Chapter 5

2537 Words
Walang sinuman sa media ang gustong banggain at galitin ang isang Drake Villareal, mas lalong walang gustong ang banggain ang Villareal Corporation. Kahit na hindi nila maintidihan kung bakit tinutulungan ng Villareal Corporation si Tazanna, wala silang ibang magagawa kundi ang sumunod.   Kahit si Jie ay hindi makapaniwala na naging matagumpay ang kanilang plano. Ang akala niya ay aabot pa ito ng ilang araw bago kumalat at mag viral.   “Taz, tapatin mo ako, may ibang kompanya ba na sumusuporta ba sayo?” Tanong nito kay Tazanna isang araw ng magkausap sila sa telepono.   “No.” sagot niya sabay sulyap sa lalaking nasa tabi niya. “Pero, yes, meron isang taong tinutulungan ako ng lihim. Pero hindi ko pa pwedeng sabihin kung sino.” Makatotohanang pag-amin niya.   “That’s okay. Pag-usapan natin ito sa susunod. Maisip ko lang ang reaksyon ni Alexander sa nangyayari ngayon, masaya na ako.” Ipinagpalagay na lang ni Jie na tinutulungan si Tazanna ng kanyang pamilya.   Walang siyang ideya na si Tazanna ay kinasal sa King of Entertainment na si Drake Villareal.       "Are you trying to use this opportunity to leave Starlight?" Tanong ni Drake kay Tazanna habang hinihiwa ang steak sa kanyang harapan.   "No, I would be letting them off too easy if I was to leave so simply. I am going to tear them down from their perch," sagot niya. " Isa pa, napagdesisyonan ko ng bumalik sa industriya ng magmomodelo. Kaya lang, hindi na ako kasing sikat gaya ng dati, kung saan pwede kong magamit ang Starlight para dito.”   "You are like this right now because you are angry. What if one day you no longer hate..."   "Kung ano ang napagdesisyonan ko, hindi ko pagsisisihan, hindi ko rin uurungan" pinal na sabi niya sa asawa. Kapag nagmahal siya, nagmamahal siya ng buong puso. Kapag nagalit siya, kaya niyang tirisan ang isang tao gamit ang kanyang kamay.   Ilang oras na ang lumpias simula ng kumalat ang balita tungkol sa ginawa niya sa jewelry show, pero hindi man lang siya tinawagan ni Alexander para tanungin o kumustahin. Bagkus ay naglabas pa ito ng mga balita na maaaring ikasira niya. Hinding-hindi na ulit niya hahayaan na saktan pa siya nito.   Nanatiling tahimik si Drake sa kanyang tabi.   Hindi tanga ang kanyang asawa, sa katunayan nga ay matalino ito. Alam niyang wala siyang maitatago mula kay Drake kaya isiniwalat nito ang lahat sa kanya. Mabuti man o masama, walang itinira – ang natitira lang ay ang tiwaal.   "I've asked my assistant to prepare a room in this hotel. Tonight, we will be staying here. My home is no fun..." pagkuway sabi niya ni Drake kay Tazanna.   Namula ang mga tenga ni Tazanna pagkarinig sa sinabi ng asawa. Pagkatapos ay tumago. "Up to you..."     Sa kabilang banda ay gumagawa si Alexander ng paraan upang makipag-truce sa mga media at sa kanyang mga business partners. Dahil sa balita tungkol sa pagbubuntis ni Michelle, ay nawalan na siya ng panahon para isipin pa si Tazanna o kaya alamin kung nasaan siya ngayon.   Pagkatapos ng kanilang romantic dinner, ay sinundan ni Tazanna ang asawa patungo sa kanilang presidential suite. Pagkapasok ay namangha siya sa nakita. Hindi ito normal na presidential suite kundi isa itong wedding suite.   Kahit na gahol sa oras ay nagawang maghanda ng sobra ang kanyang asawa sa kanya. Hindi niya mapigilang humanga sa ginawa nito. Iniisip niya na kung ibang tao ito, malamang ay hindi nito magagawa ang kagaya ng sa kanyang asawa.   Nararamdaman ni Drake na kinakabahan si Tazanna. Tinanggal nito ang suit jacket bago bumaling sa kanya. “I'll have a shower first so you can have some time to make a decision. If you are still unsure...we can delay our wedding night indefinitely."   Nagpapasalamat si Tazanna sa pagiging maalalahanin ng kanyang asawa habang pinagmamasdan niya itong pumasok ng banyo. Pero, kasa na sila hindi ba? What right did she have to make her husband accommodate for her childish indecisiveness?   