Napasulyap si Soleil kay Carter nang lumabas siya mula sa kusina. Nasa may living area kasi ito at inaayos ang mga bagong proyekto ng fashion line nito. Pareho lang silang nakasuot ng pajamang kulay asul at pink. Gabi na noon at sila na lang ang naiwan sa loob ng mansiyon dahil naka-day off ang mga kasambahay nila. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kaagad na napaiwas ng tingin si Soleil at tumikhim. Ipinagpatuloy ang ginagawa nito na animo ay hindi siya nakita. Na akala mo ba ay para lang siyang masamang hangin na sandaling pumukaw sa atensyon nito. Bitbit ang isang kahon ng egg pie, pizza, at bowl ng popcorn ay naupo ang aktor sa katabing sofa nito at pinanood ang kanyang asawa na magpatuloy sa rutinaryo ng buhay nito.
Hindi sila nagkikibuan simula noong gabi na kinompronta siya nito, na halos isang linggo na rin ang nakalilipas. Pinigilan niya rin ang sarili niya na magpadala ng pagkain sa opisina nito o ang tawagan man lang ito kapag nasa trabaho. Ang tanging interaksyon lamang nila sa isa’t isa nitong mga nakaraang araw ay iilang maiikling tinginan o tango at iling. Maliban doon, wala na.
Hindi niya rin mawari sa sarili niya kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon kay Soleil. Siguradong-sigurado siya sa sarili niya na wala na siyang nararamdaman na kahit na ano sa kanyang kababata. Kung ano man ang nagiging dahilan niya para maging seloso at angkinin ito na tila ba pagmamay-ari niya ito, para sa kanya ay hindi iyon pag-ibig. She has already rejected him, after all. Bakit naman siya magkakagusto ulit sa taong nagtapon na sa kanya? Sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa para lang makasama siya kahit isang gabi lang, bakit naman mananatiling nakakulong ang puso niya sa puppy love niyang nasawi, hindi ba?
He cleared his throat before picking up the remote and turning on the flat screen television. Naalala niya na may Netflix subscription nga pala siya at bihira niya na magamit. Napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito sa gilid ng kanyang mga mata habang tinitingnan niya ang mga bagong pelikula na mayroon. Ibinaba nito ang hawak nitong lapis at nilingon siya.
“Excuse me?”
Nilingon niya ito. “What?”
“Can’t you see? May ginagawa ako rito, Carter. Why don’t you just watch your movies in the mini cinema upstairs?”
He shrugged. “Ayokong manood nang mag-isa ro’n, horror pa naman gusto kong panoorin.”
“Then don’t watch scary movies,” she demanded. “I need to focus on my work, you know. Maraming natambak na trabaho sa ‘kin dahil sa kasal at naii-stress na ako. Huwag ka nang sumabay.”
He sighed before moving closer to her. Hindi niya rin matiis na hindi niya ito binubuska o kinakausap. Marami rin naman kasi silang pinagsamahan maliban sa love part. Hindi niya maikakaila na halos kapatid na rin ang turing niya kay Soleil kaya naman hangga’t maaari ay gusto niyang masaya ito, kagaya ng kapatid niyang si Candice na palaging spoiled sa kanilang dalawa ni Caleb.
“Hey... You need to loosen up a little, baby girl,” masuyong saad niya bago ito inakbayan at hinila papalapit. “Don’t stress yourself too much. Hindi na po tayo bumabata, for your information.”
She rolled her eyes but there was no hint of anger in those green pupils anymore. “Whatever, jerk. I’m not as happy-go-lucky as you. I love to work and taking a break is the least thing that I need right now.”
Mahina siyang tumawa bago inabot ang kahon ng egg pie na nasa tabi niya. “Kahit na may egg pie ako rito, ‘di ka pa rin magpapahinga? Bango pa naman nito, Sol, o. Bagong luto pa.”
Napansin niya ang paglunok nito habang tinitingnan ang kahon. It was her only weakness, after all. Mayamaya pa ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago siya nilingon. “Bakit mo ako biglang kinakausap ngayon, ha? E parang nitong nakaraan lang, hindi mo ako pinapansin.”
“E hindi mo rin ako pinapansin, e. Anong gusto mong gawin ko--”
“Sorry.” Pareho silang natigilan sa sinabing iyon ni Soleil. Para bang nahihiya pa ito dahil nanatiling nakatungo ang ulo nito at hindi siya tinitingnan. She bit her lower lip before grabbing her colored pencils that she always use for designing her clothes. Pinaglaruan nito ang isang piraso niyon sa pagitan ng mga daliri nito bago muling nagsalita. “Sorry if I snapped and accused you nonsensical things the other night. I was just so mad and scared of losing that deal, plus you left me alone even though you know that I might need a ride after that... And you’re right, dapat sinasabi ko sa ‘yo kung sino kasama ko at kausap ko dahil mag-asawa na tayo. You know I’m still having a hard time adjusting with this setup and that we hate each other to the guts--”
He clicked his tongue before pulling her closer and making her head lean on his shoulder. “No, it’s alright. I admit, mali rin naman na fi-nin-ger kita habang may ka-meeting ka. That was uncalled for. Labas ‘yon sa usapan natin at masyado akong padalos-dalos.” He smiled. “So, bati na ba tayo, Mrs. Chen?”
“Basta ikaw magmo-model ng products ko.”
He chuckled. “All right, baby girl. You got me.”
Tipid itong tumango bago kinuha ang kahon ng egg pie at nag-umpisang kumain habang siya naman ay namimili ng pelikulang panonoorin. Nang walang makitang horror movie ay napasulyap siya sa Fifty Shades of Grey na bago sa kanyang paningin ay mabilis niyang pinanood iyon habang kumakain ng pizza at popcorn. Hindi naman umiimik si Soleil sa tabi niya na nananatiling nakasandal sa kanyang balikat at kumakain din. They silently watched the film until the silence became unbearable for Soleil. “Wow, it’s strange.”
“Hmm?”
“We’re not arguing tonight,” natatawang komento nito. “It’s strange.”
Napakunot ang noo niya. “Bakit, mas gusto mo bang nakikipagtalo sa ‘kin?”
She jokingly rolled her eyes. “Ugh, it’s much better than being lovey-dovey with you, Mr. Chen.”
He smirked. “Just focus on the movie, baby girl. You won’t know when you’re gonna need those kinds of knowledge.”
Hinampas siya nito sa dibdib dahilan para matawa siya. Mayamaya pa ay nahiga na ito sa kandungan niya habang siya naman ay kumakain ng popcorn at paminsan-minsan ay sinusubuan ang kanyang asawa. He could not help but to think that that moment was just like the old times. Madalas silang mag-movie night ni Soleil sa bahay nila kasama ang mga kapatid niya. She always lay on his lap, and him feeding her.
Good old times, nangingiting isip niya. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang tumunog ang smartphone niya. Ipina-pause niya kay Soleil ang pelikula at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Damon, isa sa mga kaibigan niya. Kaagad niya itong sinagot. He pressed the loudspeaker so that Soleil could hear their conversation.
“Hey man, what’s up?” bati niya.
“Are you busy? The boys and I are going to have a night out in Red Angel. Celebration ng recovery ni Vlad. You coming?”
Napakamot siya ng batok bago napasulyap sa aantok-antok nang si Soleil na nakahiga pa rin sa kandungan niya. Marahan niyang sinuklay ang buhok nito. “Can’t. I’m with my wife.”
“Oh, okay. Lucky bastard,” biro nito. “Tell Mrs. Chen I said hi.”
He softly laughed. “Yeah, you guys have fun. My treat next time, pambawi man lang.” He ended the call and took the remote from Soleil’s hand, who was obviously sleepy. She looked at him before yawning, brushing her eyes.
“O, hindi ka sasama sa kanila? You should go, you know.”
He grinned. “Aba, himala. Hindi mo ba paghihigpitan asawa mo, Mrs. Chen?”
Nagsalubong ang mga kilay nito bago siya kinurot. “The hell I care with what you do, you jerk.”
He took her hand before gently placing a kiss there, then resuming on the movie. “I’d rather stay at home. The movie’s pretty interesting. I might watch the other parts.”
“Bakit, kukuha ka ng tips kung paano gagaling sa kama?” buska nito bagaman alam naman nila pareho na hindi naman sila nagpopokus sa parteng iyon ng pelikula kung hindi sa pagkain.
“No, baka sila pa turuan ko,” buong yabang na sagot niya.
She softly laughed before watching the movie again, whispering, “You’re weird.”
Ilang sandali pa ang lumipas sa pagitan nilang dalawa. He did not notice that they had already finished the box of pizza and egg pies along with the huge bowl of popcorn. Papikit-pikit na si Soleil habang siya naman ay gising na gising. How could he even explain the loud beating of his heart right at that moment? Or the warmth that he was feeling whenever Soleil was glancing at him?
Napatingin siya rito nang marinig niya ang mahinang paghihilik nito. Maingat niya itong pinangko at dinala pabalik sa silid nito. Siguro ay pagod na pagod talaga ito kaya naman hindi na nito nakayanan pa na magpuyat. Marahan niya itong inihiga sa kama bago kinumutan. She looked like an angel, peaceful in sleep. Ilang sandali pa siyang nanatili sa tabi nito bago hinaplos ang buhok ng asawa niyang nahihimbing.
He snickered before planting a soft kiss on her forehead. “Yeah, maybe I’m really weird...”