Chapter 9

3575 Words
Ang balita ng pagpapalit ng spokesperson ng HF ay kumalat sa buong entertainment industry…   Narinig ni Drake ang balita habang siya ay nagpapahinga. Para sa kanya, kung nakuha ng kanyang kumpanya ang HF spokesperson deal, kahit na ang pinakamababang antas na model ay hindi ito papansinin. Ngunit, kay Tazanna, nangangahulugan ito na matagumpay siyang nabawi ang kanyang pagmamay-ari mula kay Michelle. Kaadag niyang tinawagan ang asawa, “You did well.” Agad niyang sabi pagkasagot nito ng tawag.   Tumawa ng mahina ang nasa kabilang linya at nagsalita, “To be praised by you makes me happier than anything else." Makatotohanang sabi nito.   "I will wait for you…to get back to the number one spot." Sabi niya rito.   Ang tanging sagot lamang nito ay dalawang salita” “I will!” Panahon na upang bumalik siya sa Starlight at harapin ang kasamaan ni Michelle.   Ng kumalat ang balita ay kasalukuyang natutulog si Michelle sa bahay ni Alexander. Ng nagdaang gabi ay umalis siya ng ospital ay dumiretso sa bahay ni Alexander. She used his guilt to hold on to him for the entire night – not letting him make any phone calls to Tazanna. Anumang bagay na nasa kanya na, walang iba – kahit si Tazanna na parating sumasalungat sa kanya, ang wala nang karapatang pangarapin pa.   Hindi makapaghintay ang kanyang assistant. Nagngingitngit ito sa galit habang papunta sa bahay ni Alexander. Sinabi nito ang balita kay Michelle pagkarating sa bahay nito. Hindi siya makapaniwala pagkarinig ng balita, “Nakaset na ang HF’s spokesperson, hindi na ito pwedeng mabago!”   “Michelle, totoo ito. Nakatanggap ng tawag kanina mula sa HF si President. Personal silang nagsabi na gusto nilang ipalit si Tazanna bilang spokesperson, kung hindi ay mas gugustuhin na lamang nila ang makipag-deal sa ibang kompanya.” Pagalit na itinuro ng kanyang assistant ang newspaper na nasa harap. “Ano ba talaga ang totoong ginawa ni Tazanna? Kung nais niyang makakuha ng spokesperson deal, bakit iyong sa iyo pa talaga?”   “Bumalik muna tayo sa opisina. Kailangan magpaliwanag sa akin ng personal si Alexander tungkol dito.” Alam ni Michelle na kung pag-uusapan nila ito sa telepono ay hindi siya mananalo rito. Kaya napagdesisyonan niyang bumalik sa opisina at harapin ang problema. Sa ganoong paraan ay mapipilitan itong harapin ito sa propesyonal na paraan.   Samantala, ay hindi na alam ni Alexander ang kanyang gagawin. Determinado ang HF na ipalit si Tazanna kay Michelle pero alam niyang sobrang masasaktan si Michelle dahil dito. Kaya lang, may karapatan ba siyang humindi? Sa huli, hindi siya maaring humindi sa pera.   Habang nag-iisip siya ng paraan kung papaano niya sasabihin ito kay Michelle ay siya naman pagdating nito kasama ng sariling assistant sakay ang wheelchair nito. Mas nauna itong dumating kesa kay Tazanna ng ilang metro.   “Alexander, ano ang lahat ng ito? Bakit nakuha ni Tazanna ang spokesperson deal na dapat ay para sa akin?” Diretsong tanong nito.   Sinenyahan niya ang assistant nito na lumabas muna at iwan silang dalawa. Pagkaalis ng assistant ay nilapitan niya ito ay niyakap. “Michelle, wala na akong control sa bagay na ito. Tutulungan kitang makakuha ng mas magandang deal.” Pagkonsola niya rito.   “Alam mo naman na si Mr Eugene ay kapatid ni Miss Erin na siyang isa sa mga judges ng Top Ten Model Awards. Napaka importante ng deal na ito para sa akin, higit sa lahat, bakit mo nagawa itong ipasa kay Tazanna?” Pagalit na itinulak siya nito, nanginginig ang boses nito habang nagsasalita. “Inagaw ka na niya sakin, hindi pa ba iyon sapat? Anong karapatan niyang agawin ang lahat sa akin? Wala akong pakialam… kapag hindi ko nakuha ang deal na ito, hindi ko na rin gustong buhayin itong bata. Hindi na rin ako mananatili sa Starlight!” Banta nito sa kanya.   “Wag ka munang magsalita habang galit ka.” Pinilit niyang kontrolin ang kanyang galit. “Bakit ganoon kadali sayo ang bitawan ang anak natin? Alam mo namang parati akong kakampi sa iyo, kaya lang sa pagkakataong ito, determinado na ang HF…” paliwanag niya rito.   “Ilang beses na siyang sumuko dati, ano pa ang isang beses? Magpapakasal na kayo, bakit niya pa kailangan kunin ang deal?” Tanong nito.   Matapos marinig ang papangatwiran ni Michelle ay pakiramdam ni Alexander ay naliwanagan siya. Ayon sa personalidad ni Tazanna, maraming beses na siyang sumuko dati, ang isang beses pa ay hindi na niya iisipin pa. Sigurado siyang papayag ito. “Kakausapin ko siya. Huwag ka ng magalit ok?” Sabi niya rito.   Sa oras na iyon ay may katok mula sa pintuan, bumalik na sa opisina si Tazanna at ang manager nito na si Jie.   Agad na pinigilan ni Michelle ang kanyang luha at dumistansya kay Alexander habang tinitingnan ito na parang tinatrato ng hindi mabuti.   Sa kabilang banda naman ay binuksan ni Tazanna ang pintuan at pumasok sa loob.   “Babe, saan ka nagpunta kagabi? Hindi mo ba alam na buong gabi kitang hinanap?” sunod-sunod na tanong ni Alexander kay Tazanna.   Sinulyapan niya ito at pagkatapos ay si Michelle.   “Misunderstanding lang ang lahat ng sa amin ni Michelle. Naglabas na ako ng pahayag upang linawin lahat ng iyon. Huwag ka ng mag-alala tungkol doon ha?” Pahabol nito.   Walang salita siyang tumingin sa malayo. Sobrang alam niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Alexander na “buong gabing hinanap”. Malinaw na naghanap siya kaya ay napadpad siya sa kama ni Michelle. Kung hindi ay alam na nito na hindi na siya nakatira sa kanyang bahay.   “Kaya lang ang issue naming ni Michele ay hindi iyang misunderstanding…” kalmado niyang sabi. “Maraming beses ko siyang tinulungan dati, ngunit tinalikuran niya ako at kinagat patalikod. Sa tingin niyo ba ganoon ako kadaling apihin?”   “Tazanna, nag-aalala lang sa iyo si Michelle dahil sa mga nakapalibot na mga reporters. Kaya iyon lang ang kanyang magagawa!” Depensa ni Alexander.   “Talaga” Tanong niya ngunit may bahid ng paghihinala.   “Anuman ang nangyari, ang insidenteng ito ay tapos na, kaya huwag na natin iyong isipin. Tungkol sa HF spokesperspon deal, bakit hindi mo nalang ibalik kay Michelle? Napakaimportante nito para sa kanya. Nagretiro ka na at hindi ka na gagawa ng mga pagtatanggal, kaya hindi mo na kailangang maging spokesperson,” diretsong pahayag nito na may tono ng isang superior, upang pilitin siyang ibalik kay Michelle ang deal.   “Tama! Tazanna, hindi ka na dumadalo ng mga shows nitong nakaraang taon, hindi ka na nga pamilya sa entablado.” Dagdag ni Michelle. “Higit sa lahat, ang deal ay sa sakin naman talaga. Baka akala lang ng HF na dahil may injury ako ay hindi ako makaka recover sa tamang panahon, kaya nga ay pinili kita. Hindi mo naman gustong maging substitute diba?”   “These words coming from you Michelle, sound a bit ironic,” malamig na tugon niya.   “Tazanna, hindi ka naman ganito dati! Kung mahal mo pa rin ito ay hindi mo kukunin ang deal. Para sa kapakanan ng kompanya, kailangan manalo ni Michelle sa Top Ten Model Award para umangat ang kinatatayuan natin sa industriya!” Sabi nito sa kanya na may halong pagbabanta. Sumusobra na siya. Ginamit pa nito ang pag-ibig bilang rason.   Natatawa si Michelle na nakikinig sa kanila. Alam niyang gagawin ni Tazanna ang lahat para lamang kay Alexander, pati na rin ang pagsuko sa deal na ito.   “Tawagan mo kaagad ang HR Alexander. Sabihin mo na sobrang abala Tazanna sa paghahanda ng inyong kasal kaya wala itong panahon para sa bagong trabaho…” Sabi kaagad nito.   Tumango si Alexander at kinuha ang kanyang telepono. Ngunit bago pa man nito maabot ang telepono ay nagsalita si Tazanna,”Tungkol sa deal… Tinanggap ko na ito.” Kalmadong sabi niya.   “Tazanna!” Walang ibang masabi si Alexander dahil sa kanyang pagkagulat. Hindi kailanman siya sumalungat sa desisyon nito, ngayon lang.   “Huwag mong kakalimutan na isa pa rin akong model ng Starlight Entertainment. Sa totoo lang ay nagkausap na kami ni Mr Eugene and he is looking forward to working together.” Pagpapatuloy niya.   “Tazanna, ako ang president ng Starlight Entertainment! Nasa aking ang kapangyarihan upan magdesisyon ukol sa bagay na ito!” Pilit nitong pinipigilan ang galit habang nakatingin sa kanya. “Bakit mo kailangang kunin ang deal ni Michelle?”   “Akala mo ba ay kinuha ko ang deal dahil lang sa ginusto ko? Nagrequest ng swap ang HF. Nag-aalala lang ako na baka sa huli ay walang maiwan sa atin, kaya sinubukan kong kapitan ang ang kontrata para sa iyo. Sa simula ay hindi ako naniniwala sa mga tsismis tungkol sa inyo ni Michelle, pero ang katotohanang mas gugustuhin mo pang malugi kesa sa mawala kay Michelle ang spokesperson deal, makes me wonder it the two of you…” Walang tigil na kanyang sabi rito.   “Of course not! Ano bang iniisip mo?” Agad na tinanggi nito ang kanilang relasyon. “Nararamdaman ko lang na, dahil malapit na tayong ikasal, bakit hindi ka na lang manatili sa bahay at alagaan an gating pamilya?”   “Then, will you do explain to Mr Eugene?” Lumuwag ang hawak niya sa kanyang telepono. May bakas ng pagkabigo ang kanyang mukha. “At ano ang ibig mong sabihin na kinuha ko ang deal mula kay Michelle? Hindi ba’t hinayaan ko siyang kunin ang lahat mula sa akin? Para lang matulungan ko siya, ay naka offend ako ng maraming tao.. Sinong mag-aakala na sa huli ay hili niya man lang papasalamatan ang kabutihan ko…”   “Tazanna, noong mga panahon na iyon ay ikaw mismo ang nag anunsiyo na magreretiro ka na, kaya naman lahat ng trabaho mo ay ibinigay sa akin. Anong ibig mong sabihin na pinayagan mo?” Hindi magpapatalo si Michelle dahil siya ang nagsimula ng argumento nila ni Tazanna. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang mga taong nagsasabi na she cleaned up after Tazanna. “At isa pa, sa abilidad at popularidad mo ngayon, kung sasabihin mong hinayaan mong kunin ko ang lahat mula sa iyo, ay walang maniniwala sa iyo.”   “Fine. Kapag nakumbinsi mo si Mr Eugene na baguhin ang kanyang isip, then I step down. No comments.” Kalmadong sagot niya.   Nahaharap si Alexander sa isang mahirap na sitwasyon sa pagitan ng dalawang babae. Ang pinakamahalaga ay galit pa rin si Tazanna, dahil kung hindi ay hindi ito susuway sa kanyang mg autos – bagay na hindi nito ginagawa dati.   Totoo naman na nakiusap ang HF sa kanila na ipalit si Tazanna bilang spokesperson, kaya sa huli, ay napilitang pumagitna si Alexander at pinaghiwalay ang dalawa. “Tumigil na kayo. Dahil ito ang kahilingan ng HF, ay doon tayo sa napagdesisyunan. Ang spokesperson ay Tazanna.” Pinal na pahayag nito   “President!” sigaw ni Michelle sa pagkabigla.   “It’s decided. Lumabas muna kayong dalawa. Tazanna, papasukin mo si Jie dito.” Malamig na utos nito. Halata na bagaman ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang ipalit si Tazanna, ay hindi niya gusto ang pakiramdam na malamangan siya nito.   Matalino si Tazanna ay alam na alam niya ang iniisip ni Tazanna. Ngunit, kung iniisip nito na isa-alang alang niya ang nararamdaman nito…   …nananaginip siya!   Sinundan ni Michelle si Tazanna palabas. Kumukulo ang kanyang dugo at halata ito sa kanyang mukha. Sa kabutihang-palad ay kahit na lumilitaw na gumagawa ng comeback si Tazanna ay hindi na ito ganoon ka popular. Kung gusto niyang sirain ang outdated model na ito, kaya niya itong sirain ng napakadali.   Lumingon siya sa kanyang assistant at sinabing, “Sa ilang sandal, kunan mo ako ng ilang larawan habang nagusumikap na maka recover at ipost ito sa social media. Lumikha tayo ng ingay sa aking mga tagahanga para magreklamo sila na ninakaw ni Tazanna mula sa akin ang deal. Kung hindi ko ito makukuha, hindi ko rin hahayaan na makuha niya ito.”   “Huwag kang mag-alala. Alam ko ang dapat na gagawin.” Tumango ang assistant nito.   ...   Pagkatapos bumalik sa kanyang opisina sa Starlight, hinanap ni Tazanna si Jie at kinindatan, “Huwag kang kakabahan.”   “Kabahan? Nagpapatawa ka ba? Who do you think I am?” Pinaikot nito ang mga mata. “Hindi ito ang unang araw ko sa trabaho. Kung gusto akong sirain ni Alexander, hindi siya magiging madali. Let’s wait and see…” Pagkatapos nitong sabihin iyon ay lumabas ito ng kanyang opisina. Dati ay hindi gusto ni Tazanna ginustong umangat, pero nag iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na magpapapigil pa si Jie.   Makalipas ng ilang minute ay nakarating si Jie sa opisina ni Alexander. Agad nitong itinapon ang kanyang kontrata sa kanyang harapan. “Maghanda kang bayaran kami dahil sa paglabag mo sa kontrata at umalis ka na.” Bungad nito.   “Umalis?” Tumawa siya. “President de Vera, mukhang nagiging makakalimutin ka na. Noong pumirma ako ng kontrata sa Starlight ay malinaw na nakasaad ang aking suweldo at ang appearance fee ni Tazanna. Kaya lang, nitong mga nakaraang taon, lahat ng mga shows ni Tazanna ay kinuha ni Michelle at ang aking suweldo ay hindi umabot sa napagkasunduan. So sino ngayon ang unang lumabad sa kontrata? Isa pa, ang article na aking inilabas ay para sa kapakanan ni Tazanna, so saang parte ng kontrata ang aking nilabag?” Matapang na pahayag niya.   “You…” Hindi makapaniwala si Alexander sa kanyang narinig. Nasaktan ang kanyang pride.   “Kung hindi ka takot na lumala ang sitwasyon, pwede natin ito paabutin sa korte, it doesn’t matter to me. Pero ilang tao sa industriya ang mawawalan ng tiwala sa Starlight?” Nang-iinis na tanong niya.   “Kung ganun ay ano ang gusto mong gawin?” Pagkuway tanong nito.   “Nais kong magtapos tayo ng maganda. Pipirmahan ko ang mga papeles at aalis. Habang ikaw naman ay hindi na hihingi ng kabayaran. Simula sa puntong ito, ay wala na tayong utang sa isa’t-isa.   Tiningnan ng masama ni Alexander si Jie kaya lang , dahil sa sangkot si Michelle ay hindi siya nakipagtalo pa. Kaya sa huli ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pumirma, “Leave, I don’t want to see you again!”   Kanina, ng magkita sila Jie at Tangning ay nahulaan na nila na ganito ang mangyayari.   “Alexander, hayaan mong bigyan kita ng babala. Walang mabitay na pader upang harangin ang lahat. Kung papaano mo tintrato si Tazanna, ay siya ding pagbabayaran mo ng ilang libong beses.” Pagkatapos magsalita ay lumabas na si Jie sa opisina nito dala ang kanseladong kontrata.   Habang si Alexander naman na naiwan sa kanyang opisina ay inisip ang kanyang mga sinabi. Sa kanyang galit ay binaliktad niya ang lamesa sa kanyang harapan.   Hindi nag-aalala ng kunti si Tazanna kay Jie. Dahil alam niyang madali lang hanapan ng butas ang kontrata.   Pagkatapos kanselahin ang kontrata ay hindi umalis ng gusali si Jie. Bagkus ay nanatili ito sa tabi ni Tazanna. Nang lumabas si Alexander sa kanyang opisina ay nagtagpo sila, “Bakit ka pa nandito?”   Nabigla sandal si Tazanna bago sumagot, “I’ve just hired her!”   “Tazanna, ang iyong manager contract ay pinamamahalaan ng kompanya, how could you hire a new manager?” Halos mabaliw na si Alexander dahil sa kanya.   “Hindi naman ako naghire ng manager. Kinuha ko siya bilang aking assistant. Karapatan kong kumuha ng sarili kong assistant hindi ba?” Mahinahon siyang ngumiti. “Isa pa, si Long Jie ang nag-alaga sa akin sa loob ng maraming taon, nasanay na ako."   “Tazanna, anong problema mo? Bakit ba parati mo akong kinokontra?” Galit na tanong nito sa kanya.   “Dahil mas maalalahanin at maasikaso siya kesa sayo. Lahat ng kanyang ginawa ay para sa akin. Hindi dahil kinuha ko ang isang deal, ay aakusahan na niya akong ninakaw ko iyon mula sa iba…” Seryosong sabi niya.   Natahimik si Alexander pagkarinig ng kanyang sagot. Malamig siya nitong tiningnan, “Tazanna, napaka suportado mo ang aking karera, bakit ka nagkakaganito?”   “Sinabi ko na ito dati pa. Ang insidenteng nangyari sa Crown’s Star ang magiging huling beses akong aako ng mga pagkakamali ninyo.” Nanatili siyang kalmado. Sobrang kalmadao na wala kang makikitang anuman emosyon dito.   “Kung gusto mo talagang maging isip bata, I think, our wedding… shoule be called off.” Ginamit ni Alexander ang kanilang kasal upang takutin siya. Dahil pagkatapos ng lahat, nitong mga nakaraang taon, ay nanaliti siya sa tabi nito at handing gawin ang lahat.   Ilang minuto ang lumipas… Nanatiling siyang tahimik na parang nag-iisip…   Akala nito ay susuko na siya at magsisisi sa pagsasalungat niya.   Pero sinong mag-aakala na ang kanyang magiging sagot ay …   “Oh? Ayaw mo ng magpakasal? Sige, hindi na natin gagawin.” Ngumiti siya dito “Hintayin muna natin na hindi ka na abala, saka natin ito pag-usapan.”   Dahil dito ay nagalit si Alexander. Inabot niya si Tazanna at dominanteng hinawakan ang balikat nito. Sa galit na tingin ay tinanong niya ito “Hindi mo na ako mahal?”   “Bakit ikaw? Mahal mo ba ako?” Maingat na umalis si Tazanna mula sa pagkakahawak nito. Nangako siya kay Drake na hindi na siya magkakaroon ng pisikal na ugnayan sa ibang lalaki.   Natigilan si Alexander. Binuksan niya ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas. Dahil, wala siyang anumang nararamdaman para dito. Ginagamit lamang niya ito.   Unti-unti niyang nire-relax and kanyang mga kamay. “Malapit na tayong ikasal, bakit mo pa tatanungin ang pag-ibig ko sa iyo? Magiging asawa na kita, hindi ba pwedeng isipin mo rin ako? Hindi madali para kay Michelle na maging nominado para sa Top Ten Model Awards, naiinis lang ako dahil hindi mo iyon maunawaan.”   Unti-unting dumidistanya si Tazanna kay Alexander. Nanatili siyang mahinahon, “Kung ganoon ay masanay ka na sa kung ano ako ngayon.” Pagkatapos nilang mag-usap ay iniwan niyang itong nakatayo doon.   Naguguluhan si Alexander. Hindi niya maintidihan kung bakit sobrang nagbago ang ugali ni Tazanna. Inisip na lamang niya na nagseselos pa rin ito sa kanila ni Michelle. Kaya lang, wala siyang panahon upang suyuin ito. Kailangan pa niyang suyuin si Michelle at alam niyang hindi ugali ni Tazanna ang gawing mag-alala ang ibang tao sa kanya. Alam niyang, kapag hindi na galit si Tazanna ay babalik din ang lahat sa normal.   Iniisip niyang parati itong walang silbi, walang kakayahang manindigan para sa sarili.   Alam ni Tazanna na hindi siya hahablin ni Alexander – ang kanyang puso ay sumuko na dito. Sa halip, ay nagmamadali siyang umuwi upang makita si Drake. Iniisip pa lamang niya ang kanyang asawa ay pakiramdam niya ang kanyang puso ay biglang sinindihan ng isang maliwanag na ilaw.   “Taz, ihahatid muna kita sa inyo para makapa recharge ka ng mga batteries mo. Bukas ay pipirma tayo ng kontrata para mapag shoot na tayo sa lokasyon,” masayang pahayag ni Jie.   “Jie, ikansela mo na ang upa sa iyong bahay at doon ka na tumira sa dati kong bahay. Bigyan mo ng kaunting buhay ang aking bahay. Pwede mo rin baguhin ang kandado. Kapag nagtanong si Alexander ay sabihin mong lumipat ka upang alagaan ako. At mas mabuting wala na siyang susi doon.” Suhestiyon ni Tazanna. “Bukas ay pipirma ako ng bagong kontrata para sa iyo.”   “Okay sa akin. Sa pamamagitan nito, makakatipid ako ng pera.” Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay binigyan siya nito ng makahulugang tingin, “The mighty president of Villareal Entertainment, paano naman siya sa aspeto na iyon?”   "Don't be so nosy, ok?" Sagot niya habang nakatingin sa mga mata nito.   Pagkauwi niya ng bahay ay marami pa siyang libreng oras dahil wala ang kanyang asawa buong araw. Dumiretso siya sa kusina at nadatnan ang mga katulong na nagluluto. Itinaas niya ang manggas ng kanyang damit at nag-alok ng tulong, “Let mehelp!”   “Madam, hindi ka naming gustong abalahin.” Ang chef na namamahala sa kanilang pagkain ay isang ginang na may edad na higit 40. Gustong-gusto nito si Tazanna dahil naglalabas ito ng peaceful vibe.   “Ganito na lang. Magpahinga nalang muna kayo sa natitirang bahagi ng araw at hayaan niyo akong ipagluto si Drake ngayong gabi.”Iginiya niya ang mga ito papalabas ng kusina.   Pagkauwi ni Drake galing opisina ay gabi na. Kaya lang, pagkapasok niya ng bahay, ang kanyang unang hinanap ay si Tazanna. Natagpuan niya ito sa kusina na sobrang tutok sa niluluto. Nakasuot ito ng apron at walang sapin sa paa. Nasorpresa siya habang tahimik na pinagmamasdan ang asawa. Agad siyang naakit sa mahahaba at payat nitong mga binti. Naglakad siya palapit dito at niyakap ito mula sa likuran habang hinakaliakn ang tenga nito.   “President Villareal, huwag malikot, nagluluto ako ng isda…”   Inabot ni Drake ang kalan at pinatay ito. Inangat niya ang labi ni Tazanna at hinalikan ito, "But, right now, I just want to eat you up..."   Ibinaba ni Tazanna ang mga gamit sa kusina na nasa kanyang kamay. Pagkatapos ay hinarap nito ang asawa, niayakap at hinalikan pabalik.  His soft touch captivated her and as she noticed the charming mole on his ear she became completely infatuated.   Drake's kisses were intermittent but gentle, inching slowly down her body, eventually returning to her collarbone where he stopped, "Any lower...and I won't be able to control myself."   "Fish...I need to finish cooking the fish." Lumayo siya mula sa mga halik ni Drake. Pagkatapos ay sinindihan muli ang kalan at tinapos ang kanyang sinimulan. Napatawa ng mahina si Drake at tinapik ang kanyang ulo, habang hinangaan ang kanyang gawa.   "Let me help you."   "President Mo can cook?" Tinaasan niya ito ng kilay .   "Today, I'll allow this. But, from now on, no more entering the kitchen. I don't want you to get hurt." Nakapa overprotective si Drake sa kanyang asawa, lalong-lalo na sa mga binti nito. Sa kaloob-looban ay iniisip na nito ang pagbili ng insurance para dito.   "So controlling..." komento niya ngunit naiintidihan niya dahil nag-aalala lamang ito.   Tahimik na naghanda ang mag-asawa ng hapunan – it turned out, they were both great chefs. Nagluto si Tazanna ng paborito ni Drake na isda, at si Drake naman ay nagluto ng paborito niyang putahi. Nang walang kahirap-hirap ay napuno ng masasarap na pagkain ang mesa.   In perfect sync, the couple looked at the dining table amazed. After all, enjoying life like this couldn't be done by just anyone.   “Bukas ay pupunta ako ng Liusen para sa isang photo shoot. Mukhang hindi ako makakauwi,” Matapat na ulat niya sa kanyang asawa.   "Aren't you signing the contract tomorrow? Will you be leaving straight away in the afternoon?" Tanong nito.   “Yep, madalian ang new product launch ng HF.” Tango niya. “Drake, bigyan mo pa ako ng kaunting panahon. I will definitely rise to a position you are proud of.”   "I've never doubted you." Sabi nito habang nilalagyan ng pagkain ang kanyang plato. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, parehonh humahanga sa isa’t isa.   Of course, Drake was most looking forward to seeing his wide slowly advance and how miserable Alexander and Michelle would be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD