Pagkatapos mapost ang balita na ipinakalat ni Alexander ay nagbayad siya ng ilang maimpluwensyang social media accounts para tulungan silang linisin ang kanilang reputasyon. Sa loob ng tatlong araw, gumamit siya ng iba’t-ibang paraan upang linisin ang imahe at pagiging propesyonal ni Michelle. Lahat ay para upang magpatuloy na ihagis ang sisi kay Tazanna.
Ang tsismis na katulad nito ay karaniwang tumatagal lamang ng ilang araw bago mawalan ng gana ang publiko. Kapag may bagong balitang lumabas, ay mananaliti na lamang sa kanilang mga ala-ala. Hindi malayong makabalik na si Michelle sa kanyang trabaho.
Ang kanilang plano ay para tulungan si Michelle na manalo sa Top Ten Model Awards at pagkatapos ay kanilang ipapahayag na ito ay mag-aaral sa labas ng bansa. Sa panahong iyon, ay maisisilang nito ang kanilang anak.
Ang tanging dahilan ni Alexander kaya niya piniling tanggapin ang bata ay dahil si Michelle ang kanyang first love at nanatili ito sa kanyang tabi pagkatapos ng maraming taon. Bukod pa duon, ay may magandang kinabukasan ito, hindi niya pwedeng isuko ang perang pwede nitong dalhin sa kanya.
Samantala, ay may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha si Jie ng mabasa ang balita na inilabas ni Alexander. Palihim siyang pumunta sa bahay ni Tazanna at pumasok gamit ang spare key. Kaya lang ay nasorpresa siya ng hindi niya ito datnan doon.
Dahil sa pagkabahala, ay tinawagan niya si Tazanna, “Taz, bakit wala ka sa bahay mo? Nasaan ka ngayon?” Agad na tanong niya ng sumagot ito.
Nasa kalagitnaan si Tazanna ng paglalagay ng tubig sa bathtub para kay Drake ng tumawag siya. Tumawa ito ng bahagya bago sumagot. “Hindi ako nagkaroon nang pagkakataon para magsabi sayo. Jie, lumipat na ako ng bahay.”
“Saan ka lumipat? Ligtas ba riyan? Alam ba ito ni Alexander?” Sunod-sunod na tanong niya.
Lumingon si Tazanna at tiningnan ang asawa na kakapasok lang ng banyo. Ng ipapaliwanag na niya kay Jie ang nangyari ay nagsalita naman si Drake, hindi nito alam na may kausap siya sa telepono, "Stuff like this, you should have left it to the maid..."
Sa kabilang linya ay nakikinig ng mabuti si Jie. Narinig niya ang boses ng lalaki at kaagad na nagtanong sa mataas na boses, “Tazanna, sino ang kasama mo? In order to upset Alexander, have you used extreme measures? I knew it! Sino ang tutulong si isang retreated model ngayong panahon na ito? You… you’re really frustrating me. Sino ang sumusuporta sa iyo?”
“Nasaan ka? Pupuntahan kita… you don’t need to stoop so low…”
“Where are you? I want to see you right now, or else I’ll die!” Giit na pahayag niya.
Hindi alam ni Tazanna ang gagawin. Tiningnan niya ang asawa. Tinakpan niya ang mouthpiece ng telepono at tinanong ang opinyon nito, “Mukhang mali ang pagkakaintindi ng aking manager sa paglipat ko ng bahay. Kaya, kailangan ko munang umalis upang magpaliwanag sa kanya.”
“Do you trust her?” Tanong nito sa kanya. Sa totoo lang ay pinaimbestigahan na nito ang kanyang manager. She was passionate and professional – kahit na minsan ay simple-minded ito at malayo sa pagiging top manager – pero loyal ito kay Tazanna at nakapalaking tulong nito sa kanya.
“Uh huh.” Tango niya.
"Then let me immediately go pick her up." Suhestiyon ni Drake.
Pinag isipan niya ito ng mabuti. Naiintindihan niya ang gustong iparating ni Drake at may tiwala siya sa paghuhusga nito. Hindi na siya ang dating Tazanna na hahayaan ang ibang taong paglaruan siya. Kaya ay sinabihan niya si Jie na may susundo rito sa dati niyang bahay.
Bumuntong-hininga si Jie, tanda ng pagkadismaya.
Ngumiti siya at pinatay ang tawag. Ibinaba niya ang telepono at bumaling sa asawa, "I've filled the bath, are you going to bathe yourself now?"
Tinaasan siya nito ng kilay habang binubutones ang kanyang damit, sapat upang matakpan ang collarbone nito, "We have a guest, the man of the house must be present...most importantly, I want to bathe...with you."
Nagblush niya at nahihiyang tumango.
...
Labis na pagkabigo ang nararamdaman ni Jie. Para sa kanya ay hindi worth it si Tazanna na magsakripisyo ng malaki para kay Alexander. Hindi rin siya lubos na makapaniwala na kusang binigay nito ang sarili sa isang lalaki kahit na sobrang malinaw na walang true love sa entertainment industry.
Karamihan ng mga tao sa industriya ay gusto lamang ng isang gabing aliw – pagkatapos ay magpapanggap na hindi kilala ang isa’t isa sa susunod na araw. Paano siya naging hangal upang sumali sa ganoon?
Namumula sa galit si Jie habang palakad-lakad sa labas ng dating bahay ni Tazanna. Nagmumura rin ito. Di nagtagal ay dumating si Andrei at nakita siya “Kung gusto mong makita si Miss Tazanna ay sumama ka sa akin.”
Kilala ni Tazanna si Drake Villareal pero hindi niya namumukhaan si Andrei. So she wasn’t very friendly towards him. Itinaas niya ang kanyang binti at sinapa ito, “Kapag may nangyaring masama kay Tazanna, ipaparalisado ko kayong dalawa ng boss mo.” Tahasan niyang sabi.
Inayos muna ni Andrei ang kanyang hairstyle. Nahihirapan siyang mapanatili ang kanyang imahe dahil sa sakit ng kanyang mukha bunga ng biglaang sipa. “Huwag muna natin pag-usapan kung sino ang unang magpaparalisa , sumama ka muna sa akin!”
Nagbigay ng “hmmmph” si Jie, bago itinaas ang kanyang ulo at tiningnan ng masama si Andrei. Pagkuway sumakay rin siya sa kotse nito. Sa buong byahe ay sinusubukan niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang klaseng pagbabanta, kabilang na dito ang pagsabi ni family background ni Tazanna. Kulang na lang ay isang kutsilyong nakasaksak sa leeg nito. Nang sa wakas ay dumating sila sa harap ng isang estate, ay natahimik si Jie sa kanyang pagkabigla.
Hyatt Regency, this was one of the landmarks of the city.
Ang ari-ariang ito ay may 30 bahay. Ang nagmamay-ari ng bawat bahay ay mayayaman at makapangyarihan. Ang simpleng paghahanap ng impormasyon tungkol sa isang bahay sa loob ng estate ay matatameme ka sa huli.
“Hehehe… Sino ba ang iyong boss?” Pakiramdam niya ay nanghina ang kanyang mga tuhod.
“Malaman mo rin pagpasok mo sa loob,”sagot nito sa naiinis na tono. Ito rin ay madaling mainis.
Halos tumalon ang kanyang puso sa takot samantalang ang kaninag galit na nararamdaman ay unti-unti ng humuhupa. Kung sino man ang nasa loob ay siguradong hindi basta-basta pwede kalabanin. Hindi nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa isang metal na gate na nakapalibot sa isang napakagandang villa na may fountain sa harapan. Inalalayan siya ni Andrei si Jie mula sa sasakyan patungo sa Spanish palace-style living room.
Komportableng nakaupo si Tazanna sa may sofa habang nakasuot ng puting pambahay na damit. Wala siyang suot na make-up pero napakaganda pa rin niyang tingnan.
“Taz, ano ang lahat ng ito? Nakahanap ka ba ng isang matandang mayaman na mapapangasawa?” halos pabulong na tanong nito habang papalapit sa kanya. “Isinakripisyo mo ba ang iyong sarili para lang sa kapakanan ni Alexander?”
“Jie, may kailangan akong sabihin sa iyo. Pero, huwag kang madismaya.” Sabi niya habang hinihila si Jie paupo sa tabi niya.
“Magsalita ka. May bago ka bang kasintahan?” Maagap na tanong nito.
“Wala.” Umiiling-iling siya habang pinipigilang ngumit.
"That’s good…" nasisisayahang tugon nito.
"I’m married." Pahabol niya.
Jie: "…"
Pagkatapos ng ilang minuto ay parang bigla itong sumabog, “Anong sabi mo? Kasal ka na? Kanino ka ikinsasal? Bakit mo kailangan paglaruan ang iyong kasiyahan?” Malapit na itong umiyak sa kanyang harapan.
Habang tinatanong ni Jie si Tazanna ay siya namang pagkatapos na ayusin ni Drake ang kanyang mga business issues at lumabas mula sa study room sa itaas. Sa pagkabigla ni Jie ay hindi siya nakapagsalita ng maglakad si Drake papunta kay Tazanna at may ibinulong dito. Hinarap naman ni Tazanna si Drake at masunuring tumango, “I know, I won’t take longer than half an hour.”
Nasiyahan naman si Drake sa sagot ng asawa. Tiningnan niya si Jie saglit at pumanhik paitaas. Lahat ng nangyari sa loob ng ilang minuto ay sapat na upang mapatulala si Jie.
“Taz, pisilin mo nga ako. Gusto kong malaman kung nananaginip ba ako.” Sabi nito kay Tazanna.
“Bakit?” tanong niya rito.
“So, ang taong pinakasalan mo ay ang CEO ng Villareal Entertainment? Si Drake Villareal?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Uh huh." Tumango siya.
"For real?" Tanong niya ulit bilang pagkompirma.
“Hindi ka namamalikmata. It’s him, my new husband,” seryosong sagot niya.
Matapos marinig ang kanyang sagot ay nakaramdam ito ng sobrang kasiyahan. “Kaya pala yung article mo ay nasa top of search rankings pa rin at walang magawang paraan si Alexander para alisin iyon kahit na gaano karaming pera ang kanyang nilabas. Taz, this is such a great surprise!”
“Tama lang ang naging desisyon mo! Kapag nagpakasal ka, hindi doon sa basurang kagaya ni Alexander. Hindi ko lang akalain na magpapakasal ka sa CEO ng Villareal Entertainment. Ibang level ang Villareal kesa sa Starlight! So refreshing… this completely cures my hatred. Kapag nalaman ito ni Alexander, how satisfying would that be?” Pagpapatuloy nito.
“Pero wala muna akong planong ianunsyo sa publiko ang relasyon naming ni Drake,”mahinahong paliwanag niya. Naglalabas siya ng confident at nakakasilaw na aura, “Sa tulong ni Drake ay uunlad ang aking karera pero kikilalanin lang nila ako bilang asawa ni Drake at hindi isang modelo. Tatlong taon ang nakakaraan, nakaya kong maging top model ng bansa, ngayon, pagkatapos ng tatlong taon, natitiyak kong kaya ko ulit gawin yun gamit ang aking abilidad. Kukunin ko ang orihinal na dapat ay sa akin.”
“Jie, if you are still willing to help me, then we are going into this together. Pero kung ayaw mo na, hindi kita ipe-pressure. Tutulungan kitang i kansela ang iyong kontrata sa Starlight at hahanapan kita ng magandang trabaho sa mas maayos na kumpanya. " Pagkuway sabi nito sa kanyang manager
“Anong pinagsasabi mo dyan? Siyempre gusto kong manaliti sa iyong tabi. Gusto kong maging top manager ng isang intertational supermodel.” Confident na saad nito. “Pero, may plano ka pa ring manatili sa Starlight?”
“Ano sa palagay mo”” Binigyan niya ng tingin si Jie, at hinayaang sagutin nito ang sariling tanong. “Ilang beses akong ginamit ni Alexander. Kahit na anong mangyari, gusto kong pagbayaran niya lahat ng iyon.”
Matapos marinig ang sinabi ni Tazanna ay hindi nito napigilan ang kanyang tawa. Nanginginig na ang kanyang balikat sa pagtawa. “Taz, napagtanto ko na ang ilang taong kilala kita ay nauwi lang sa wala. I never knew you could be so sneaky. So ano na ang susunod nating plano? Ano ng gagawin natin? Release the video?” Tanong nito sa kanya.
“No, let’s secure a spokesperson deal. To be precise, kunin natin ang dapat ay sakin mula sa mga kamay mismo ni Michelle. Pagkatapos ay magrereklamo ang kanyang mga tagahanga. Saka natin ilabas ang video,” Sagot niya.
“Jie, kailangan mong magtrabaho ng mas matagal. Tulungan mo akong e-edit ang clips mula sa jewelry show at ipost ito online!”Pahabol niya.
“Ok no worries! Ako nang bahala!” Pagkatapos marinig ang kanyang plano ay nangningning ang mga mata nito at tumango-tango. Ang pinakamahalaga, nadiskubre niya na kakaiba si Tazanna – she used to be weak and fragile, pero sinong mag-aakala na kung may nag-trigger, ay magiging ganito ka makapangyarihan.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinakiusapan ni Tazanna si Andrei na ihatid ito sa kanyang bahay. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kanilang kwarto. Katatapos lang magbihis ni Drake ng kanyang roba at prente na itong nakaupo sa may sofa habang ine-enjoy ang isang baso ng red wine. His chin tilted up giving him a more defined jawline like a perfectly carved sculpture; making one’s heart flutter.
Kinakabahan si Tazanna pero naglakad siya patungo sa asawa at umupo sa tabi nito. Nagpatuloy lang si Drake sa pag-inom sa kanyang wine. Inabot siya nito, hinawakan ang kanyang mga balikat at inilapat ang mga labi nito sa kanyang labi. He still had the wine in his mouth as he shared the aromatic flavor with her.
Nabigla siya sa nangyari. Namula ang kanyang mukha. Mahinang napatawa si Drake pagkatapos ay ginawaran siya ng halik sa tungki ng kanyang ilong. "If you can’t drink you will be at a disadvantage when invited to events, you need to train…"
Idinikit niya ang kanyang katawan palapit sa katawan ng asawa, "In that case, President Villareal, what do you propose?’
"Drink a small glass every day, what do you say?" suhestiyon nito.
"Using the same method as just then?" initaas niya ng bahagya ang kanyang kilay.
Hindi mapigilan ni Drake ang mapatawa ng mahina tsaka tumango, “Did you like it?"
"Uh huh," tango niya.
"Let's do that then." After he spoke, Drake once again raised the glass to his lips. Using the same method, he once again leaned over, but this time….after they had finished drinking the wine, they did not separate. They continued to kiss passionately as they treated the sofa beneath them like a bed.
As Drake’s intermittent kisses slowly made its way to other parts of her body, she could feel her body shaking, she could no longer think straight. Never had she experienced such an electrifying feeling making her whole body weak like sand. In the heat of the moment, all she could see was Drake’s handsome nose bridge and his soft lips, but, she could feel his strong arms, and...
"Drake...let's go to the bed, I don't want to do it...on the sofa."
Pagkarinig sa kanyang munting pakiusap, ay biglang tumigil si Drake. Looking down at her long slender legs, so beautiful like the tail of a mermaid, he held in his desires as he wrapped her in a bathrobe. Kinarga siya nito papunta sa banyo at dahan-dahang inilagay sa bathtub.
"What is it?" Agad na tanong niya rito.
Binalot ni Drake ng tuwalya ang kanyang katawan bago lumuhod sa harap niya, "I want your heart first. When I am the only person in your heart, I will make you completely mine." Pagkatapos nitong magsalita ay tumayo ito, pero inabot niya ang tuwalya na nakatapis dito.
"I do not dislike...us...doing this. Do you still not trust me?" Mahinang sabi niya.
Malumanay nitong tinapik ang kanyang ulo habang kinakalma nito ang kanyang sarili, "I really want you...you don't know how attractive you are, but, I want all of you; body and heart...I want to wait for you to be certain."
Tumango siya habang hinawakan ang kaliwang kamay ng asawa, “"It's been a long time since someone has treated me with respect."