Pagkatapos itong pumasok sa kanyang isip ay binuksan niya ang pintuan ng banyo at pumasok. Nabigla ang kanyang asawa ng lapitan niya ito at yakapin. “Hinding-hindi ko pagsisisihan!” matapang na pahayag niya.   "Are you sure? Once I've made you mine, you will no longer have the chance to change your mind," Kinontrol nito ang sarili.   "I am certain." Sabay tingin sa mga mata nito. Gusto niyang ipakita rito na nagsasabi siya ng totoo.   Pagkasagot niya ay hinawakan ng kanyang asawa ang kanyang bewang at hinalikan siya. Ang isang kamay naman ay inalis ang kanyang damit na ngayon ay basa na.   Hindi na siya makapag-isip ng tama. Hindi pa siya nakaranas ng halik na kagaya nito. One so magical she was losing control. Tiningnan niya ang kanyang asawa. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito. May napansin niyang hugis brilyanteng nunal sa may tenga nito. His eyes were looking at her passionately - wanting to swallow her whole   Kahit na umabot na sila sa punto kung saan pwede na nilang gawin ang lahat, ay hindi nagmamadali ang kanyang asawa. Ibinalot siya nito sa tuwalya at kinarga papunta sa kanilang kama na puno ng rose petals. Pagkatapos ay pumaibabaw ito sa kanya na may suot ng proteksyon. However, just as he was about to enter her, he felt an obstruction.   Napasigaw siya sa sakit na nararamdaman.   Mabilis nitong hinugot ang kanya, umatras at binalot siya ng kumot.   Ang akala nito, dahil nasa entertainment industry siya, at ilang taon na silang magkasintahan ni Alexander ay hindi ito ang kanyang magiging una. Pero ngayong gabi, nadiskubre niyang mali siya ng akala. The feeling just now, he was sure, she had never engaged in this type of activity before…   “What’s wrong?” napansin niyang tumigil ang asawa. Tiningala niya ito at tinanong. Her face was blushing attractively   “Let’s do it next time.” He was surprised and at the same time felt bad for having misunderstood her.   "Are you not satisfied with me?" Hindi niya mapigilang itanong sa asawa. May nagawa ba siyang hindi dapat?   "If I had continued going...you would have been hurt." Isinuot nito ang roba at nahiga sa kama habang pilit na kinokontrol ang sarili. Nais niyang maging maganda ang unang karanasan nito. "Why didn't you tell me you had no experience?"   “Paano ko sasabihin sayo ang ganito?” Tugon niya. “Alam ko naman na malalaman mo rin ito.”   "Anyway, what was that just now? Did we...do it?" Pahabol niyang tanong sa asawa.   "Regardless of whether we did it or not, you are now Mrs. Villareal. You can't escape..." Pagkatapos nitong magsalita, kinarga siya nito papunta ng banyo. "Let me see if you are hurt."   Hindi niya mapigilang tumawa habang pinagmamasdan ang nag-aalalang mukha nito. “Hindi ka katulad ng kung paano ka nila ilarawan.”   "How did you think I would be like?" Tanong nito sa kanya habang dahan-dahan siyang ibinababa sa bathtub.   "Hmmm... Let me think. A ruler with complete control over the life and death of his entertainers. A person with no human sense." Sagot niya.   "To other people, I am indeed like that!" Matapat na pag-amin nito. "But you are different...since you are my wife and are so trusting of me...I will show you my true self."   "However, Tazanna, I must warn you"   "To me, a lie is a lie. If you betray my trust, I will never forgive you."   Kumportable siyang umupo, her nose almost touching his nose, “What a coincidence, I am the same."   Nang gabing iyon, ang kanilang pisikal na ugnayan ay umabot lamang sa kalahati. Ngunit, ang kanilang mga puso ay naging mas malapit.   Kinabukasan, nagising siya dahil sa sikat ng araw na sumisilaw mula sa bintana. To her surprise, the spot beside her was already empty.   Akala niya ay umalis na ang kanyang asawa. Pero ng lumabas siya ng silid ay nakita niya ito sa sala na matiyagang naghihintay sa kanya habang nagbabasa ng mga dukomento.   "I've prepared some new clothes in the bathroom for you. We will leave after you freshen up." Sabi nito pagkakita sa kanya.   Tumango siya at handa ng pumunta ng banyo ng may natanggap siyang tawag mula kay Alexander.   