XIV

1581 Words
Carter silently crept out of the master’s bedroom, ensuring that Caleb and Candice were already asleep in their rooms. Two pillows and a folded blanket were tucked under his arm, the other holding another pillow. Tulog na si Soleil sa loob ng silid na iyon at bagaman halata sa mga mata nito na gusto nito na manatili siya sa kuwarto ay hindi pa rin siya nagpapigil at hinintay na lamang na makatulog na ang kaniyang mga kapatid bago lumipat sa living area kung saan niya pinaplano na matulog. Walang umiimik sa pagitan nilang dalawa ni Soleil simula noong nangyaring iyon sa kanilang dalawa sa master’s bedroom habang tirik na tirik ang araw. He avoided being too close to her presence and so did she. Hindi niya alam kung nakakahalata ba ang kaniyang mga kapatid sa tensiyon na nasa pagitan nilang dalawa ng kanyang asawa dahil hinatak ni Candice ang kanyang asawa para manood ng pelikula sa mini cinema ng kanilang bahay habang silang dalawa naman ni Caleb ay naiwan sa baba at doon nanood ng pelikula. The lunch and dinner was also silent for the two of them, while the Chen siblings kept on grabbing their attentions. Noong mapagpasyahan niyang umakyat patungo sa master’s bedroom ay kaagad niyang inihanda ang mga gagamitin niyang unan at kumot. Nang pumasok si Soleil sa loob ng silid ay napuna niya pa ang bahagyang pagsimangot ng mga labi nito nang makita ang ayos niya. He sighed as he arrived at the living area of their home. Malaki naman ang mga sofa na binili niya kaya naman hindi na rin sasakit ang likod niya sa paghiga roon. Malapad din iyon at puwede siyang magpaikot-ikot sa pagkakahiga kung gusto niya. Hindi na masama, sa isip-isip ng aktor. Kaagad niyang inayos ang kanyang hihigaan dahil kailangan niyang maaga na magising bukas at makabalik sa master’s bedroom. “Sabi ko na nga ba, e.” Napapitlag siya at napalingon sa tinig ng kanyang kapatid na lalaki. Nakahalukipkip pa si Caleb habang nakasandal sa railings ng hagdan. Nakatingin sa kanya. He rubbed his temple. “Look, man. Don’t tell Mama and Baba, okay?” Caleb sighed before walking towards him and flopping on the sofa. “Kailan pa kayo natutulog nang magkahiwalay?” Naupo siya sa tabi nito at sumandal sa upuan. “Since... we arrived from our honeymoon. I was using the guest and she was in the master’s.” “Typical Ate Sol,” natatawang saad ni Caleb. “No, actually, I agreed with it too. Hindi niya naman ako pinilit or whatsoever,” saad niya. “She was insisting that we should sleep tonight in the same room but I told her I’ll sleep here, so...” “Bakit naman ayaw mong matulog sa iisang kuwarto kasama si Ate Sol, Ge ge? E siya naman na pala itong nagbibigay sa ‘yo ng chance.” Mahina siyang tumawa. “Heck, I don’t want to sleep beside a witch.” “Siraulo ka talaga, Kuya Carter.” Nangiti na lang siya sa komento ng kanyang kapatid. Ngunit sa totoo lang, kung hindi lang dahil nandito ang mga kapatid niya, matutulog talaga siya sa tabi ni Soleil. Or maybe, they could have continued what happened earlier. It was evident that she was aching and craving for his touch, and so was he. Bakit niya pa ba ikakaila na malakas ang epekto ni Soleil sa kanya ganoong halatang-halata naman sa tuwing nagkakalapit silang dalawa? And because of this, his confusion about his feelings grew stronger and stronger. Was it just lust that was making him feel all of those things for Soleil? Or was he really still in love with her, after all? “Nalilito na ako, Caleb,” he said out of the blue. “Litong-lito na ako.” “Bakit naman?” He chuckled before glancing at the rooms upstairs. “Hindi ko na maintindihan nararamdaman ko para kay Soleil, sa totoo lang. Alam ko naman na playboy ako. Na wala akong ibang inaatupag kung hindi maghanap ng magandang babae at maikama. I never hesitated nor backed out. I’m a jerk, and yet... now that I’m married to a beautiful woman, all I keep on doing was to hold back. You have no idea how many times have I stopped myself from doing more than just kissing and touching her, Caleb...” Nilingon siya ni Caleb bago ito nakisandal sa upuan. “Bakit ka naman naghe-hesitate? E ‘di ba, mag-asawa naman na kayo? Plus, may consent naman yata si Ate Sol na may mangyari sa inyong dalawa...” “Ayon na nga, e! Gusto namin pareho... But whenever I’m near her, when I’m about to continue what we’re doing, kung