Alessia's POV
Nagpupunas ako ng mga picture frame sa sala. Bawat punas ko ay tinititigan ko ang mga ito. May mga picture ni Sir Cosmo nung bata pa siya simula nung mag-teenager.
Pogi ni sir
The living room is a study in refined elegance. A large television dominates one wall, but its presence is softened by the soft glow of a beautiful chandelier hanging from the high ceiling. The walls are painted in a creamy white, subtly accented with touches of gold, creating a warm and inviting ambiance.
"Hi Yesha!" Nagulat ako sa tawag sa akin ni Jules na nakangiti papunta kung nasaan ako.
He's wearing a crisp white shirt, its simplicity accented by a pair of black slacks. The combination serves to highlight his strong features and handsome face, emphasizing his masculine appeal.
"Hi kuya Jules! Ngayon lang kita ulit nakita ah, at ano pala ang ginagawa mo kanina at pabalik-balik ka?" Tanong ko sa kanya. Kanina kasing umaga ay nakita ko siya na pabalik-balik, at bawat balik niya ay may mga box siyang dala at inaakyat sa taas kung saan ang study room ni Sir Cosmo.
"Ah, yun ba. Si Sir Cosmo kasi ay pinapakuha ang mga gamit niya doon sa kumpanya dahil dito na lang daw gagawa ng mga gagawin niya," sabi naman nito at pansin ko na may kinukuha siya sa bulsa niya.
"Para sa'yo Yesha," sabi nito at ikinangiti ko naman ito dahil tsokolate ito.
I accepted it immediately, tempted to eat it right away. It's my favorite, because of its sweetness and delicious flavor.
Grabe na miss ko ito.
"Salamat, Kuya Jules!!" Ngumiti ako ng matamis at binuksan ito, kinain agad dahil namiss ko itong kainin.
"Dahan-dahan, baka naman ay mabulunan ka. Anong oras palang at baka hindi ka pa kumakain ng agahan ah," litanya nito.
"Kumain na ako ng kanin, madami pa nga eh!" Ani ko naman at patuloy sa kinakain.
Ginulo nito ang buhok ko at ngumiti, nagpaalam siya na may gagawin pa siya at tuluyan na siyang umalis.
Ang hilig niya na guluhin ang aking buhok, parang ang saya tuloy na may kapatid kang lalaki na mabait sa'yo. Meron akong kuya, ngunit hindi siya mabait, bagkus ay kung titignan ako nito ay parang may tingin na kakaiba na hindi ko mawari kung ano.
Sa pag-alis naman ni kuya jules ay ito namang dating ni Ate Glenda at kiniliti pa ako sa aking tagiliran.
"Ikaw ah! Nanliligaw si Jules no? Yiieeeehhh!" Kinikilig nitong sabi.
"Ate bakit naman ako liligawan ni kuya jules eh parang mag kapatid lang kami."
"Uy age doesn't matter ano ba! basta pogi ay dun kana!"
"Hindi ako pumapatol sa matanda ate, lalo na bata pa ako."
Before Ate Glenda could speak, a loud crash of books on the center table in the living room startled us. We turned to see Sir Cosmo. He had thrown the book onto the table with such force that it made us jump. His cold gaze landed on me, sending shivers down my spine.
He seemed angry, but I couldn't understand why.
Bigla bigla kung sumulpot,dati ba siyang kabute?
"H-hahaha sige may lilinisin pa ako Yesha, s-sige po S-sir," sabi ni Ate Glenda at mabilisan na umalis.
"A-ah Goodmorning po S-sir," sabi ko at tinuloy ang pagpupunas ng mga picture frame. Wala itong sinabi ngunit ang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin.
Umupo siya sa sofa, harap ng T.V kung saan ako ay nakatayo at nagpupunas ng mga picture. Sa aking paglingon ay hindi na ito nakatingin at tinutok ang sarili sa pagbabasa. Huminga ako ng malalim.
Kakaiba ang titig, para bang kakainin ka ng buhay.
He exudes an air of effortless cool, a stark contrast to the disheveled state of his hair. A black t-shirt, clearly a designer piece, clings to his frame, the soft cotton whispering against his skin. A thin mustache, barely there, adds a touch of ruggedness to his face. His hair, tousled and unkempt, suggests a night of restless sleep, yet somehow, it only enhances his allure.
He looks like a model plucked straight from a Russian fashion magazine, radiating a charisma that is both alluring and mysterious.
Sabi ni ate glenda ay half itong russian at Filipino. Ang ina ay russian at ang ama ay half Spanish at filipino.
Malapit na ako sa pagpupunas, hindi naman ganoon maalikabok. Ngunit sabi ni Ate Glenda ay may pagka clean freak daw si Sir kaya dapat ay kung wala pang alikabok, linisin pa din.
"I don't like it." Napalingon ako sa likuran ko, at nakitang nakatitig ito sa akin habang prinenteng nakaupo sa sofa. Sa bawat bigkas ay hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy niya.
"P-po?"
"You. Talking. To. Him." Litanya niya at bawat salita ay may diin.
"Bakit po Sir?" Tanong ko sa kanya, gusto ko talaga itanong kung bakit, dahil ba ay nakikipag-usap ako habang oras ng trabaho? Bawal ba iyon?
"Because I don't like it, Alessia. Do I have to explain it to you?"
"Opo Sir dahil hindi ko po kayo maintindihan eh."
"Why would I explain it to you?" Napabuntong-hininga na lamang ako, dahil siguro naman ay ayaw nitong sabihin kung ano iyon.
"Sorry po Sir, sa susunod ay hindi na ako makikipag-usap pag oras ng trabaho." Litanya ko at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"That is not what I mean, you can talk to whoever you want, Alessia, but only to girls. Boys are prohibited."
"Okay po, edi hindi na rin ako makikipag-usap sa inyo Sir." Litanya ko, kinuha ko naman ang mga gamit na ginamit ko sa paglilinis.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya pagkatapos kong umalis, pero narinig ko siyang nagsasalita ng kung ano.