Tiningnan niya ang asawa. Tinaasan siya nito ng isang kilay ay tinanong, "Do you want me to pick it up?"   Siyempre hindi, hindi pa ito ang tamang oras!   Alam nito ang kanyang iniisip. Kaya kinuha nito ang kanyang telepono at ibinigay sa kanya. Hindi siya nag-atubiling sagutin ang tawag sa harap ng kanyang asawa.   “Babe, nasaan ka ngayon?” Babe his a**! Tiningnan niya ang asawa at nakita niyang nakatingin ito sa dokumentong hawak nito. Pero alam niyang nakikinig ito.   “Natatakot akong mahanap ako ng mga reporters kaya nagtatago muna ako.” Kalmadong sagot niya.   “Ibig sabihin hindi mo alam ang pangyayari tungkol kay Jie?” tanong nito sa kanya.   “Anong nangyari kay Jie? Medyo tago ang lugar kung nasaan ako ngayon. Kaya hindi ko alam ang mga nangyayari sa labas. Ano ba talagang nangyari?” She tried her best to sound curious.   “Dahil sa manager mo, Starlight is now a mess. Bumalik ka muna sa office. I’m going to arrange a press conference for you. Babe, sayo nakasalalay ang paglinis ng pangalan ng Starlight.” Utos nito sa kanya.   Press conference? Baka ibang oportunidad para itapon lahat ng sisi sa kanya.   Akala ba talaga nila ganoon siya kauto-uto?   Pinatay niya ang tawag. Sobra na siyang nasusuka. Nang magsalita ang kanyang asawa, "I've already saved my number in your phone. Anytime you need me, give me a call and let me know what you want to do."   "Thank you, Drake..."   "You shouldn't be calling me that..." he unfolded his legs and pulled her to his side, "Call me something else...or I won't let you go."   Nagblush siya bago nahihiyang sumagot sa mahinang boses, "h...hubby..." Isang bihirang ngiti ang sumilay sa labi ng kanyang asawa.   "Come on, I'll drop you off at work. Remember what you promised...don't get too close to another man."   Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin. She responded with a reassuring smile and a hopeful look in her eyes for her husband to trust her. Drake's heart skipped a beat. Between the two of them, there was nothing more to say.   Pagkalipas ng 40 minutong byahe ay dumating na sila sa lokasyon kung nasaan ang Starlight Entertainment. Bilang King of Entertainment, alam nito lahat ng pinakamalalim at pinakamadilim na sekreto ng industriya. Hence, he was curious as to how she intended on turning the tables to retrieve her position as top model.   Alam ni Tazanna kung ano ang pinasok niya. Malinaw na ito ay isang laro kung saan kailangan niyang itago ang kanyang mga baraha, habang inilalagay na ng kanyang mga kaaway ang kanilang mga baraha sa mesa. Kung hindi niya mababago ang kinalabasan kahit na matapos gawin ang lahat, kailangan niyang tanggapin ang pagkatalo.   Pagkatapos lumabas ng sasakyan, ay dumiretso siya sa Starlight Entertainment sa pamamagitan ng isang lihim na daanan. Sa sandaling nakita siya ng isang Staff, ang silid ay napuno ng halo-halong mga reaksyon ng kasuklam-suklam, poot at pangungutya na parang sigurado na sila na siya ang may pakana ng lahat ng rebelasyon ng kanyang manager.   Napanggap siyang hindi niya ito napansin. Naglakad siya patungo sa opisina ni Alexander at binuksan ang pinto nito. Pagkabukas ng sasakyan ay sinalubong siya nito ng tingin.   "You're back..." Sabi nito habang pinipigilan ang galit.   "Sabihin mo sa'kin kung anong nangyari?" Pagkukunwari pa rin niya.   “Babe, sigurado ka ba talaga na wala kang kinalaman sa pangyayari tungkol kay Jie?” Inihagis nito ang mga newspaper reports sa kanyang harapan. Pagkatapos ay galit na tinanong siya, “Kung hindi siya tumanggap ng utos mula sa iyo, paano siya nagkaroon ng tapang na gawin ito?"   “Alexander, malapit na tayong ikasal. Bakit ko gagawin ito? Wouldn't that be pushing you away?" she looked at him innocently.   “Paano mo ipapaliwanag kung bakit mo inilagay ang Crown’s Star sa iyong binti? Alam mo na ang pinakamalaking pinagkaiba ninyo ni Michelle ay ang iyong mga binti…” pagpapatuloy nito.   Tiningnan lang niya si Alexander habang tinatanong siya nito. Naisip niya ang maraming beses na pinrotektahan ni Alexander si Michelle sa parehong paraan. Inisip niya marahil dahil lamang sinisikap nitong protektahan ang sariling lumalagong karera, kaya handa itong magtiis na masaktan. Ngunit alam na niya ngayon, ang tanging tao na nais nitong protektahan ay walang iba kundi si Michelle lang.   "Noong mga panahon na iyon, wala akong ibang paraan para suotin ang Crown's Star kundi sa binti ko lamang. Nandoon ang assistant ni Michelle, pwede mo siyang tanungin." Sagot niya.   “Tinanong ko na siya at ang sabi niya ay ikaw mismo ang nagdesisyon nun.” Sabi naman nito.   “Alexander, ako ang fiancée mo pero mas naniniwala ka sa iba.” Pineke niya ang pagkabigong emosyon sa kanyang mukha habang patuloy na obserbahan ang reaksiyon nito. “Kahapon, dapat ay ikakasal na tayo.”   “Huli na ang lahat. Nag-abiso na ang HF sa korte na magsasampa sila ng kaso sa Starlight dahil sa paglabag sa kontrata. And thanks to your manager, ang negatibong reaksyon ng publiko ay lalong lumala. Kailangan mong panagutan lahat ng ito.” Mapangmataas siyang tiningnan nito. Parang isang diyos na nagpapasa ng hukom.   “Magiging asawa na kita sa lalong madaling panahon. Ayokong sirain ng asawa ko ang aking karera. Kaya, babe, para sa kapakanan ng kompanya, kailangan mong ipaliwanag sa publiko na lahat ng ito ay gawa-gawa lamang ng iyong manager para gumawa ng ingay at walang kinalaman dito ang Starlight…” Pagpapatuloy nito.   “Kapag inamin ko na ang manager ko ang may pakana ng lahat ay parang inamin ko na rin na ako ang responsable sa lahat ng ito. Hindi ba ikaw ang tumawag sakin para humalili kay Michelle?” Umiyak siya. “Alexander, dahil ba ikakasal na ako sa iyo kaya kailangan ako ang isakripisyo?”   “Wala akong pakialam! Kasalanan mo kaya ka nakilala ng mga tao!” Ng sabihing ni Alexander iyon ay pakiramdam niya sumusobra na siya. Kinalma niya ang sarili bago niyakap si Tazanna. Kaya lang ay itinulak siya nito palayo. “Babe, nawawalan lang ako ng pasensya. Ngayon lang ito. Kapag kasal na tayo, I promise to treat you well…”   Pinigilan ni Tazanna ang kanyang luha at tumango, "Ginagawa ko ito, hindi dahil inaamin kong ako ang may pakana ng lahat ng g**o na ito, ito ay dahil gusto kong protektahan ang iyong karera. Ngunit, wala ng susunod. Huli na ito.!"   “Yes...I promise, there will be no next time!" Masayang bahayag nito.   Sa katunayan, akala nito ay magagawa pa rin nito ito sa susunod. Lalo na kapag kasal na sila, akala nito madali siya nitong kontolin. At lalong akala pa rin nito ay hindi pa siya kasal sa iba.   “Ang press conference ay magaganap ngayong alas 3 ng hapon. Magkakaroon tayo ng meeting upang basahin ang script na hinanda namin.” Pahabol na sabi nito.   "OK!" sagot niya.   Tumigil siya sa pag-iyak at tiningnan si Alexander sa mga mata na parati niyang ginagawa. Ngunit sa sandaling lumabas siya ng silid, napalitan ng malamig na titig ang kanyang mga mata.   Hindi niya agad ito makakalimutan, ngunit, susundin niya ang kanyang mga desisyon. Hindi na siya kailanman aako sa mga kamalian ni Alexander.   Pagkatapos mag-isip ng mabuti ay bumalik siya sa kanyang sariling silid at tinawagan ang kanyang manager, “Jie, gusto akong gamitin ni Alexander na panangga.”   Tumawa ng bahagya ang nasa kabilang linya. “Taz, sabihin mo sakin kung ano ang dapat kung gawin.” Masiglang pahayag nito.   “3 pm. I-aanunsyo ko na ako ang may pakana ng lahat at hihingi ako ng tawad. Gusto kong ikalat mo ang mga litrato ni Alexander at Michelle noong nasa ospital sila…” Utos niya rito.   “Sure! May naisip na akong headline “Exposed! Multiple Affairs of Starlight’s Boss; The Biggest Cheating Scum!” sabi nito.   Hindi niya mapigilang matawa. Pagkuway humingi siya ng tawad rito. “Jie, pasensya ka na kung nasali ka sa gulong ito.”   “Taz, dahil napagdesisyonan mong magsimula mula, tutulungan kitang maging top model ulit. Sa kanunayan ay tutulungan kitang maging… international supermodel!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD