“Hey, Carter...” Napalingon si Carter sa pintuan ng kanyang silid. Nakatayo kasi roon si Soleil, nakasuot ng pantulog at may hila-hilang unan. Sandali niyang inayos ang kanyang kama bago ito sinenyasan na lumapit. Hindi naman na ito nag-atubili pa at naglakad papalapit sa kanya bago nahiga sa kanyang tabi. Hinagkan niya ito sa noo at niyakap. “What’s the problem, baby? Can’t sleep?” Tumango ito bago siya tiningala. “Bakit ka pa rin natutulog dito sa kuwarto mo, e puwede naman na tayong magsama sa master’s bedroom?” He softly chuckled. “Ayokong marinig ‘yong paghihilik mo, e.” Napangiwi siya nang kurutin nito ang kanyang dibdib. Hinuli niya ang mga kamay nito at dinala sa kanyang mga labi. “I’m just kidding, baby... And to answer your question, it was your idea, wasn’t it? So I thought

