Chapter 10

2849 Words
Pagkatapos ng mahangin na gabi ay nagsimula namang pumatak ang ulan.   Pagkauwi ni Alexander ay siya namang pagwawala ni Michelle. Lahat ng kanyang mahawakan ay kanyang itinatapon. Lalong-lalo na kapag naiisip niya ang pagpirma ni Tazanna ng kontrata kinabukasan, nagngingitngit ang kanyang puso dahil hindi niya ito matanggap. Ang pinakamasakit sa lahat ay tinulungan ni Alexander si Tazanna – ito ang hinding-hindi niya nakaya.   Pagkabukas ni Alexander sa pintuan ng kanyang bahay ay nagitla siya sa kanyang nadatnan. Nakita niya si Michelle na nakatayo at may hawak na vase sa mga kamay. Agad siyang tumakbo ang niyakap ito, “Huwag ka ng magalit. Makakasama iyan sa baby natin.”   “Alam mo pala na makakasama ito sa baby natin? Kahit na hinayaan mo lang si Tazanna na nakawin ang deal?” tanong nito.   “Marami pa naman tayong pagkakataon. I'm already working on securing an even bigger collaboration. Huwag mo nalang isipin si Tazanna. Kahit na maging spokesperson siya, ano namang mapapala niya doon?” Patuloy niyang mahinang tinatapik ang likuran ni Michelle. “Babe, making ka sa akin. Huwag mong sasaktan ang iyong sarili.”   “Kahit na gawin mo ito, ay hindi pa rin ako naniniwala.” Iningat nito ang kanyang ulo habang umiiyak. “Sa kanya ka sa loob ng ilang taon, titiyakin kong hindi niya makukuha lahat ng kanyang gugustuhin."   Sa tototo lang ay inutusan niya ang kanyang assistant na lumikha ng g**o sa kanyang mga taga hanga at nakikita na niya ang resulta. Nagsimula nang talakayin ng kanyang mga fan kung papaano niya ipapahiya si Tazanna at paaano ito iinsultuhin.   Kung matatalo man siya, ay hindi niya hahayaang manalo si Tazanna.   Pinakamahalaga ay inutusan rin niya ang kanyang assistant na ipost ang schedule ni Tazanna. Upang bigyan ng pagkakataon ang mga anti-fans na gumawa ng g**o para rito.   Akala ba talga ni Tazanna na madali lang maging spokesperson? Tomorrow, she will become the airport's number one shameful and stupid model, sa isip niya.   ---- Ang opisyal na pagpirma ng kontrata kasama ng HF gagawin sa alas nuwebe ng umaga at ibo-broadcast ng live kasabay ng pag-anunsyo sa publiko. Mukhang sa away nina Tazanna at Michelle, ay kay Tazanna kumampi ang HF.   Tatlong na mula ng huli siyang dumalo sa ganitong kaganapan. Halos makalimutan na niya kung ano ang pakiramdaman ng ganito. Ngunit nang isuot na niya ang kanyang creamy white na low-back na damit at ang alahas na sponsor ng HF, ay muling kuminang ang kumpiyansa nito sa sarili.   Samantala, maagang umalis ng bahay si Jie at nagmaneho patungo sa Hyatt Regency. Bilang assistant ni Tazanna ay binigyan siya ni Drake ng espesyal na permiso upang maglabas-masok sa villa. May inihanda siyang damit para kay Tazanna ngunit ng pumasok siya sa malaking walk-in wardrobe na ibinigay ni Drake ay Tazanna ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.   “Siya nga talaga ang president ng Villareal Entertainment, generous with good taste!” Pagpupuri niya.   Sa parehong pagkakataon ay siya namang paglabas ni Drake mula sa sarili nitong walk-in wardrobe. Pagkakita sa asawa ay lumingon siya kay Jie, “I have something I need to say to Tazanna.”   “Ok. Lalabas muna ako.” Lumabas si Jie at isinirado ang pinto pagkalabas niya.   Nakatayo si Tazanna sa harap ng salamin habang matamis na nakangiti kay Drake; fresh and elegant like a blooming lily. Mahirap para sa iba ang hindi ibaling ang kanilang paningin sa kanya.   “Anong gusto mong sabihin sa akin.” Tanong niya sa asawa.   Hindi nagsalita si Drake. Gumawa ito ng malalaking hakbang patungo kay Tazanna at niyakap ito mula sa likuran. Pagkatapos ay iniharap niya ito sa kanya upang halian, “I want to kiss you and evern more… I want to adore you.”   “Male-late na ako.” Ayaw rin ni Tazanna na lumayo sa mga labi ng asawa.   "I will watch the live broadcast..." sagot nito.   Masayang tumango si Tazanna. Ikinawit niya ang kanyang braso sa braso nito at sabay na naglakad palabas ng villa. Sa totoo lang, sinuman ang tumingin sa mag-asawa ay maniniwala na sila ay perfect match. Si Tazanna ay parang isang snow white na naglalabas ng kadalisayan, samantalang si Drake naman ay nakakakit tulad ng isang mapanganib at madilim na gabi.   Nabighani si Jie habang nakatingin sa mag-asawa. This is how a married couple should look like. Hindi kagaya ni Alexander the jerk na hindi kaaya-aya sa mata.   Maya-maya ay sumakay na si Tazanna sa kotse sa tulong ni Jie. Habang nasa daan ay nagsalita si Jie habang nagmamaneho, “Ang pagpirma ng kontrata ay gaganapin sa alas nuwebe ng umaga. Darating tayo doon ng sampung minute bago mag alas nuwebe – tamang-tama lang!”   “Ang iyong pag-aayos ay palaging nasa punto.”Tumingin si Tazanna sa kanyang telepono.   “Darating ang eroplano ng alas tres ng hapon. May mga inihanda si Michelle na mga anti-fans na haharang sa iyo sa airport. Ang kanyang mga tagahanga naman ay pinag-usapan kung papaano ka magmumukhang masama. Isa sa kanila ay maghahanap ng pagkakataon na ipahiya ka. Ang iba naman ay magpapanggap na mga dumaraan na naglalayong ibaluktot ang panghuhusga ng mga manonood.” Hindi maiwasang umismid ni Jie. Ang mga ganitong bagay ay gawain ng mga primary school kids at sa kasamaang palad ay ang mga childish acts na ito ay parating nakakasakit ng iba.   “Lahat ng impormasyon na ito, papaano mo nalaman?” Suprisang tanong ni Tazanna.   “Dahil ginamit ko si Hansel na mag espiya sa kania.” Pagmamalaki niyang sabi. “Hahayaan muna nating maging msaya ang mga batang ito saglit… pagkatapos nating ilabas ang video, tingnan natin kung sinong mga mukha ang masasampal…”   Tumawa si Tazanna habang umiiling-iling. May kakayahan talaga na kumalap ni Michelle ng mga anti-fans. Kung ihahambing ay magmumukhang kawawa ang kanyang mga aktibong tagahanga. Kaya lang, ay mayroon pa ring inaasahan na makita siya sa airport.   8:50 am, tama lang ang kanilang pagdating. Dumating si Tazanna sa hotel kung saan gaganapin ang pagpipirma ng kontrata. Naglakad siya sa red carpet sa harap ng mga reporters.   Jie had selected to arrive at 8:50am because any earlier, Tazanna would have devalued herself. At the same time, she had to make sure they wouldn't be late, so Jie timed everything perfectly.   “Tazanna, pagkatapos ng iyong public apology, ay naglaho ka ng parang bula. Nang lumitaw ka ikaw ay inagaw mo ang kontrata ni Michelle. Parte ba ito ng iyong plano?”   “Kaninang umaga ay inilabas ni Michelle ang mga larawan ng kanyang nagsusumikap upang makatayo muli, inaakusahan ka ba niya ng pagnanakaw ng kanyang deal?”   “Tazanna, may plano ka bang gumawa ng comeback?”   Ngumit lang si Tazanna sa buong panahon ng pagtatanong ng mga reporter ngunit wala siyang sinagot ni isa. Pagkapasok ng hotel ay pinakinggan niya ng mabuti ang arrangements ng HF at nakipagtulungan ng maayos dito.   Samantala, si Alexander naman, na orihinal dadalo sana sa pagpirma ng kontratat ay hindi nakadalo dahil sa abala ito, kaya si Tazanna ay sinamahan ng kanyang assistant. Nagbigay ito ng impresyon sa publiko na si Tazanna at ang Starlgiht Entertainment at may hindi pagkakaunawaan. Kaya lang, ay totoong abala si Alexander. Abalang pinipigilan ni Michelle. Hindi niya hahayaan na pumunta si Alexander sa pirmahan at suportahan si Tazanna.   Villareal Entertainment. Nakaupo si Drake sa kanyang opisina habang pinapanood ang live broadcast. Sa screen, ay hindi lumalabas na demanding si Tazanna, tahimik ito at maganda ngunit mahirap balewalain. Ng patapos na ang contract signing ay tinawagan niya ang kanyang assistant gamit ang intercom, “This afternoon, send 4 bodyguards to protect Tazanna all the way until she boards the plane.”   "Yes, president..." Tanging sagot nito.   He knew, regarding this spokesperson deal, on the surface everything seemed to be smooth sailing, but in actual fact, there were rough seas ahead.     Pagkatapos ng contract signing ay magkasamang kumain ng pananghalian si Tazanna at ang Founder ng HF. 1 pm. Umalis si Tazanna papuntang airport. Habang papalapit sila sa kanilang destinasyon ay mas lalong kinakabahan si Jie. “Taz, gagawin ko ang lahat upang protektahan ka, kailangan mo ring protektahan ang iyong sarili.”   “Jie, akala mo ba ay hindi ko ito pinaghandaan?” Ngumiti si Tazanna. Sa ngayon ay kontrolado niya ang lahat, anong kailangan niyang katakutan? Naranasan na niya ang lahat tatlong taon na ang nakakaraan.   Di nagtagal, ay lumabas si Jie ng sasakyan. Pagkatapos kunin ang kanilang mga bagahe ay inalalayan niya si Tazanna palabas ng sasakyan. Noong una ay walang nakapansin sa kanila. Kaya lang ng pumasok na sila sa loob ng airport, isang grupo ng mga tagahanga ang ay tumakbo aptungo sa kanila. May bitbit pa itong mga bulaklak. Itinulak nila ang mga bulaklak sa kamay ni Tazanna, ngunit bago pa man niya ito mahawakan ay nahulog ang mga bulakalak at mga regalo sa sahig.   Sa isang iglap ay natigilan ang lahat. Suot ang sunglasses at face masks, ay nadismaya ang mga fans pagkakita sa kanilang mga regalo sa sahig. “Tazanna, anong ibig sabihin nito? Binigyan ka namin ng bulaklak dahil gusto ka naming, bakit mo iyon itinapon sa sahig? Kahit ang mga famous celebrities ay hindi maglalakas-loob na tratuhin ang mga fans na kagaya ng ganito. Ano pa ang isang hindi pa sikat na kagaya mo?”   Alam ni Tazanna na ang mga taong ito ay nandoon upang gumawa ng g**o kaya agad siyang humingi ng tawad, “Paumanhin, hindi ko nahawakan ng maayos. Hindi ko iyon sinasadya.”   “Hindi mo sinadya? Malinaw na ang iyong hangarin”   ‘Nakita ko rin yun! Sinadya mong ihagis iyon.”   Naglabas ng mga hindi magagandang spekulasyon ang mga anti-fans sa mga dumaraan upang ang mga ito ay magsimulang magsalita, “Sa iyong personalidad lamang ay hindi ka maikukumpara kay Michelle. Parating binabati ni Michelle ang kanyang mga fans ng isang magiliw na ngiti ay nag-aalok pa na magpapicture. Akala mo ba, dahil lang sa pumirma ka ng isang kontrata ay mapapalitan mo na siya?”   Parami na ng parami ang mga taong pumapalibot sa kanila at ang mga taong nakiki-usyoso ay dumarami. Sa isang iglap ay may mga lampas isang daang tao na ang pumapaligid sa kanya.   Dahil sa pagdami ng bilang ng taong nakapalibot sa kanila ay nakapagdesisyon ang mga anti-fans na gawin ang ikalawang hakbang ng kanilang plano. Sinimulan nilang itulak si Tazanna sa pamamagitan ng pagsiksikan ng mga tao, “Bakit sa palagay mo ay nanaliting sikat si Michelle sa loob ng tatlong taon samantalang ikaw ay nalaos? Napagtanto ko ngayon, marahil ay dahil sa masama mong ugali! Hindi ka maihahambing kay Michelle.”   “Ibalik mo ang kontrata kay Michelle!”   “I agree… Sa totoo lang, ay gusto kita. Pero itinapon mo lang sa sahig ang mga bulaklak na ibinigay sa iyo ng mga fams mo. Hindi ka maihahalintulad kay Michelle kahit kunti. Hindi ka karapat-dapat na pumalit kay Michelle. Anong mga pakana ang ginamit mo? Sabihin mo sa amin…”   Ang interogasyon ng mga fans ay mas naging malakas habang ang mga dumaraan naman ay kumukuha ng mga litrato ay pinaguusapan ito. Pakiramdam nila ay walang hiya si Tazanna. Para sa kanila ay mas mapagkakatiwalaan ang pagkatao ni Michelle.   