MADISON Hindi ko agad napansin na sobrang seryoso ng boss ko nang buong araw na ito. Halos hindi na ito lumabas ng opisina kahit noong lunchbreak. Kung iimik man ito ay dahil may kailangan ito. Kahit na siguro magpaalam ako ay hindi niya pa din ako mapapansin. Minabuti ko na lang na kumain sa labas kahit hindi pa ko nagapaalam sa kanya. "O Miss Kim, maglu-lunch ka na?" Tanong ni Sir Anthony sa hallway. "Opo. pero po hindi pa po ako nakakapagpaalam kay boss kasi po sobrang seryoso po siya doon sa pinag-aaralan niya yung uhm... proposal." sabi ko kahit hindi din ako sure sa sinagot ko. "Gusto kita sanang makausap ng sarilinan." tumingin pa ito sa paligid bago niya ko hinala palabas ng lobby. Pumunta kami sa isa restaurant kung saan kokonti lang ang tao o mas gusto kong sabihing kami lan

