Sumunod na araw ay kinausap ako ni Sir. Binigyan niya ako nang isang baril. Hindi ko na din nagawang sabihin ang nangyari sa kotse.
"Take this, protect yourself. Just in case, para hindi ako nag-aalala na baka na kung ano ang nangyari pa sa'yo."
Ni hindi na niya ako binalingan nang tingin. Kinuha ko yung baril na nasa case pa.
"I advice you always wear loose skirts para maitago mo iyan saan man tayo magpunta." Dagdag niya. Pero ako hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.
Meron kaya itong alam sa totoong nangyari? Siguro ay tungkol lang ito sa nangyari sa party.
"Hey..." untag niya. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Sir at nakakunot ang noo nito. "Kanina pa ako dito nagsasalita pero mukhang lutang ang isip mo."
May bahid nang iritasyon ang tono niya. Kaya naman na-guilty naman ako. Oo nga at sekrertarya niya ko pero ito ako at mukhang malayo ang nararating ng utak ko.
"Sorry po Sir." bualik na ako sa aking desk at pinagpatuloy ang mga dapat kong gawin. hindi nagtagal at nagkaroon siya ng meeting sa isang investor. Hindi na din ito nagpasama kaya naman mas naging busy ako sa desk ko. Jusme. Iba pala talaga ang trabaho ng mga sekretarya ng mga CEO. Kung inaakalakong ganoon lang iyon kadali tula sa mga nababasa ko ay doon pala ako nagkakamali.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag-ring ang telepono sa aking table.
'hello, good morning Office of the CEO."
"Yes, hello too. may I speak with Mr. Lim." sabi nang tinig nang isang babae sa kabilang linya. tantya ko ay nasa forties na ito.
"Sorry, ma'am but the CEO is not here to answer your call. He is in the middle of an urgent meeting. May I know who is on the line?"
"Ah, yeah tell him. It's Miss Ang. I know he would immediately take my call. Actually I already called him few times his phone but he doesn't picks up."
"Okay, ma'am I'll try to excuse him from his meeting."
Iniwan ko yung telepono at ni-lock ko muna yung opisina. Dahan-dahan akong tumungo ng conference room. Ang totoo niyan ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya kung meron tumatawag sa kanya. Baka kasi ang isagot lang sa akin noon ay 'Hindi mo ba nakikita na nasa gitna ako ng mahalagang meeting!?'
Ano ba yan? Lalo tuloy akong natakot na pumunta sa conference room. Pumasok ako at nakita kong busy ag lahat sa panunuod ng presentation.
"Sir, meron po kayong tawag na naghihintay sa linya." bulong ko sa kanya.
"Sino?" Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya ang akala ko ay magagalit ito o hindi naman ay magsusuplado.
"Stop doing that." he said in a husky voice. Doon ko lang nagpagtantong nakatingin na pala ito sa akin at naka-arko ang kilay.
"Si miss Ang daw po Sir." umiwas ako ng tingin. Damn! Kanina pa ba siya ganoong nakatingin?
"Uhm... Sir, excuse me. What can you say on the presentation?" tanong sa kanya ng isang board member nang bumukas yung ilaw sa conference room.
"hung up the phone and tell her I don't want to talk her. And never accept any calls from her." baling niyang uli sa akin at nag- straight face na ito sa akin.
Tumingin naako sa mga taong nakatingin sa amin.Hinihintay nila ang suhestyon ng CEO.
"What do you think, Miss Kim? Would this entire project make the income Sofia bigger?" tanong sa akin ni Sir at binigay sa akin ang isang folder sa tapat niya. Bigla naman akong nabigla sa tinanong niya. hindi ko nga ito napakinggan. Anong trip ba na naman nito?
"Uhm, Sir... I wasn't able to study and witness the whole presentation. So I can't give you my judgement. Even though, the hotel acquires great amount of money. I think I am not in the position to say anything regarding projects." pag-aamin ko. Hindi ko naman kasi kailangang magpabibo sa kanila.
