Pagkapasok ni Tazanna sa loob ng ospital kasama ang assistant si Alexander, ay ang di kanais-nais na amoy ng ospital ang sumalubong sa kanya. Wala siyang sariling assistant na pwedeng sumuporta sa kanya.
Pagkatapos malaman kung nasaan ang kwarto ni Michelle ay dumiretso siya doon. Nakita niya sa labas ang assistant nito. Ito ang lalaking nagsabi na siya ang gumawa ng lahat ng desisyon sa araw ng jewelry show.
Ipinasa nito sa kanya ang lahat ng sisi.
“Nandito ka na,”sabi nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa; sinasadya nitong gawing mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya. “Maghintay ka muna rito, nagpapahinga pa si Michelle.”
Initaas niya ang kanyang handbag gamit ang kanyang dalawang kamay at tiningnan sa mga mata ang assistant. Gamit ang mahina at banayad na boses tinanong niya ito, “Alam mo ba ang apelyido ko?”
"Nonsense! Sino ang hindi nakakaalam na ang apelyido mo ay Mendez?" sagot nito.
“Dahil ang apelyido ko ay Mendez, alam mo na siguro ang background ng aming pamilya. Ano ang karapatan ng assistnant na kagaya mo na maging arogante sa harap ko?” Tanong niya rito.
“Ano..” Walang itong mahagilap na sagot sa kanyang tanong.
“Si Tazanna na ba iyan? Please come in.” Narinig si Michelle ang boses ni Tazanna mula sa labas at nadismaya sa katangahan ng kanyang assistant. Kung nais nitong labanan si Tazanna, hindi ito ang tamang paraan. Dahil kahit anong mangyari, she still had the Mendez family behind her.
Hindi niya pinansin ang galit na assistant at taas noong naglakad si Tazanna sa loob ng kwarto. Pagkakita niya kay Michelle na nakaupo sa higaan nito, ngumiti siya, “Michelle, ok ka lang?”
Alam niyang sinadya nitong saktan ang kanyang sariling mga paa upang pigilan si Alexander na makasal sa kanya, napaka walang-hiya ng babaeng ito!
“Narinig ko kay President de Vera na magkakaroon tayo ng tatlong-minutong live broadcast, tama ba? Tazanna, para na tayong magkapatid, handa kitang tulungan upang gumanda ang iyong imahe sa publiko.”
Sandali siyang nag-atubili. Hindi siya makapaniwala kung gaano kawalang-hiya si Michelle – halos pareho na sila ng antas ni Alexander. Alam nilang tatlo ang katotohanan sa nangyaring paghalili niya dito, subalit umaakto itong parang walang nangyari.
Nadismaya siya rito at sinabi sa pagalit na tono, “Pumunta lang ako para dumalaw sa iyo…”
"You really don't need to be polite..." sagot nito.
“Naghanda kami ng isang eksena para sa iyo. Sa ilang sandali, papasok ang doktor upang baguhin ang aking mga bendahe. Sa oras na iyon, upang maipakita ang iyong sinseridad, inayos namin na hugasan mo ang aking mga para. Ito ang paraan para maipakita mo sa publiko kung gaano ka nagsisisi. "
“That’s enough…” pagalit na tinigil niya ang dalawa sa pagsasalita. “Michelle, alam natin ang totoong nangyari sa jewelry show. Hindi ba dapat oras na para tumigil ka?”
“Tazanna, anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan…” pagpapanggap nito.
“Kailangan mo ba talagang baliktarin ang lahat?” Ang kanyang boses ay parang nagpapahiwatig na inaakusahan siya. “Kung hindi dahil kay Alexander ay hindi ko gagawin ang lahat ng ito. Hindi pa ba sapat ang lahat ng itinulong ko?”
“Tazanna, sapat na ang paghingi mo ng tawad, kailangan mo ba talagang magsalita ng masama tungkol sa ibang tao? Inamin mo nang ikaw ang may pakana ng lahat upang gumawa ng ingay!” Dalubhasa si Michelle sa pag-arte kaya ay hindi siya nagkamali sa pagsasabi at pinanatili pa ang kanyang pagiging inosente.
“Hindi ako hihindi ng tawad sa iyo!” Seryosong sabi niya. Sa panahong iyon ay ini-record ng assistant ni Michelle ang kanyang mga sinabi at maagap na ipi-nost ito sa social media na may headline: [Attention seeking b*tch being insincere, won’t apologize!]