Naiintidihan nito ang nais niyang ipahiwatig. Kahit na gusto nitong durugin ng pinong-pino si Alexander, may tiwala ito sa kanyang aasawa. Gagamitin niya ang kanyang sariling abilidad para makuha ang kanyang ninanais.
...
Kinabukasan, ang scandal sa pagitan ng dalawang modelo ay napalitan na ng bagong headline of the day. Samantala, ang tsismis tungkol kina Alexander at Michelle ay natakpan ng PR ng Starlight. Ang ingay ng entertainment news ay mabilis na naglalaho gaya ng kung gaano ito kabilis lumitaw. Kaya lang, dahil sa responsableng ugali ni Tazanna na tumayo at inako ang lahat ng sisi ay nakakuha siya ng maraming bagong taga suporta. Ang mga tagahangang ito ay hinahanap sa social media ang kanyang mga dating larawan.
Walang nakakaalam, na sa puntong iyon, Tazanna was slowly making a comeback.
Lalo na sa nangyaring jewely show. Ang kanyang naging performance ay nalampasan ang lahat ng mga current hottest models. Pakiramdam ng kanyang mga bagong tagahanga na hindi makatarungan ang nangyari kay Tazanna. Kaya sinimulan nilang ipakalat ang kanyang mga videos sa social media habang ang iba ay nakikipag-ugnayan sa HF.
Pagkatapos makita ang video ni Tazanna ay namangha ang HF sa kanyang kagandahan. Pagkatapos makita ang kanyang maraming pictures at poses, ang designer na nagalit sa kanya noong araw ng jewelry show ay napagtanto kung gaano siya katugma sa jewelry, na parang ginawa sila para sa isa’t isa.
Nag-isip saglit ang designer ng HF. Ang kanyang dating desisyon ay naapektuhan dahil sa kasinungalingan ng Starlight pero ngayong mahinahon na siya, naisip niya na ang kagandahan at ang pagiging propersyonal nito ang mas akma sa tema ng Crown’s Star.
Dahil na rin sa pag-amin ni Tazanna sa kanyang kasalanan ay nagkaroon ng tiwala ang HF sa kanya.
Kaya naman, ang higher-ups ng HF ay mabilis na nagpulong upang talakayin ang pagpapalit ng spokesperson. Sa huli ay nagkasundo sila.
Isang tawag ang dumating opisina ng Starlight Entertainment.
"Mr Eugene, Michelle is almost recovered from her injuries. The release of your new product definitely won’t be delayed…" Sagot ni Alexander sa tumawag.
"No, I’m not calling about that. Mr de Vera, we would like to swap spokesperson. We would like to swap Michelle for Tazanna!" sabi nito habang nag-I ingles.
Pagkatapos marinig ang kanilang kahilingan ay hindi alam ni Alexander kung papaano siya tutugon, "No, Mr Eugene, I don’t think that’s right"
"We haven’t officially signed the contract yet. If you are not willing to swap for Tazanna, we’d rather cancel this collaboration and look for another company to work with." Giit ng kausap niya.
"We have other models, ones that are more famous than Michelle…." Tinangka niyang magbigay ng suhestiyon.
"We only want Tazanna." Pinal na sabi ni Mr. Eugene.
Pinal na ang desisyon ni Mr. Eugene kaya walang nagawa si Alexander kundi ang pumayag. Kaya lang, ang deal na ito ay para sana matiyak ang posisyon ni Michelle para sa Top Ten Model Awards. Sinong mag-aakala na si Tazanna ang makikinabang? Dahil sa pagbabagong ito, tiyak na magta-trantrum na naman si Michelle.
Mabilis nalaman ni Jie ang balitang tumawag ang HF sa opisina ni Alexander upang hilingin na magpalit ng spokesperson. Kaya ng makausap niya si Tazanna sa telepono, ay halata ang kanyang tuwa, “Taz, Taz, you got the deal!”
“Huwag muna tayong magpakasaya. Hindi basta-basta hahayayaan ni Michelle na mangyari ito.” She didn’t let her guard down, even though she had the situation in the palm of her hands.