"Just in conclusion on what she said. I need a lot more effort from your team to convince me to approve this idea." bain niya sa buong board at tumayo ito. "Meeting adjourned."
Dumiretso siya sa opisina. Siya na din ang nagbaba ng telepono. Pinasadahan niya ang project plan na binigay sa meeting.
"If you will look at me the whole time; I'm going to assume you wanted a kiss from me." Sabi niya sa kalagitnaan nang pag-titig ko sa kanya.
"Uhm... hindi po iyon... kasi po yung tungkol sa baril po..." alilangan kong sinabi sa kanya. Weird lang kasi kung binigyan niya ko ng baril tspos ay hindi ko alam kung bakit.
"It's not the right time to tell you... I just wanted yo to be safe. That's the thing least you can do." seryoso niyang tugon habang pinapasadahan niya ng tingin yung ibang papeles sa table niya. Tumango na lang ako sa mga sinabi niya.
Pumasok si Mr. Lee pagkaupo ko nang table ko. Dumiretso siya kay Sir ay may binulong. Nakita kong biglang sumiryoso sa ekspresyon niya at tumayo sa kinauupuan niya. Mablis siyang lumabas at sinundan din ito ni Mr. Lee.
Anong nangyari doon?
Nagulat na lang ako at bumukas bulit yung pintuan.
"Sir, mero--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita kung sino ang pumasok.
"Mr. President, may kailangan po ba kayo sa CEO. Sorry pero kakaalis--"
"Hindi ako nagpunta dito para maka-usap ang CEoO. Ikaw ang sadya ko kaya naririto ako." sabat niya. Tumayo siya sa harapan ng desk ko at mariin akong tinitignan.
"Kung ganoon po ay ano po ba ang mapaglilingkod ko?" tanong ko at ningitian siya.
"Better stay away from Mr. Lim."
Napatingin ako sa kaya at kumunot ang noo ko. Hindi ko alam yung ibig niyang sabihin
"Stay away from him and the business. Hindi naging maganda ang feedback ng board nang matapos ang meeting. They are expecting of the approval pero mukhang nadismaya sila dahil ikaw ang tinanong niya."
"Siguro naman alam mo ang punto nila..."tumalikod siya sa akin pero bago pa siya humakbang palabas ay meron itong sinabi.
"You are a distraction to him and the business."
Hanggang sa bumalik si Sir sa opisina ay iyon ang iniisip ko. Pero nagkibit-balikat lang ako sa posibleng rason intensyon kung bakit iyon sinabi ni President. Nakabalik na ng opisina si Sir pero mukhang problemado ito. Binigyan ko ito ng kape, pero patuloy pa rin siya ng pagtingin ng ga papeles.
Naramdaman kong may hindi tama sa kinikilos niya. Pabalik na sana ako ng desk ko nang biglang bumukas yung pintuan ng opisina.
"Sir, meron po kayong package. Pinadala po ng receptionist sa ibaba." Sabi ng isang babaeng nakauniporme ng hotel. Nakita kong Amanda Sy ang nasa nameplate niya.
"Leave it to my secretary." Sagot ni Sir. Binigay naman niya iyon sa akin at saka umalis.
Ako naman ay nagtungo sa table niya para ilapag ang regalo pero bago ko pa mailapag iyon ay muli siyang magsalita.
"Open the gift for me."
Ako naman ay mabilis na binuksan iyon.
"WAAAAAHHHH!"
Nabitawan ko ang box ng gift a naptalikod ako.Si boss naman ay mabilis na lumapit sa akin. Sa tingin ko ay nakita na niya ang laman ng box.
"s**t!" Isang pugot na ulo ang naroroon sabloon at tila bago lamang ito dahil sa pula ang dugo na nakikita ko.
"Don't look!" Utos niya. Mabilis niyang pinuntahan ito. Pero parehas kaming napalingon sa pintuan ng bigla itong bumukas at niluwa noon si Mr. Lee.
"Sir, nagtagpuan po si Mr. Cho na.....pugot.....ang... ang katawan." Napatingin din siya doon sa box na nabitawan ko.
"It was delivered here a moment ago." Matiim na sabi ni Sir kay Mr. Lee na mukhang iyon yung ulo noong natagpuan na katawan.
"Natagpuan po sa parking lot ng Sofia ang katawan nito. Pero kung susuriin po ay hindi siya pinatay dito dahil katawan lang ang nandoon at walang bakas ng dugo sa kahit saan."
"Tingin ko po ay may gustong manakot po sa inyo. Sadya po kasing pinadala po sa inyo ito. O di kaya po ay gusto..."
"Gusto nila sirain ang reputasyon ko at ng Sofia. Para ako ang mapagbintangan nang krimen na ito." Sabi ni Sir sa sinabi ni Mr. Lee. "Sa susunod Miss Kim huwag ka nang magbubukas nang kahit anong regalo. Naiintindihan mo?"
Tumango ako bilang sagot. Nangangatog pa din ako sa kinauupuan ko. First time in my entire life na makakita ng ganoon.
"You check the cctv. Call also Mt. Monteclaro about the incident. Looks like those fu*king enemies wanted my great downfall." Aniya.
Pinatawag niya ang immediate board meeting. Nagpaalaman kong si Mr. Francis Cho ang napugutan ng ulo. COO ng Sofia. Pagpasok namin ay nabubulung-bulungan ang lahat wari ba ay may isang tsismis at pasa-pasa itong sinasabi sa katabi. Ni hindi nla namalayan na andito na ang CEO.
"Ehem... looks like the news spreads too fast." Sabi ni Sir ng umupo ito sa kanyang upuan. Ako naman ay nasa bahagi likod nang kinauupuan niya. Hindi ko naiwasang hindi tumingin kay Mr. President. Matiim ang kanyang anyo habang nakatingin sa akin. Napakurap ako pagtingin ko ay nakangiti na ito sa akin. Eh?
Siguro ay guni-guni na lamang iyon.
"This meeting is addressed to the latest news of the seen body of COO Cho in our parking area. But unfortunately his cut head was delivered to my office."
Kitang-kita ang pagkagulat at pagsinghap ng mga board sa narinig. No one expect that was going to happen. Si Mr. Cho ay isa sa mga pinaka-makapangyarihan aa hotel sa ilalim ng CEO.
"I think this is not a good public news. Masisira ang imahe ng Sofia sa publiko." Aniya ng isang board member.
"Another is Mr. Cho has also big shares in the company. Have you already talked to his family relating the shares?" Tanong ng isa pa.
"Gentlemen, listen.. I already talked to the press and to the police regarding this incident. Hindi ito ilalabas sa public news. I have other plans at the momet this time. I just want to invest time to do the plans." Seryosong sambit ni Sir habang ang lahat ay nakikinig sa kanya.
"Anong gagawin mo ngayon Mr. Lim? Does your plan can have good results to Sofia? Besides, the COO position will be vacant. Would you replace a another one?" Tanong ni Mr. President. It may sound awkward or silly, but I think he has double meaning on what he is saying right now.
"Yes, Mr. Kaien Stanford but before that we are going to have a voting system to choose the next COO. This means it will be the decision of the whole board who will elect the new COO." Sagot ni Sir sa kanya.
Ganoon na lang din ang bulung-bulungan. Ine-expect ata ng lahat ay automatikong magiging COO ang presidente. Hindi na din umapila ang ilan sa naging desisyon ni boss. Nagkaroon na lang nang botohan kung sino ang mga pagpipiliian.
After weeks ay nagkaroon na nang final iting at ang nakakuha ng pinakamaraming boto ay si Mr. Mauro De Vega. Siya ay businesa tycoon when it comes to business. Meron din siyang 134 malls all over Asia, 57 univeristies at 44 restaurants. According to in depth research ay isa din Mafia member ng Black Society Outlaws. Isang kilalang orgarnization na kinakatakutan all over the world.
"Congratulations, Mr. De Vega." Bati ko sa kanya nang pumasok siya sa opisina ni Sir.
"Hahaha. Naku salamat hindi ko nga alam na ako ang magiging kapalit." Napakamot pa ito sa batok niya habang marahang tumatawa.
Inabot ko na din yung mga files na hinihingi ni Sir. Ibibigay daw niya iyon sa bagong COO. Lumipas ang pag-uusap nila nang trenta minutos. Ako naman ay busy sa files room. Pinapaayos ni Sir ang mga dokyumento dito. Actually nasa loob din iyon ng opsina. Andito kasi yung mga copy ng mga importante document na hawak ng CEO.
May nakita akong black envelope na naka ipit sa iilang ordinaryong mga envelope. 'A confidential contract' Iyon ang nasa labas nito. Naramdaman ko ang kyurusidad sa sarili ko at tinangkang buksan iyon.
"Hey, I was calling you since two damn minutes young lady!" Biglang may sumigaw mula doon sa pintuan. Nakita kong nakapamaywang na at nakasimangot si boss. Bigla kong ko din naisuksok yung envelope na hawak ko.
"So-sorry po hindi ko po narinig ang tawag niyo. Meron po ba kayong kailangan sa akin?" Pilit kong kinalma ang sarili ko sa pagkabigla.
Lumabas siya doon at mabilis akong sumunod. Wala na rin pala ang bisita ni boss noong lumabas ako.
"Samahan mo ko sa isang meet up ng isang business tycoon. I want you to accompany me there." Seryodomg sabi ni Sir. Tumango naman ako. Iyon lang ba? Malamang sekretarya mo ko kaya kasama mo talaga ako.
"But be sure not to spoil things up. Ayoko tatanga-tanga kang haharap doon. Baka dahil sa'yo mawala pa ang business venture ko." Paalaala niya.
Nagkaroon nang re-schedule ngayon dahil doon. Dapat ay pupunta siya sa isang shooting na gaganapin ngayon araw na ito hanggang tatlong araw.
Noong magpunta kami sa lobby ng Sofia ay nasa katawan ko na din ang baril at dalawang extra case ng bala. Just in case of emergency. Marami na din mga bodyguards ang nasa kompanya pinuntahan namin. Pero pagpasok pa lamang namin ng kompanya ay may biglang malakas na pagsabog doon sa katapat na kotse sa kabilang lane. Nabasag nang pira-piraso ang mga salamin.
Naramdaman kong bumilis ang reflex ko at nahila ko si boss doon papasok sa receptionist table. Gawa ito sa marble kaya alam kong matibay ito.
Kinuha ko yung baril ko at kinasa. Naririnig ko na nagkakagulo ang lahat. Dahil nasundan pa nang isa pang malakas na pagsabog mula mismo sa loob ng kompanya. Sumilip ako at nakita ko ang dalawang lalaki na nakahawak sa mga baril nila at patakbo na dumiretso sa amin kinalalagyan dahil biglang may natabig na kung ano si boss. Damnit!
"Pare, mukhang may tao doon sa counter."
"Pare, hindi kung sino lang ang hinahanap natin. Kailangan mapatay natin yung CEO ng Sofia!" Hiyaw ng isa pa.
"Gago! Malay mo di ba siya yung nandoon."
Nagawa pa nilang magtalo noh?! Tinignan ko si boss pero kalma lang ang hitsura niya. Bigla itonhg tumayo sa pinagtataguan namin. s**t! Nagpapakamatay ba to? Tinignan ko siya na 'Anong ba ginagawa mo!?' Pero ngumiti lang siya at rumingin din doon sa mga lalaki.
"Ako ba hinahanap niyo?"
Ako naman ay humanap ng magandang pwesto ng katawan ilalim. Nakita kong tumutok sa kanya yung baril na hawak nila. Habang ako wala akong magawa. Sinubukan kong dukutin yung phone ko para matawagan si Mr. Lee.
'Tangina! Gago may tao nga!" Nakita kong may mga hawak nila at tinutok iyon sa boss ko. Kala ko mapipigti ang hininga ko. Damit! Nasaan ba si Mr. Lee?
"Sinong bobong naghire sa inyo para gawin ito? Sa mga hitsura niyo pa lang ay alam hindi kayo professional killers." Nagawang pang humalakhak ni Sir habang sinabi niya iyon.
"Gago! Baka gusto mong pasabugin ko yang ulo mo. Hindi pala professional killer ha?"
"Pare, sampulan mo nga nang madala."
Nakita kong umigting ang mukha ni Sir nang tumingin muli ito sa dalawa.
"Your tattoos looks familiar to me.... At kaninong sobre ang nasa bulsa mo?"tanong niya.
"Pakialam mo! Dami mong satsat!"
Isang magkasunod na putok ang ng narinig ko. Halos mawalan naman ako ng hininga dahil doon. Bigla akong nagpanic nang biglang paupo si Sir at yumakap sa akin.
"Don't move."
Pagkarinig ko noon ay umikot na ang paningin ko at dumilim.
Madison........
Madison......
Isang liwanag ang bumungad sa akin. Puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Unti-unti ay tinahak ko ang daan patungo doon sa boses.
Madison......
Madison......
Lumakad pa ako kahit hindi naanigan ng mukha niya dahil sa puting ilaw. Ano bang klaseng ilaw ba ang ginamit nila. Sobra sa liwanag.
"Kumusta na ang princess ko?"
Isang tao lang ang kilala kong tumawag sa akin noon.
"Claude?"
Biglang lumitaw qng mukha niya. Yung mukha niya noong mga teenager pa kami. Bigla akong nainggit sa kanya. Tila hindi siya tumanda ilang taon ba ang lumipas pero wala pa din bago sa kanya.
"Sobrang namiss kita. Namiss kita Madison." Hinawakan niya nang marahan yung pisngi ko. Lalo tuloy bumagsak yung luha ko.
"Umiiyak ka na naman di ba sabi ko sa'yo ayokong nakikita kitang umiiyak." sabi niya habang pinupunasan niya yung luha ko.
"Sabi mo hinding-hindi mo ko iiwan. Ang sabi mo lagi kang mananatili sa tabi ko. Pero bakit mo ko iniwan bati namatay ka. Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ko sa kanya.
Nakakainis hindi ko naman kasi sinabing magpakamatay siya.
"Lagi akong nakabantay sa'yo at hinding-hindi kita iniwan. Mahal na mahal kita kahit noong mga bata pa tayo. I always loved you noon hangfang ngayon. Ikaw pa din."
"Hindi ako nawala sa'yo..... andito lang palagi ako sa tabi mo."
Unti-unti ay parang pinaghihiwalay kami. Nakita kong ang paglamon ng liwanag sa kanya. No! Huwag niyo siya kunin sa akin please!
"Cl-claude"
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Puting kisame ang nabungaran ko. Medyo nanlabo pa ang paningin ko. Lumingon ako sa paligid at naramdaman kong may nakahawak sa pisngi ko.
"Madison, are you alright?"
Unti-unti ay luminaw ang lalaking nasa harap ko.
"Sir?"
"Huwag ka munang magpumilit na tumayo. Sabi ng doktor kailangan mong magpahinga."
Naalaala ko bigla yung insidente na nangyari doon sa kompanya na pinuntahan namin.
"Sir yung kompan---"
"Just rest. They were noth killed. Dunating si Anthony sa tamang oras. You need rest. Bigla kang hinimatay. I thought you were shot." Bumalik ang pagiging moody at masungit niya. "Paano ka magiging personal bodyguard at secretary ko kung bigla kang hinihimatay?"
Napaawang ako sa sinabi niya. Ano niya daw ako? Bodyguard? Ako lang?
"Sayang naman kasi kung hindi ko susulitin yung bayad kong one hundred milkion dollars." Nagcross-arms siya at umauos ng upo.
Yeah right. Iyon pala ang purpose niya kaya nandito ako sa hospital at binuhay. He is just getting me for paying a hundred dollars. Bayad ko iyon bilang serbisyo sa binayad niya. What would I expect?
Wait. Am I disappointed?