hindi may iistorbo, bigla na lang papasok sa isip ko na baka sumama ‘yong tingin niya sa ‘kin...” “What? ‘Di ko gets logic mo, Ge ge.” “If I... consummate our marriage again and again, she might think that I’m just taking advantage of it. Alam naman namin pareho na marriage out of convenience lang ‘to. Alam ko naman na hindi niya naman talaga gusto na makasal sa ‘kin at napilitan lang siya dahil na rin sa ‘kin. With what’s happened, I just don’t want my image to her to go worse than what she has been thinking about me. Ayokong isipin niya na kapareho lang ako ng ilan sa mga ex niya na gusto lang siyang ikama, na gusto lang siya makasama para maipagmalaki na parang trophy. Soleil’s... special to me. You know that, Caleb. Everyone knows that, except for myself.” Napabangon si Caleb at hinarap siya. “Teka nga, Levi Carter Chen. Tell me, may feelings ka pa rin ba kay Ate Soleil?” Bahagya siyang nanigas sa tanong ngunit kaagad din namang nakabawi si Carter. “Alam mo, lib*g lang siguro ‘to. Matulog ka na--” “Alam mo, Ge ge? Hindi mareresolba ‘yang mga tanong mo kung hindi mo haharapin ‘yong sagot. Kung patuloy mong papaniwalaan ‘yang sagot na gusto mo kahit na alam mo naman na hindi na tama, sa huli, ikaw na lang din maguguluhan.” He sighed. “I just need time, that’s all. You don’t expect me to become suddenly accustomed to the idea of loving her when she was the main reason why I gave up on love.” Muli niyang hinatak ang mga unan at kumot na bitbit niya. “Sa taas na lang ako matutulog. Matulog ka na rin, Caleb.” Nang makaakyat siya sa master’s bedroom ay mahimbing pa ring natutulog si Soleil. Gumalaw ang gilid ng kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang kanyang asawa ngunit hindi na siya umimik. Inayos niya na lamang ang mga unan at kumot na kanyang gagamitin sa ibabaw ng kama bago dahan-dahang nahiga sa tabi nito. Akmang tatalikod na ang lalaki nang maramdaman niya ang paggalaw nito at ang mahinang ungol na pinakawalan ng mga labi nito na para bang naaalimpungatan. “Mhmm... Carter?” takang tawag nito sa kanya. “Akala ko ba sa baba ka matutulog?” He only smiled before pulling the blanket up to his chest. “I can’t sleep there. Masyadong mainit.” “Oh, okay...” Tuluyang nanigas ang kanyang katawan nang yakapin siya nito. Nagsumiksik si Soleil sa kanyang bisig na wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang yakapin ito pabalik. Ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kanyang leeg, kamay ay nakalapat sa kanyang dibdib. She was so close... so close that at any moment, he knew that he could lose his control and... “Sol...” “You won’t mind if we sleep like this, right, Mr. Chen?” mahinang sabi nito. “No, I don’t, but...” “Don’t worry, ginusto ko rin naman. No one’s forcing someone here.” She smiled before giving him a peck on the cheek. “Good night, Carter...” “Can I kiss you back?” Mahinang tumawa ang kanyang asawa. “Parang quota ka na ngayong araw, a.” Dumilat ito, bahagyang bumangon, at tiningnan siya. “But I don’t mind, you know.” He did not hold back anymore. Mabilis niyang inabot ang pisngi nito at hinila ito papalapit.Bago maglapat ang kanilang mga labi ay makailang beses niya pang pinasadahan ng tingin ang mukha nito. Carter could not understand himself. Alam niyang hindi siya lasing at mas lalong nasa tamang huwisyo si Soleil ngunit bakit ngayon ay iba ang lahat? Bakit parang hindi man lang sila nag-aaway... “Carter...” “You’re messing with my head, baby girl,” he muttered before crossing the inches between their lips. “You’re always messing with me...” She softly moaned as he savored the taste of her lips, feeling every moment their mouths were locked to each other. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya rito. At sa bawat ungol, bawat singhap na pinapakawalan ng kanilang mga labi, ay dagdag na pasakit sa pagkatao ng sikat na aktor. Pasakit na nang putulin nito ang halik para maghabol ng hininga ay nakita niya na lamang ang kaniyang sarili na nagproprotesta. “Good night, Carter,” she whispered before sinking back into his arms. “Sleep well.” He chuckled before turning to face her and embracing her tightly. “How can I even sleep well after that, huh?” How can I even sleep well when I don’t even know if this is lust or love?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD