Chapter 4

2367 Words
Pagkatapos ng final pose ni Tazanna, ay nagtapos din ang show. Sobrang namangha ang HF Founder sa kanyang performance. Pero hindi nito alam na ang modelong nasa stage ay siya. Buong akala pa rin nito ay Michelle.   Umakyat ito ng stage mula sa likuran at nilapitan siya. Kagaya ng isang ginoo, inilahad nito ang mga kamay upang alalayan siyang tumay. Pagkatapos ay iginiya siya nito papunta sa harap ng runway at yumuko silang dalawa bilang pasasalamat sa mga manonood.   "Thank you everyone, and of course, thank you Miss Michelle for a spectacular performance, it was certainly impressive.” Pahayag ng founder ng SF dahil sa matagumpay na show.   She stayed silent. She simply responded with a bow.   Nang biglang, may isang biglang sumigaw mula sa harap ng runway. “Hindi siya si Michelle. Nakita ko si Michelle sa personal at wala siyang ganyang kagandang legs!”   Sa sandaling iyon, lahat ay natulala. Hindi nila mapigilang mapasulyap ulit sa kanyang mga binti. May isa na naglakas loob na nagsalita kahit na mayroong pagdududa. “Kung ikaw nga si Michelle, tanggalin mo ang iyong maskara. Kung hindi ikaw yan, kung ganoon ay mga sinugaling ang mga nasa Starlight Entertainment.”   Pagkatapos may magpahayag ng kanyang nasaisip ay marami ang gumaya. Naging maingay na ang paligid. Pati na rin ang designers ng HF ay nagsisimula na rin mag-isip kung ang babaeng nasa harap nila ay si Michelle nga.   “Miss Michelle, pakitanggal po ang inyong maskara.” Mausisang tanong ng isang designer. Siya ba talaga si Michelle? Kung hindi nga siya, maharil ang collaboration ng HF at ng Starlight Entertainment ay dito na magtatapos.   Nag-aatubili siyang sundin ang kanilang nais. Pero wala siyang magagawa dahil napapaligiran siya. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang suot na maskara. Sa sandaling iyon, pigil-hininga ang lahat sa paghihintay.   Ng masilayan na ang kanyang mukha, may mga nakakilala sa kanya agad bilang dating sikat na modelo. “Si Tazanna!” may isang sumigaw.   Usap-usapan sa industrya na pagkatapos niyang ma-blacklist tatlong taon na ang nakakaraan, ay nasira ang kanyang imahe. She was even worse off than unsigned models. Who would have thought she would stoop so low as to step in for someone else? Was she deliberately creating hype or was she forced due to her current situation?   “Si Tazanna nga!” Agad siyang pinalibutan ng mga reporters kaya hindi siya makakatakas mula sa kanila.   “Miss Mendez, pwede mo bang ipaliwanang sa amin ang kasalukuyang sitwasyon? Si Michelle ang naimbitahan na dumalo sa show ngayon, but how come it turned out to be you?"   “Sa pagkakaalam namin, you were blacklisted 3 years ago. Gusto mo bang kunin ang oportunidad na ito para inanunsyo ang iyong pagbabalik?”   “As a once-famous model, gusto mo bang kunin ang mga trabaho at offers ni Michelle? Are you taking advantage of her being injured and stealing her opportunity to be a spokesperson?"   "It's obvious you are just trying to create hype. I knew it. Michelle was already injured, how could she possibly attend the show? Famous supermodel my a**! More like famous superCHEAPmodel!"   Ang mga tanong ng mga reporters ay nagiging matindi na. Sa makatuwid, may iba na ini-insulto na siya.   "Outdated cheap model..."   “Si Michelle dapat ang spokesperson, ibalik mo ito sa kanya!”   Napilitang siyang dahan-dahang umatras dahil sa nakapalibot sa kanyang mga reporters. May iba na tinutulak siya. Sa pagkakataong ito, dumagdag pa ang HF ng insulto. "I am going to sue Starlight Entertainment, what you are doing here is blatantly lying! I asked for Michelle, instead, you gave me a 3rd-rate model." Walang kaalam-alam ang designer kung gaano kasikat si Tazanna tatlong taon na ang nakalilipas. Ang alam lang nito ay hindi nito kailan man nakita ang modelong ito nitong mga nakaraang taon.   “At ikaw.” Sabay turo sa kanya. “Magkita tayo sa korte. Pero sa ngayon, get lost! Hindi ka karapat-dapat na tumayo sa aking runway.” Sigaw nito.   Ang kanyang matinis na tinig ay umalingawngaw sa buong center. Kahit ang mga reporters ay nabigla. Walang sinumang model ang tatayo lang at hahayaang masigawan.   “Bakit ka pa nandito? Get lost!” ulit na sigaw nito sa kanya. Hinanda na niya ang sarili sa mangyayari pero nahihirapan siyang pigilan ang kahihiyan na kanyang nararamdaman.   Sa mga sandaling iyo, isang malalim at kaakit-akit na boses ang umalingawngaw galing sa dulo ng entablado. “Yes, someone should get lost indeed..."   Sa pagkabigla, dali-daling inituon ng mga reporters ang kanilang atensyon sa pinanggagalingan ng boses. Doon, sa dulo ng entablado ay si Drake Villareal. Nanlaki ang kanilang mga mata sa pagkabigla … Hindi ba siya ang CEO ng Villareal Entertainment? Bakit siya nandito?   Higit sa lahat, bakit siya nakatayo sa entablado. It was a well-known fact that Drake Villareal despised artists that played mind games. She is digging her own grave. This time even the Villareal Entertainment can't help but step out from behind the sidelines.   Pigil hininga ang lahat. Natitiyak nila na ubos na ang swerte ni Tazanna. But to their surprise, Mo Ting walked over to Tangning and stood by her side. Gamit ang nakakatakot na tono na parang hari, bumaling siya sa designer at nagpatuloy sa pagsasalita. "...but, she is not the one that should get lost...it is you!"   "I could make hf disappear from Beijing if I want to. Your manners appear to be on a different level to your jewelry."   Sandaling tumigil ang t***k ng kanyang puso. Sinong mag-aakala, na ang kanyang asawa, na pangatlong beses lang niyang nakita, would stand up for her.   Lahat ng reporters ay natigilan at nagsisimulang mangamba. Kung nalaman lang nila ng mas maaga na may koneksiyon si Tazanna sa Villareal Entertainment, hindi sana sila naging bastos.   Gustong dumepensa ng HF Designer pero alam niyang mahirap banggain ang isang Drake Villareal. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, nag-aatubili itong humingi ng paumanhin, “Paumanhin Mr. Villareal, hindi ko alam na may ugnayan pala kayo kay ---“   "You are wrong, I have no relations with her. I'm just simply...questioning your character!" Tahasang tanggi ni Drake bago siya umalis. Ngunit bago siya tuluyang makaalis, umikot siya at inihayag sa mga reporters, "There is, however, one thing I cannot deny. She will definitely become a rising star in the modeling industry!"   Nagkagulo ang media. Anong ibig sabihin ni Mr. Villareal doon? May intensiyon ba siyang kunin si Tazanna? Is this some kind of a joke?   Anuman ang paliwanag, walang sinuman ang nangahas na magtanong sa kanya. Bagkus ay inilihis nila ang sisi sa Starlight Entertainment.   --   Nagbihis siya ng damit at lumabas ng center. Pagkalabas niya mula sa side door, namataan niya ang sports car ng asawa na nakapark sa labas.   "Get in."   Masunurin siyang pumasok sa sasakyan. Sobra siyang nagpapasalamat sa ginawa ni Drake ngayong araw, “Thank you for today.”   Kumibot ng bahagya ang mga mata ni Drake habang may sumilay na ngisi sa kanyang mga labi, “Did you think I would allow someone to bully my newly wedded wife in front of everyone?"     “Sa palagy ko, hindi ako karapat-dapat sa tulong na binigay mo. Sinadya kong malaman ng lahat kung sino talaga ako.” Paliwanag niya.   Tiningnan siya ni Drake sa kanyang mga mata, “I know.” Mahina nitong sabi. "It's just that, if you couldn't have thought of a better way to scheme against someone, you should have asked me. Sacrificing yourself to get back at someone, is a bit of a stupid move, don't you think?"   