Sa isang iglap, marami ang nagreact ay nagsalita ng masama tungkol sa kanya.
Reporters flocked the scene, ngunit walang sinuman ang gumambala kay Tazanna. Naiwan si Michelle na umiiyak sa harap ng mga kamera. “Akala ko ay dahil sa pareho kaming modelo ay hindi ko na itutuloy ang pangyayaring ito. Pero sumusobra na si Tazanna. Hindi lamang siyang tumangging humingi ng tawad, nagsalita pa siya ng masama.”
At iyon ang simula ng away ng dalawang modelo. Dalawang modelong hindi alam kung papaano kontrolin ang kanilang sarili sa publiko, gumawa pa ng nakakaiyak na drama na umani ng atensiyon mula sa mga tao sa paligid.
Agad na naglabas ng statement ang Starlight. They apologized to the public and stated that they will seriously deal with Tazanna, giving off the idea that they were going to dismiss her.
Kasabay ng pagiging viral ng “Hindi ako hihingi ng tawad sayo!” ay may isang sikat na online personality naman ang naglabas ng isang album na may pamagat na [It’s not that she won’t apologize but she shouldn’t]
Ang album ay naglalaman ng mga litrato ni Michelle at ni Alexander na magkayakap. Nasa loob ng ospital nakunan ang mga larawan. Nakapatong si Alexander kay Michelle na may soot pang hospital gown.
Lahat ng netizen’s ay nabigla habang may isang sikat na website naman na tumugon sa pamamagitan ng isang post: [Ilabas ang katotohanan sa likod ng jewelry show!]
Kasama sa post ang lahat ng magagandang detalye ng insidente, gamit ang katotohanan na sina Michelle at Alexander ay may relasyon. Nagbigay ito ng isang malinaw na pagsusuri sa kung paano napilitan si Tangning na magkompromiso, then led to being suppressed and finally pushed into reacting angrily.
Para sa pag-big ay napilitan siyang akuin ang lahat ng sisi. Kasabay nito, ang mistress ay ginagawa itong pagkakataon para ipahiya siya.
Dahil dito, ang scandal ay lumitaw. Ang mga larawan ni Michelle at ni Alexander ay kumalat at natuklasan ng mga netizens na bukod sa nangyaring substitute accident, ay walang ibang masamang balita tungkol kay Tazanna nitong mga nakaraang taon. Kahit na naghanap sila mula tatlong taon na ang nakakaraan ay wala silang ibang makita kundi ang mga litatro nito habang nagmo-modeling sa stage.
Ang babaeng ito, na isinuko ang kanyang karera para sa pag-ibig ay hindi kailanman sinubukang ipaliwanag ang kanyang sarili kahit isang beses. Kahit pagkatapos ng naganap na insidente ay siya ang umako ng lahat.
Dear God, everyone has misunderstood her!
Alam talaga ni Michelle kung paano umarte. Sino ang mag-aakala na ang Starlight ang pumipigil dito.
The tables had once again turned...
Hindi mabilang na mga tao online ang nagsisimula ng makaramdaman ng guilt dahil sa panghuhusga kay Tazanna. Habang nangyayari ang lahat ng ito, si Michelle ay nasa kalagitnaan ng isang interview, “Hindi ko alam kung papaano susuriin ang kanyang pagiging walang hiya…”
Ang reporter ay bahagyang natulala ng biglang may ipakita ng kanyang kasamahan ang telepono nito at may ipakita sa kanya.
Pagkatapos makita ang mga larawan ay ipinakita niya ito kay Michelle at nagtanong, “Miss Michelle, totoo ba ang mga larawan na ito?”
“Ano ito?” Namutla siya pagkakita sa mga larawan.
“Ito ay mga intimate na mga larawan ninyo ng president ng Starlight na si Alexander de Vera. Gusto mo bang sabihin ko pa ang detalye kung ano ang ginagawa ninyo sa larawang iyan?” sabi ng reporter
Napatigil si Michelle. Kanina lang ay umiiyak siya habang nakakaawang nakatingin sa mga camera. Ngayon, bigla siyang naging isang kabit na inakit ang kasintahan ng ibang tao. Sa tingin ng iba, ay wala na siyang pinagkaiba sa ibang modelo na ibinibenta ang kanilang sarili upang umangat sa industriya.
Isa pa, wala siyang mahagilap na anumang salita para ipangtanggol ang kanyang sarili.
Nakaramdam ng hiya ang mga reporters para sa kanya.
“Sa tingin ko ay totoo ang mga larawang ito. Sa isang banda ay umiiyak ka, habang sa kabilang banda naman, ay ninanakaw mo ang kasintahan ng iba,” biglang tumindi ang tanong ng isang female reporter.
“H..hindi…” Natatarantang tanggi nito.
“Malinaw ang mga larawang ito. Huwag mong sabihin na ita-tanggi mo parin ito.” Pahabol ng reporter.
“Hindi. Peke ang lahat ng iyan. Parte ito ng plano ni Tazanna.” Bigla siyang walang magawa sa harap ng camera. “Don’t film anymore. Get out! I don’t want to be interviewed anymore! Go!” Hysterical na sabi niya.
Nagpakawala ng isang malamig na “hmph” ang female reporter. She despised her. “Miss Michelle, kahit na sanay na kaming lahat sa industriyang ito, pero sasabihin ko sa iyo ito: God will punish those that have bad intentions – there is justice in this world. Sa ginawa lamang ni Tazanna na pag-ako ng lahat ng sisi at responsibilidad, magmula ngayon, ay hindi na ako magsusulat ng anumang masamang bagay tungkol sa kanya.”
Nanginginig sa takot si Michelle. Pagkaalis ng mga reporters ay tinawagan niya si Alexander.
“Babe, nakita mo ba ang mga larawan? Anong gagawin ko ngayon?” Kinakabahan niyang tanong rito.
“Mga larawan lang iyon, bakit ka nagpa-panick? Kasalukuyang gumagawa ng solusyon ang kompanya tungkol diyan.” Kalmadong sagot ni Alexander pero nasa loob ay hindi niya magawang maging kalmado. Dahil sa paglantad ng lahat, hindi lamang ito makaka-apekto sa karera ni Michelle kundi ang buong hinaharap ng Starlight. Maaari rin itong maging dahilan upang mawala si Tazanna sa kanya.
After all, he had suppressed her and cheated on her.
“Si Tazanna ang may kagagawan ng lahat ng ito.” Sabi ni Michelle.
“Kung hindi mo siya pinag-initan, sa tingin mo mangyayari ang lahat ng ito?” Pagkatapos magsalita ni Alexander ay pagalit niyang ibinaba ang tawag. Hinanap niya ang numero ni Tazanna at tinawagan ito, “Malinaw na nagriring, babe, sagutin mo ang tawag.”
Sa totoo lang ay hawak ni Tazanna ang kanyang telepono. Nang maisip niya kung gaano kabalisa si Alexander ngayon, napagdesisyonan niyang wag sagutin ang tawag.
Pagkalabas niya ng kwarto ni Michelle ay naghanap siya ng tahimik na lugar para magtago habang hinihintay ang taong inutusan ni Drake upang sunduin siya. Pero hindi niya akalaing si Drake mismo ang susundo sa kanya.
"Wife get in."
Lahat ng pagkabalisa sa kanyang puso ay nawala pagkatapos marinig ang boses nito. Patuloy na tumutunog ang kanyang telepono pero itinapon niya ito sa likod ng kotse ng asawa.
“You’re not picking up?” tanong ng asawa.
“Alam mona ang sagot.” Ngumisi siya. Ang kanyang pakay ay upang hanapin siya ni Alexander ng magdamag at maranasan nito kung papano ang magdusa.
Tumigil sa pagsasalita si Drake at itinuon ang kanyang tingin sa harap niya. Samantala, nakapukos ang paningin ni Tazanna sa itim na nunal sa may tenga ng asawa. Ito ay parang ipinanganak ito na may isang hikaw, na nagbibigay dito ng isang bahagyang masama at mapanganib na aura.
"The way you're looking at me...are you inviting me to kiss you? hug you? or..." Tanong ng kanyang asawa.
Pinigilan niya ang kabahan. Hiniwakan niya ang braso ni Drake habang iniiwasan niya titig nito. “Bago tayo umuwi sa bago nating bahay, pwede mo ba akong samahan saglit?”
"After we go, can we finish off what we didn't finish last night? huh?" Tanong nito.
Hindi niya maitago ang kanyang nerbiyos dahil alam niya sa kanyang sarili na maaaring hindi na siya makaipon pa ng lakas ng loob kagaya ng nagdaang gabi. Hindi naman siya pinilit ng asawa. Hindi rin ito nagpatuloy na magsalita. Hinayaan lamang siya nitong hawakan ang kanyang mga braso habang pinakawalan ang isang ngiti.
Kagaya ng kanyang hiling ay hindi sila dumiretso sa kanilang bahay. Sa halip ay nagpunta sila sa isang sikat na cherry blossom forest. Dito sila madalas pumupunta ni Alexander para sa kanilang mga date. Kaya lang, ngayong araw na ito, ay aalisin na niya ito ng tuluyan sa kanyang puso. Kaya sa huli ay sinagot niya ang tawag nito, “Nasa may cherry blossom forest ako, kung saan tayo nagkikita para sa mga date natin. Kung gusto mo pa akong makita, pumunta ka dito.” Sabi niya.
“Okay. Pupunta ako diyan.” Agad na sumang-ayon si Alexander. Kahit na may relasyon sila ni Michelle, ay hindi niya kailanman gustong isuko si Tazanna. Saan pa siya makakahanap ng ibang babaeng madaling lokohin? Isa pa, sobrang matapat ito sa kanya, may magandang family background at mabuting ugali.
Ibinaba niya ang tawag at tiningnan ang asawa na nakaupo sa kanyang tapat. Sa isang matapat na boses, ay nangako siya, “Ito na ang huling beses na makikipag-usap ako sa kanya sa telepono tungkol sa personal naming nararamdaman. Simula ngayon, hinding-hindi na mangyayari pa.”
Inangat ni Drake ang kanyang kilay. Hindi siya nagsalita. Tinapik niya ang upuan sa tabi, tanda na gusto niyang umupo ang asawa sa kanyang tabi, na nagsasabing pag-aari niya ito.
Masunurin siyang umupo sa tabi nito. Pareho silang nakatingin sa baba mula sa bintana. Di nagtagal ay lumitaw ang isang pigura sa ilalim ng cherry blossom.
Dumating na si Alexander.
Dati, ilang beses siyang tumayo sa parehong lugar kung saan nakatayo si Alexander, naghihintay ng buong araw para rito. Lima sa sampung beses ay hindi siya sinisipot nito. Ngayon naisip niya, ang sinseridad na pinakita niya ito ay tinatapakan lang, kaya naman…
…being stood up, being played around with, being betrayed… gusto niyang maranasan ni Alexander lahat ng iyon.
“Will this really relieve your hatred?” Tanong ng kanyang asawa habang ang isang braso ay nasa balikat ni Tazanna habang pareho nilang tiningnan ang pigura sa baba.
“Siyempre hindi! Pero gusto kong maranasan niya ang lahat ng naranasan ko, kahit gaano kaliit o kalaki man iyon!” Pinal na pahayag niya.
Inabot ni Drake ang mahabang daliri ng asawa at hinawakan ang baba nito. Tiningnan niya ang mata nito, at nakita niya ang isang maselan na babae, gayunpaman, kapag ito ay nahaharap sa emosyonal na sakit, hinaharap niya ito ng mabuti at malinis; at tinatapos ng mabilis ang isang bagay kagaya ng sabi niya na kanyang gagawin at walang halong pagpapanggap.
"When ordering, I ordered some foie gras. The waiter said it had come directly from France, I thought it would be quite good." Pagkuway sabi nito sa kanya.
Binitiwan niya si Tazanna at naglabas ng pigil na ngiti, “How did you know I like it?”
“Hindi naman mahirap alamin ang gusto ng aking asawa.” Sinenyasan ni Tazanna ang waiter upang simulang iserve ang kanilang pagkain, “Let’s eat while we chat.”
Tiningnan ni Drake ang kanyang kulay-rosas, malalambot at maninipis na labi. May bakas ng panganib ang paningin nito, “But, I don’t want to chat, I just want to…kiss you!”
Sino ang nagsabi na siya ang lason sa entertainment industry? Malinaw na ang babaeng nasa harap niya ang nagdala ng bakas ng lason, na siyang nakakahumaling.
Sa ibaba naman ay nakatayo pa rin si Alexander sa parehong lugar. Habang nasa taas ng restaurant ay masayang kumakain ang mag-asawa. Hindi gusto ni Tazanna na pag-usapan nila ang kanyang trabaho at naiintidihan naman ni Drake ang bagay na iyon. Pagkatapos nitong tulungan siya ng dalawang beses, nakita niya kung papaano nito hinawakan ng maayos ang mga bagay-bagay. Ang babaeng ito ay siguradong hindi mahina.
Gayunpaman, kahit na hindi siya mahina, siya pa rin ang asawa ni Drake Villareal. Hangga’t asawa siya nito, sisiguraduhin niyang siya ang mambu-bully at hindi ang mabully.
Sa isang iglap ay isang oras na ang nakakalipas. Patuloy pa rin na naghihintay si Alexander sa ibaba at unti-unti ng nauubos ang kanyang pasensya. Patuloy niyang tinatawagan si Tazanna ngunit pinatay nito ang telepono. Hindi niya alam na sa mga mata ni Tazanna at ni Drake, ay para lang siyang taga-bantay na nasa ilalim ng puno.
Sa wakas, ay natapos ng dalawa ang kanilang pagkain. Sandaling tumingin si Drake sa ibaba at nagtanong, "Do you want to continue watching?"
"No, I want you to help me move houses." Sagot niya.
Tumango si Drake at maagap na binayaran ang kanilang bill. Inalalayan niya si Tazanna patungo sa side door. Hindi nagtagal ay dumating na sila sa bahay niya. Ng papasok na si Drake, ay hiniling niyang maghintay muna ito ng limang minuto sa labas. Pagkatapos ng limang minuto, pagkapasok nito ng bahay niya ay walang ng bakas ng anumang relasyon ni Tazanna at ni Alexander sa loob. Hindi niya kailangang mag-alis ng maraming bagay dahil hindi naman nanatili si Alexander ng matagal doon.
“Hubby, maghintay ka muna saglit, mag-iimpake lang ako ng ilang mga bagay.” Sabi niya rito.
Sinuri nito ang kanyang bahay. May nakita itong isang malaking larawan sa loob ng living room. Ito ay kanyang larawan kung saan tinatanggap niya ang isang tropeyo sa kanyang pagiging number one model. Kung hindi siya nagretero sa industriya, marahil ay nasa internasyonal na antas na siya.
Limang minuto pagkatapos ay lumabas siya mula sa kanyang kwarto hawak ang isang teddy bear “This is all of my possessions.”
"You don't want anything else?" Tanong nito.
“Wala na. Let’s leave the memories behind.” Umi-iling siya. Bigla siyang hinila ng kanyang asawa at hinalikan.
Noong una ay nabigla siya, ngunit hindi nagtagal ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at gumanti ng halik rito. Ng makarating ang mga kamay ng asawa sa ilalim ng kanyang palda ay saka lamang sila tumigil, "Let's leave the rest for when we get home. But for now, has my kiss made your memories better?"
Niyakap niya ang kanyang asawa. Nararamdaman niya ang mahinahon nitong maghinga. Simula ngayon, hindi niya hahayaang saktan siya ng kahit na sino. She was going to keep what belonged to her, tightly in the palm of her hands.
Habang sa ilalim ng cherry blossom tree ay naghihintay pa rin si Alexander. Ilang oras na siyang naghihintay doon. Pinlano niyang maghintay pa pero nakatanggap siya ng tawag mula kay Michelle. “Alexander nasaan ka? Nandito ako ngayon sa bahay mo. Hindi kita mahanap. Sumasakit ang aking tiyan. Alexander, bakit hindi pa rin nabubura ang mga mga larawan? Natatakot akong masira ng ganito!”
Nagising bigla si Alexander at maagap na umuwi. Pagkakita niya kay Michelle na nakatayo sa labas ng kanyang pintuan hindi niya maiwasang tumakbo papunta rito,”Hindi ko hahayaang mapahamak ka at hindi ko rin hahayaang masira ang Starglight.”
“Alexander, ikaw lang ang meron ako. Huwag mo akong iwan at ang anak natin.” Pagmamakaawa nito.
Ng gabing iyon ay pinilit niya ang kanyang staff na magrelease ng statement tungkol sa kumakalat na mga larawan na hindi lang sila ang nandoon ng panahong iyon. Na ang toto ay nawalan ng balance si Michelle dahil may injury ito at hindi sinasadya na mahulog sa bisig ni Alexander at pareho silang nahulos sa higaan.
Hindi ito katulad ng kung paano ito lumitaw sa mga larawan. Hindi sila naghahalikan sa kama.
Ang pinakamahalaga sa lahat, ay nais pa rin isakripisyo ni Alexander si Tazanna sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na may isang tao sa likod nito at sabihin na huwag magpapaloko ang publiko.