XV

1526 Words
When Soleil woke up, Carter was already gone. Hindi niya malaman kung bakit nadismaya siya na hindi siya nagising na nasa tabi niya pa rin ito. It was almost ten in the morning and it was understandable if he already left her room. But would it hurt him if he would just gave her a short message or notice that he would be going out? Teka nga, Luna Soleil. Bakit ka nadidismaya na iniwanan ka sa kama ng damuhong ‘yon? Napabuntong-hininga na lamang siya at bumangon bago inayos ang kanyang sarili. She threw on a robe over her nighties before wearing her bedroom slippers and heading out of the room. Her head was in a mess and so did her heart. She has never been so confused her entire life. Hindi niya malaman kung ano ba talagang estado niys kay Carter o kung may itinatago pa ba itong damdamin sa kanya kaya ito umaakto ng ganoon. Hindi niya malaman kung dapat niya bang ipagkatiwala ang sarili niya sa lalaking iyon ganoong alam niya naman ang reputasyon nito bilang babaero. Paano kung masaktan lang siya kapag hinayaan niya ang lalaki na makuha ang loob at tiwala niya? Paano kung mali pala ang mga akala niya? She sighed before heading down the stairs. She yawned as her nostrils were immediately hit by the familiar smell of home cooking. Napakunot ang babae. Nakauwi na ba ang mga maid nila? Sa pagkakatanda niya ay sa susunod na linggo pa ang dating ng mga ito. Mabilis na tinahak ng kanyang mga paa ang daan patungo sa kusina at bago pa man makapasok doon ay awtomatikong napangiti si Soleil. It felt like a deja vu. Parang kahapon lang, ganito rin ang nangyari... “Good morning, Ate Sol!” masiglang bati ni Candice sa kanya bago siya nito sinalubong ng yakap at halik sa pisngi. Oo nga pala, nandito pa ang mga kapatid ni Carter. How could she even be so forgetful? Ikaw naman, Soleil. Nakakuha ka lang ng goodnight kiss kagabi, nagu-ulyanin ka na. “Hi, Candice,”bati niya rito pabalik. Hinila siya nito papaupo sa upuan habang abala naman sa pagtatalo si Carter at Caleb sa kung ang dapat na kasunod na ilalagay sa niluluto ng mga ito. Sandali siyang sinulyapan ni Carter na kaagad namang nag-iwas ng tingin, bahagyang namumula ang tainga. “Anong niluluto ng mga kuya mo?” “Chicken congee gustong lutuin ni Kuya Carter kaso gusto ni Kuya Caleb ng xiao long bao,” yamot na saad ng dalaga. “I’m hungry, to be honest.” She softly chuckled as she watched Carter get worked up with cooking. “Kahit kailan talaga...” Tumaas ang kilay ni Candice bago siya nilingon. “Ang ganda yata ng mood mo ngayong umaga, Ate Sol?” “Hmm?” Nilingon niya ito bago tumawa. “Masama ba kung magiging masaya ako paminsan-minsan?” Nanunudyo ang iginawad na tingin nito sa kanya. “Parang kailan lang, nakabusangot ka sa mismong araw ng kasal mo kasi ikakasal ka sa kuya ko,” buska nito sa kanya. Hindi siya nakasagot kaagad nang lumapit si Carter sa kanya at naglapag ng isang baso ng lemon water. Hindi siya nito tinatapunan ng tingin ngunit mala-kamatis na ang pamumula ng tainga nito. “Oh, tubig mo. Inumin mo na habang malamig pa.” “Salamat...” nauutal na tugon niya dahil parang nag-dive ang puso niya sa sahig. Nang makaalis ito ay kaagad niyang tinungga ang laman ng baso. Hindi siya tumitigil hangga’t hindi niya nauubos ang laman ng baso bago iyon inilapag sa island counter. Nang makabawi ay nilingon niya si Candice na tatawa-tawa. “Stop it, Lorraine Candice. Hindi nakakatuwa.” “What? I’m not saying anything.” She just jokingly rolled her eyes before glancing again at Carter. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nagluluto. Paminsan-minsan ay nababahiran ng inis dahil kay Caleb. But in all honesty, Carter was really handsome. Hindi naman ito mamahalin at titilian ng mga fans nito at ng showbiz industry kung hindi, maliban sa talentado talaga ito. “Did Ge ge already made moves on you, Ate Sol?” She chuckled. “Moves? Kung ‘yong araw-araw na bwisitin ako e kasama roon, oo.” Napasimangot si Candice. “Jee, Kuya Carter. You’re such a pain in the ass.” Nilingon siya nito. “Alam mo ba na excited na excited mga tao sa bahay kasi alam nila na may feelings kuya ko para sa ‘yo? Not to mention that the two of you grew up together.” Ngumiti lang siya at hindi umimik. Alam na alam naman kasi niya kung bakit sila ipinagkasundo sa isa’t isa. Hindi naman maikakaila na setup ang lahat. Ang hindi niya lang mapaniwalaan na parte ay iyong may gusto si Carter sa kanya. Kagaya nga ng sabi nito, ni-reject niya na ito. At si Carter ang tipo na hindi martir. Kung may hindi ito nakuha na gusto nito, hahanap na lang ito ng iba. Imposible naman na pagkalipas ng labing-apat na taon e gusto pa siya ng lalaki. Imposible na iyon. “Maybe he just doesn’t see me in the way that you guys think,” komento ni Soleil. “Sure, let’s say it was first love. But we’re both young back then. Thirty na kami pareho ngayon at marami na kami parehong nakilala na mas higit. I’m sure Carter’s just... you know? Trying to understand his wife for the sake of old times.” Nangalumbaba si Candice sa counter habang nakatingin sa kanya. “E ikaw, Ate Sol? May nararamdaman ka ba para kay Ge ge?” Pakiramdam niya ay nasamid siya sa kanyang sariling laway dahil dinalahit siya ng ubo. Napalingon tuloy si Carter sa kanya at mabilis siya na dinaluhan. Kinuha nito ang baso sa harapan niya at iniabot kay Caleb para lagyan ng tubig. She flinched when he gently rubbed her back, trying to ease her breathing. “Are you alright, baby girl?” he worriedly asked, that made a few eyebrows raise. “Here, drink some water...” Kinuha niya ang baso at ininom ang laman niyon habang pinapanood siya ng kanyang asawa. Napipintahan ng pag-aalala ang mukha nito na kaagad naman napalitan ng pekeng inis nang mapansin ang mukha ng mga kapatid nito. “Ayan, masyado ka kasing workaholic! Sinasabihan na magpahinga, ayaw magpahinga...” Inirapan niya ito bago inilapag ang baso sa ibabaw ng counter. “I’m fine, jerk.” Nagsalubong ang kilay nito bago kinuha ang baso at tinalikuran siya. Bubulong-bulong pa kahit na rinig niya naman. “Ako na nga concerned, ako pa ang tarantado. Wow, ang galing.” Nang makabalik ito sa kalan ay hindi niya na nakayanan ang bigat ng titig ni Candice kaya naman sandali siyang nagtungo sa banyo para maghilamos. Pampakalma ba. Ngunit kahit ilang beses niya nang dinampian ng malamig na tubig ang kanyang mukha ay hindi niya pa rin magawa na alisin sa utak niya ang mukha ni Carter na nag-aalala. O ang mapakalma ang kanyang sariling puso mula sa pagpintig nito nang mabilis. Para bang kaunti na lang ay lalabas iyon ng kanyang dibdib sa sobrang lakas at bilis ng kabog. Napabuntong-hininga na lamang siya bago lumabas. Ngunit sakto na pagbukas niya ng pinto ng banyo ay ang malaking bulto ni Carter ang nakasalubong niya. Tila ba handa na siyang katukin sa banyo kung hindi niya pa naisipan na lumabas. “Carter...” “Hey, are you alright, baby?” nag-aalalang tanong nito bago siya hinawakan sa magkabilang balikat at sinipat. “I can call Doc Warren, if you want...” “Yeah, I’m good... Nasamid lang ako, Carter. Nothing to worry about.” “Are you sure? I don’t want you to get sick, you know that. After eating your breakfast, you should rest, okay?” She let out a deep breath before placing both of her palms on his cheeks. “Hey, I’m fine. Don’t worry that much. Hindi naman ako sakitin at mas lalong hindi mahina ang katawan ko. Besides, I’m planning to bring Candice to the mall.” Tumaas ang kamay nito para paglaruan ang dulo ng kanyang buhok. “You guys want me to drive you? Wala naman akong ibang gagawin...” “It’s a girls’ day out, so, no. Ayain mo na lang si Caleb sa kung saan.” He pouted. “Parang kagabi lang, anghigpit ng yakap mo sa ‘kin, ta’s ngayon, tinataboy mo na ‘ko.” Mahina niyang tinampal ang pisngi nito. “Drama king. Sinong may sabing okay na tayo, huh?” “If you say so...” he said before pulling her close and planting a kiss on her forehead, as her body tensed up. “This is a good morning kiss, by the way,” he said before grinning and running away. “Carter!” inis na bulalas niya. Binelatan lang siya ng damuho bago nagtatatakbo pabalik sa kusina. Imbes tuloy na kumalma ang kanyang katawan ay mas lalo lang tumindi ang kabog ng dibdib niya. Maliban doon ay ramdam niya ang pagi-init ng buo niyang mukha at katawan. Ugh, bakit ba ako kinikilig sa kupal na ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD