Nagkibit-balikat lang ako. Baka mainit lang ulo noon. Naisip ko na naman yung Miguel Uy na iyon. Bigla ko diyang naalala. Kailangan ko na din ireport iyo kay Anthony. Ni-lock ko muna yung pintuan para makisigurado ako. Naghalungkat ako sa ibang gamit ni Sir at nakita kong puro mga sulat ito. For: Aldriq Xyle Lim Kanino ito galing? Mukhang importante ang mga ito dahil nakahiwalay ito sa mga gamit at portfolio. Amoy rose ito kaya naman naisip kong sa importanteng tao ito galing. Pero kanino? Kusang nagbukas yung computer kaya nagulat ako. Mail has arrived. Iyon ang narinig ko mula sa laptop. Nakita ko din may mga iilang papeles si Sir na kailangan pirmahan Transfer of Ownership BLAG! BLAG! Biglang kong naipasok sa kung saan ang envelop na iyon. "Madison open the damn door!" Sigaw n

