula namin ng asawa ko ay lalaki ang magiging anak namin. Hindi kasi namin inalam sa ultrasound ang kanyang gender" natatawang sagot ni Althea. "Oh no!" sabay na sabi ng mga magulang ni Van. Si Van naman ay inosenteng nakatingin lang sa mga magulang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
236.7K
bc

Rewrite The Stars

read
95.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook