“I was wondering, kailan pala umpisa ng mga busy schedules mo, Carter?” Napatingin si Carter sa kanyang asawa na nakatingin pa rin sa kinakain nito. Nasa restaurant sila noong tanghaling iyon dahil nakagawian na nila na kumain nang magkasama. Napansin niya ang pagtigil nito sa pagkain at sandali siyang sinulyapan. Hindi man nito aminin ay alam niyang may bumabagabag sa isipan nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago inabot ang kamay nito. “Maybe next week. I’m just waiting for Caleb to come home from his business trip. Why, baby? Something wrong?” Umiling lang ito at tipid na ngumiti. “No, I’m just... curious, I guess.” He teasingly smiled. “Why, you want to sneak in my trailer during my break so we can do a quickie--” Sinamaan siya nito ng tingin dahilan para mahina si