Ganap na napapalibutan na si Tazanna kaya wala na siyang paraan para makatakas. Kaya naman ay kumalma siya at tinanggal ang kanyang sunglasses, at ipinakita ang kanyang walang make-up na mukha sa publiko. “Kung gusto mo akong sagutin ang iyong mga tanong ay kaya kong gawin iyan. Ngunit, may tanong muna ako sa iyo?”   “Sige ano yun?” Tiningnan ng mga anti-fans si Tazanna inisiip kung may pinaplano ito.   “Sinabi mo na fan kita. Kaya pwede mo bang sabihin sa akin kung anong taon ako nag debut? Anong taon ako nakatanggap ng mga awards at kung anong mga awards iyon?” Sunod-sunod na tanong ni Tazanna sa kanila.   Pagkatapos marinig ang tanong nito ay nagtitinginan ang mga anti-fans sa isa’t-isa. Papaano nila iyong malalaman? Kinamumuhian nila si Tazanna!   “Mga.. mga bagong fans kami. Itinapon mo ang aming mga regalo sa sahig kaya ikaw ang mali,” isa sa kanila ang sumagot.   “Itinapon ko man o hindi sa sahig ang mga bulaklak, kahit na hindi ako magpaliwanag ay siguradong nakuha naman iyon ng security camera ng paliparan. Ngunit, agad akong humingi ng paumanhin ng mahulog ang mga ito, alam kong narinig ng lahat iyon. Dati ko nang sinabi, na sa loob ng industriya, ay marami pang matututunan mula kay Michelle. Saan pa kayo hindi masaya?” Malumnay na nagsalita si Tazanna, hindi malakas ngunit diretso sa punto. Ang babaeng gumagawa ng g**o ay tiyak na hindi niya tagahanga. Halata na ito ay tagahanga ni Michelle.   Ang katotohanan na si Tazanna ay humingi ng paumanhin at tumugon ng mahinahon, ang karamihan sa mga dumaraan ay nagsisimula nang magbago ang isip tungkol sa kanya. Pakiramdam nila, ay sumusobra na ang mga tagahanga ni Michelle.   “Totoo na isa rin akong tagahanga ni Michelle. Pakiramdam lang naming na hindi ka nararapat na makumpara sa kanya. Higit sa lahat ay ninakaw mo ang kanyang kontrata kaya dapat ay ibalik mo ito sa kanya!” Pagkatapos magsalita ay sinimulang itulak ng anti-fan si Michelle na naging sanhi ng malapit nitong pagkahulog. Sa kabutihang-palad, ay dumating ang mga bodyguards na ipinadala ni Drake, sa tamang oras at inalalayan siya. Sinimulang rin nilang ihiwalay ang mga tao mula kay Tazanna.   Hindi na napigilan ni Jie ang kanyang galit. Tumayo siya sa pagitan ni Tazanna at ng mga anti-fans nito. “Mauna ka muna sakin. Hintayin mo nalang ako doon, susunod ako.”   “Okay.” Kagaya ng dati ay hindi nakipagtalo si Tazanna. Isinuot niya lang ulit ang kanyang sunglasses.   “Kung hindi mo kami bibigyan ng paliwanag ngayon at kung hindi mo ibabalik ang kontrata kay Michelle ay hindi ka naming hahayaang makasakay ng eroplano.” Babala ng mga anti-fans kasabay ng paghahawak-kamay.   “Talagang naniniwala kayo sa pagkatao ni Michelle?” Tanong ni Jie ng may malalim na kahulugan.   “Mas maganda pa iyon kesa sa pagkatao ni Tazanna!” Sagot ng isang anti-fan.   “Lahat ng mga salitang iyan, ay aking ni record.”Sabi ni Jie habang itinataas ang kanyang telepono. “May ibibigay ako sa inyong malaking regalo sa tamang panahon.” Inilagay niya ang telepono sa kanyang tenga at tinawagan ang mga police. Agad naman itong dumating at inalalayan si Tazanna papalayo sa kumpol ng tao sa tulong nga mga bodyguards na pinadala ni Drake. Agad na nawala sa mga mata ng publiko si Tazanna, ngunit bago pa man makaalis ang mga police ay may ibinulong siya sa mga ito.   “Taz, ginawa ni Michelle na pinakaunang diskusyon ang pagnanakaw mo ng kontrata sa kanya.” Nakatingin si Jie sa kanyang telepono habang nagsasalita.   “Ano pang hinihintay mo? I-release mo na ang video…” sagot nito habang naglalakad.   “Matagal ko nang hinihintay ang sandaling ito. Yung mga fans na iyon ay makikita na nila kung ang kanilang diyosa ay isang inosenteng babae o isang puta!” Pagkatapos niyang magsalita ay tinawagan niya ang kanyang kaibigang reporter, “I-post mo na ang video na hinanda natin.”   Alexander, tingnan natin kung ilang beses mo pwedeng isalba si Michelle!     ...   Sa Starlight Entertainment Artists’ Resting Lounge. Nagdiriwang si Michelle dahil ang diskusyon na kanyang sinimulan ay nasa pinaka una sa listahan. Isa pa, nakatanggap siya ng mga larawan mula sa kanyang fans tungkol sa eksenang nangyari sa paliparan. Tazanna had been pushed to the point where she couldn't even fight back - it completely satisfied her hatred. Gusto niyang matikman nito ang resulta ng pag-agaw ng kanyang kontrata.  Ito ay isa lamang sa mga kalalabasan, marami pang susunod na mangyayari.   “Michelle, pagkatapos ng insidenteng ito, sigurado akong mas makakakuha ka pa ng mas magandang deals kumpara sa inalok ng HF,” sabi nito sa kanya habang minamasahi ang kanyang balikat.   “Siyempre naman! Kailangan kong masecure ang aking pwesto sa Top Ten Model Awards!” Ngumiti si Michelle. Ang kanyang kompiyansa sa sarili ay dahil sa tiniyak ito ni Alexander sa kanya. Kagaya ng ipinangako nito, lumitaw ito sa kanyang pintuan na may hawak na kontrata para i-discuss sa kanya.   “Bilis, aking Top Ten Model. Isang malaking advertisement and nandito. Let’s hold a meeting immediately.” Maagap na pahayag nito.   Tumango lamang siya. Sobrang tuwa ang kanyang nararamdaman habang patungo sila sa meeting room upang pag-usapan ang detalye ng advertisement.   “Kahit na nawala ni Michelle ang kontrata kasama ng HF ay nakakuha naman siya ng isang deal mula sa isang international makeup brand. Siya talaga ang hiyas ng Starlight Entertainment!” Inulan siya ni Alexander ng papuri. “Tungkol naman kay Tazanna, kapag may nagtanong tungkol sa kanya, sabihin ninyo na ikakasal na siya at hindi na kukuha pa ng trabaho.”   Pagkatapos niya itong marinig ay mas naging malawak pa ang kanyang ngiti. Kaya lang, habang nag-uusap ang dalawa gamit ang kanilang mga mata, ay biglang nakatanggap ng tawag si Alexander. Noong una ay may ngiting nakapaskil sa kanyang labi, ngunit kalaunan ay nawala ito. “Mr Blair, how could you cancel the contract all of a sudden?” Tanong niya sa kausap.   "The indecent video of you and Michelle has already gone viral, I am extremely ashamed of the two of you. What rubbish!" pagkatapos magsalita ay pagalit nitong ibinaba ang tawag.   “Anong nangyari?” Agad na taong ni Michelle.   “Humiling ang advestiser ng solusyon sa isang problema.” Habang nagsasalita si Alexander ay kinuha niya ang kanyang telepono – at sa pinakaunang search rankings ay ang intimate video nila ni Michelle sa may hospital bed. Ngayon ay hindi na larawan kung hindi ay video! Isa itong video na hindi nila maaring itanggi! Pagkakita sa kanyang reaksiyon ay agad na hinablot ni Michelle ang telepono mula sa kanyang kamay. Pagkakita nito sa video…   …ay natulala siya, bumagsak ang telepono sa sahig. “Paano nangyari ito? Papaano?”   Lahat ng tao sa meeting room ay agad na kinuha ang kanilang mga telepono upang tingnan kung ano ang nagyayari. Habang si Michelle naman na nahuli sa akto ay mabilis na sinigawan ang lahat, “Don’t look! Don’t search!”   “It’s over… everything’s over…” Pagalit na umupo si Alexander sa kanyang upuan, “Sino ba talaga ang gustong kumalaban sa akin?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD