Hindi na ako nagreact nang sabihin sa akin nila Sir Anthony na si Rosalie muna ang magpapanggap na ako habang nasa Cebu pa ako para sa misyon ko. hinanda ko yung sarili ko para sa gagawin ko. Kung ano man ang matutuklasan ko o ano man ang mangyayari tatanggapin ko ang lahat. "Be ready... papunta na kami sa area." sabi ni Sir Anthony sa kabilang linya. Naka-attached iyon sa hikaw ko kaya kahit hindi ako gumamit ng cellphone ay magkakausap kami. "Bes, ready na din akoo." sabi naman ni Rosalie. Naka-conference call pala kami. Kaya naman mas interactive kami sa bawat nangyayari sa amin. Habang nag-hihintay ay um-order ako ng kape. Medyo matagal silang dumating mula sa inaasahang oras. "Hello, Sir Anthony nasaan na ba kayo eksakto lugar?" tanong ko. Medyo naiinip ako at nag-aalala. Hindi pa

