XII

1541 Words
Soleil yawned as she get out of her bed. Umaga na pala. Sa huling pagkakatanda niya ay kasama niya pang nanonood si Carter ng Fifty Shades of Grey kagabi. Remembering that she got a lot of work to do, she immediately wore her bedroom slippers before heading out of the room and going to the living area. Sabado noong araw na iyon at hindi siya pumapasok kapag ganoong araw. Pero baka ngayon ay mapilitan siya dahil na rin sa mga nabinbin niyang mga gawain. Mahina siyang natawa nang maalala ang mga nangyari kagabi. It has been a while since she and Carter has been that friendly to each other. Hindi niya rin inakala na magso-sorry siya sa lalaki. Siguro ay talagang hindi niya lang makayanan na hindi ito pinapansin ngayon na nakatira na sila sa ilalim ng iisang bubong. Nang makababa ng hagdanan ay kaagad siyang sinalubong ng mabangong amoy ng nilulutong pagkain. Napakunot ang noo niya. Sa pagkakatanda niya ay dalawa lang ang maids nila at pinag-day off sila ni Carter ng isang linggo dahil uuwi raw ng probinsya dahil namatayan. Sino ang nagluluto ng agahan? Sandaling napalingon si Carter sa kanya habang abalang-abala ito sa pagluluto. He was even shirtless, and he looked like he just had woken up too. Nilapitan niya ito bago sinilip ang niluluto nito. Makailang ulit niya pang kinusot ang kanyang mga mata. Nananaginip ba siya? “Hey, don’t rub your eyes. Baka magkasugat ka sa mata,” saway sa kanya ng kanyang asawa habang ginigisa nito ang kanin na nasa kawali. “Maupo ka na. Maluluto na ‘to.” “Nananaginip ba ako?” natatawang saad niya. “Hmm? Why, baby girl?” “I never knew that you can cook,” she commented. Mahinang tumawa si Carter bago inabot ang mangkok na puno ng binating itlog. “I learned how to because of my acting career. I never used body doubles, remember?” Tumango-tango siya habang pinapanood ito. Hindi niya man aminin ay naaaliw siya kay Carter. Ngayon ay saka lang pumasok sa kanyang isipan na sa loob ng haos labingapat na taong itinutulak niya ito papalayo ay andami niya nang hindi alam sa kanyang kababata habang ito naman e halos ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay niya ay tanda nito. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang mga paborito niya maski na ang mga ayaw niya. Na para bang walang nagbago. “You’ll melt me, baby girl. Bakit ka ba titig na titig?” natatawang tanong nito. “Are you still sleepy? You don’t have to wake up early if you still are, you know.” “No, I have so many things to do, Mr. Chen. So much work left,” she mumbled before closing her eyes and leaning against the wall. “I need to finish them.” Napadilat siya nang maramdaman ang kamay nito na hinahaplos ang kanyang pisngi bago iyon naglandas sa kanyang buhok at marahang ginulo iyon. He smiled before going back to what he was doing. “Still, don’t forget to rest, okay? Mahirap na, baka magkasakit ka at mas lalong matambak trabaho mo.” She smiled. May sakit ka ba, Carter Chen? Bait, a, sa isip-isip niya. She can smell a whiff of garlic and sausages from what he was cooking that made her stomach grumble. Sandali siya nitong nilingon muli bago tumawa. “Why are you laughing, Mr. Chen?” He sighed before pulling her and guiding her towards the table. He made her sit on one of the stools there before taking out some plates and placing them in front of her. “Wait there, Mrs. Chen, okay? Let me serve you your food.” Hindi nagtagal at bumalik ito sa lamesa bitbit ang maliit na kawali. He transferred some of the food on her plate and she could not deny that it smelled delicious. Naglagay ang lalaki ng kaunti sa plato nito bago naupo sa tabi niya. “Anong tawag dito, Carter?” she asked innocently. “Pork chao fan lang ‘yan, Mrs. Chen. Don’t get too impressed,” biro nito. Nag-umpisa na itong kumain kaya naman sumunod na lang din siya. Walang umiimik sa kanilang dalawa at pasulyap-sulyap lang ito sa kanya, tila ba tinitingnan kung nagustuhan niya ang niluto nitong pagkain. Hinipan niya muna nang kaunti ang nasa kutsara bago iyon sinubo. Nginuya. Mayamaya pa ay sunod-sunod na ang pagsubo ni Soleil. Hindi lang pala iyon amoy masarap, lasang masarap din. “Masarap a,” mahinang saad niya. “Naks, galing naman.” Mahina itong tumawa habang kumakain. “Hindi ‘yan kasingsarap ng luto ni Mama Cuifen, believe me.” She grinned. “Buti ka pa nga marunong magluto. Ako kaya palaging nakakasunog.” He nodded in disbelief. “Weh? I never knew that the talented Soleil Alcantara would be a bad cook.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “I’m not a jack-of-all-trades, okay? May mga bagay rin na hindi ko kayang gawin.” “It’s alright, you’re perfect just the way you are,” mahinang sabi nito bago nagpatuloy sa pagkain. Parang huminto ang ikot ng mundo niya nang marinig iyon. Pigilan niya man ay sige na naman sa pagtambol ang kanyang puso. Na tila ba may piyesta sa loob ng kanyang katawan na hindi niya mapakalma. Nang maramdaman na parang may nakabikig sa lalamunan niya ay kaagad niyang kinuha ang baso at nilagok ang laman niyon. Carter watched her as she downed the entire glass of water, lines forming on his forehead. “Are you alright?” “Nasamid lang,” maikling tugon niya bago tumikhim. Pinagpatuloy nilang dalawa ang pagkain nang wala nang nagsasalita pang muli sa pagitan nilang dalawa. Nang matapos ay nagboluntaryo siya na siya na ang maghuhugas ng pinggan. Hindi naman na ito at nagreklamo at lumabas na ng kusina. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na lagukin nang sunod-sunod ang mga baso ng tubig na kinuha niya nang mawala ito sa paningin niya. Hindi niya magawang huminga nang maayos sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Bakit ba naman kasi bigla-bigla na lang itong nagiging mabait at maalaga? Tapos, may sinabi pa itong ka-weird-uhan. Hindi niya tuloy malaman kung genuine ba ang pinapakita nito o balak lang talaga siyang pag-trip-an ng damuhong iyon. O ikama. O baka naman pareho, who knows? She sighed before carefully placing the clean plates on the rack to let them dry. The house has been silent since Carter left her alone in the kitchen. Nang mapalingon sa lamesa ay tsaka niya lamang napansin ang isang banig ng gamot at lata ng pineapple juice. Nang tingnan niya ang gamot ay nalaman niya na ascorbic acid pala iyon. Soleil saw herself smiling, the corners of her mouth moving as if it has its own mind. She softly laughed before taking the vitamins and the pineapple juice with her and heading back to the living area. Naroroon si Carter, habang tahimik na pinagmamasdan ang mga disenyo na kanyang ginagawa. She silently walked towards him to sit beside him as he occupied himself admiring her work. “You’re really good at this, baby girl,” he commented before beaming at her. “No wonder your fashion line has always been successful.” “You think so?” inosenteng tanong niya. “Am I really good at my job?” Parang may tumatalon-talon sa loob ng kanyang puso nang akbayan siya ni Carter at kabigin nito papasandal ang ulo niya sa balikat nito. He was just inches away from her, and she could even hear his loud and fast heartbeat. “Yeah.” Nang lumingon ito ay tila ba pareho silang napasailalim ng kung anong mahika na dahilan para sapuhin nito ang baba niya. Hindi niya magawang magprotesta dahil walang tinig na lumalabas mula sa kanyang mga labi. Malamlam ang mga mata nito ngunit may ningning iyon nang magawi ang titig nito sa mamasa-masa niyang mga labi. Dahan-dahan na ibinaba ni Carter ang mga hawak nitong papel bago pumihit papaharap sa kanya. Unti-unting lumiit ang distansiya sa pagitan ng kanilang mga labi. Parang walang ibang umiikot sa kanilang paligid noong mga oras na iyon. Hindi niya marinig ang malayong kaluskos ng mga dahon sa labas, o ang ingay ng mga nagdaraang sasakyan sa exclusive subdivision na iyon. What she could only hear was their heartbeats, loud and abnormal. Filled with excitement. Nang dumampi ang mga labi nito sa kanya ay hindi niya na pinigilan pa ang kanyang sarili. Hinayaan niya na tumugon ang kanyang sariling katawan sa matamis na halik ng lalaki. They were both sober but the taste of his lips was intoxicating. Pakiramdam niya ay para siyang hinahainan ng matapang na serbesa na unti-unting nagpapaikot ng kanyang paningin at nagpapahina ng kanyang mga tuhod. Sinapo nito ang likod ng kanyang ulo at mas lalo pang idiniin ang mga labi nito sa kanya habang naglalaro naman ang dila nito. Ang pageeskrima ng kanilang mga dila ay hindi pa sapat na dahilan para dahan-dahang maglandas ang mga daliri nito sa suot niyang pajama. Akmang bubuksan na nito ang pagkakabutones ng mga iyon nang basagin ang katahimikan at ang mahikang bumalot sa kanilang dalawa ng malakas na tunog ng doorbell at ang paulit-ulit na pagkatok sa pinto ng isang panauhing hindi inaasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD