“Kumusta naman kayo ni Kuya, Ate Sol?” Napangiti na lamang si Soleil sa tanong na iyon ni Candice. Dinala niya kasi ito sa mall noong araw na iyon dahil may pictorial si Carter para sa produktong ine-endorso nito. Mamaya pa ang tapos niyon at nabuburyong naman siya sa bahay kaya naman napagdesisyunan niya na tawagan ang dalagang kapatid ng kanyang asawa at ayain ito na magliwaliw. Kumakain sila ngayon sa isang ice cream parlor at nagpapahinga pagkatapos ng halos isang oras na pag-iikot-ikot. “Ayos lang. I guess. Carter and I... we’re closer than before, that’s all I can say.” Napanguso si Candice. “’Yon lang? Akala ko naman may malaking progress. Are you guys still sleeping in separate rooms?” “Yeah. After niya tumambay sa kuwarto ko, bumabalik siya sa kanya.” She shrugged before takin