Hindi makapagsalita si Tazanna.   "Where should I drop you off?" Tanong ni Drake.   "Your home. Hindi ba ay kasal na tayo?" Walang pag-aalinlangang sagot niya. Dahil sa ito na ang naging desisyon niya, paninindigan niya ito at hindi magsisisi.   "Are you sure? Not only are we married...but tonight is also our wedding night!"   Nagblush siya, pero tumango rin. "I've already prepared myself and I am very thankful that you did not reveal our relationship. However, from now on, I insist you remain neutral. I want to rely on myself to retrieve what is rightfully mine."   Hindi nagpumilit si Drake. Bihira lang siya makakita ng babae na hindi siya ginagamit para maiangat ang sarili. He decided to sit back and watch her show off her skills.   Habang nasa byahe pauwi ay nakatanggap si Tazanna ng tawag mula sa kanyang manager na si Jie. “Taz, may nahanap na akong ebidensya ng pagbubuntis ni Michelle. Anong gusto mong gawin ko dito? Nga pala, yung eksenang ginawa mo sa jewelry show ay viral na ngayon. Ang daming taong kinokondena ka sa internet. Anong plano mong gawin?”   “Jie, handa ka bang manatili sa tabi ko kahit anong mangyari?” Kinakabahang tanong niya sa kanyang manager. They’ve been together through thick and thin.   “Why are you asking such nonsense?” Pagalit na tanong ng kanyang manager. “Inaasahan mo bang patuloy akong susunod sa dalawang walang-hiyang iyon?”   "Then release the statement I asked you to prepare earlier. Pero binabalaan kita, kapag ginawa mo ito, ibig sabihin, kinakalaban mo rin ang Starlight Entertainment! Kapag nagdawalang isip ka Jie, sabihan mo ako.” Sensirong sabi niya dito. Kapag nagkataon, hindi lang siya ang kakalaban sa Starlight kundi pati na rin ang kanyang manager.   “Hindi ako natatakot.”  Masiglang sagot nito. “Dapat dati pa natin to ginawa. Ihahanda ko na ang mga ebidensya ngayon at ire-release ko bago pa man magkaroon ng pagkakataon si Alexander na sumagot.”   Pinatay niya ang tawag. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Kinakabahan sa kung ano man ang iniisip ni Drake tungkol sa kanya…   "I..." Gusto niyang mag-explain sa asawa.   "No need to explain. Your conversation just now, I heard it all. However, I have one question…have you always been this honest?" huminto ang sasakyan sa may red light. Kinuha naman itong oportunidad ni Drake para hawakan ang kanyang panga at tingnan siya ng maigi sa mata.   "I am only honest in front of you and I intend for it to stay this way…" – ipinahayag niya ang kanyang katapatan - "…kasi natatakot ako na baka ma-misunderstand mo ako at maging masama ang isipin mo tungkol sa akin. "   Pansamantalang nabigla si Drake bago nagpatuloy sa pagsasalita. "If I were you, I would be even more extreme!"   Mukhang nahulaan na ni Drake ang nangyayari sa pagitan nila ni Alexander at ni Michelle. Dahit sa reaksyon nito, ay nagsisimula na siyang humanga sa kanyang asawa. Ipinapangako niya sa kanyang sarili, na kahit anong mangyari, hindi niya kakalimutan ang araw na ito at ang kanyang pangako sa kanyang asawa, panghabambuhay. .     ------   Hindi makapaniwala si Alexander sa nasagap niyang balita tungkol sa paglantad ni Tazanna sa entablado. Hindi lang iyon, ngunit, sa puntong iyon ay nakatanggap siya ng tawag mula sa HF. Ipinababatid nito na magsasampa sila ng kaso sa Starlight Entertainment dahil sa paglabag nito sa kontrata. Sa isang iglap, nakakuha sila ng maraming problema habang maraming rumors naman ang naglipana sa buong internet tungkol sa kanila.   Si Michelle ay seryosong nanonood ng performance ni Tazanna sa stage. Hinila niya si Alexander palapit sa kanya. “Tingnan mo! Gusto ni Tazanna na makilala siya. Alam niya na ang pinakamalaking pagkakaiba naming dalawa ay ang aming mga binti. Sinadya niya itong gawin!”   “Babe, hindi ganyan si Tazanna. Hindi ito ang unang pagkakataon na humalili siya sayo.” Sa kanyang kaibuturan ay naniniwala pa rin si Alexander kay Tazanna.   “So ang sinasabi mo ay mas pinaniniwalaan mo siya kesa sakin? Wag kang maging tanga Alexander! Ngayong nangyari na ito, dapat may managot! Gusto mo talagang mawala ang kontrata? Gusto mong sabihin sa lahat na ikaw ang nag-utos kay Tazanna na humalili sa akin? If that’s the case, then we are doomed!” Natatarantang sabi ni Michelle.   “Anong gusto mong iparating?” Nalilitong tanong niya.   “Malapit na kayong ikasal ni Tazanna. Hindi na siya magiging parte ng industriya pag nangyari yun. Para sa kapakanan ng Starlight Entertainment, you need to make an announcement. Ipahayag mo sa lahat na wala kang alam sa lahat ng mga nangyari at lahat ng iyon ay plano lamang ni Tazanna para gumawa ng ingay; that’s why she went behind our backs and pretended to be me.” Lahat ay sinisi ni Michelle kay Tazanna.   “Sa palagay ko, sa sitwasyong ito, iyon lamang ang magagawa natin.” Tumango si Alexander bilang pagsang-ayon. Gayunpaman, ng sinubukan niyang tawagan ang head ng PR department, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang secretary.   “Quick, President. Tingnan niyo po ang entertainment new headlines! May isiniwalat na malaking balita ang manager ni Tazanna.   Mabilis na nag-online si Alexander at nag search ng headlines. Sa kanyang pagkadismaya, Tazanna’s manager was already a step ahead of them. Isiniwalat nito na ilang beses niyang pinilit na humalili si Tazanna kay Michelle dati. May mga larawan pa na naghahambing sa dalawang modelo bilang patunay.   Dahil sa galit, mabilis na tinawagan ni Alexander si Jie.   “Jie, nababaliw ka na ba?” Pasigaw na tanong niya. Hindi siya makapaniwala na ginawa ito ng manager ni Tazanna.   Sa kabilang linya ng telepono ay umaalingawngaw ang tawa ni Jie. Mahinahon siyang sumagot. “Dati ko pa gustong umalis sa pangit mong kompanya!” pinatay nito ang tawag. Hindi na hinintay na makasagot pa siya.   “Si Tazanna ang may kagagawan nito Alexander. Quick, let’s cover it up by posting news of her creating hype!” suhestiyon ni Michelle.   Agad –agad niyang tinwagan ng walang pag-aalinlangang ang kanyang mga koneksyon sa medya upang ipatanggal ang mga balita na isiniwalat ni Jie. Gusto niyang ipalit ang balita na kanilang hinanda kanina tungkol kay Tazanna na gustong gumawa ng ingay.   Sa isang iglap, ang “Tazanna” at “Starlight Entertainment” and naging most searched terms online na may magkahalong opinyon at tugon.   Walang nakakaalam ng relasyon ni Tazanna at Drake. Kaya kompara kay Tazanna, walang naglakas ng loob na galitin si Alexander.   Tazanna definitely received the shorter end of the stick, attracting an unbelievable amount of insults online.   Nang akala ng lahat na nagbago na ang sitwasyon, ang term “Tazanna substitute” ay biglang tumalon sa pinakatop ng search rankings. Search results all led to the news Jie had released earlier – revealing that Tazanna was the real victim.   Ang balitang isiniwalat ni Jie ay unang lumabas at ang mga netizens ay naging buo na ang kanilang desisyon. At isa pa, ang katotohanan na ilang beses na pumalit si Tazanna kay Michelle ng walang naidudulot na g**o at patuloy pa rin na gingamit hanggang ngayon ay naging hot topic sa social media. Karamihan sa mga netizens sa online community ay sumang-ayon na si Tazanna nga ang biktima.   Hindi makapaniwala si Alexander. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang PR. Inutusan niya itong maglabas ng maraming pera para mawala tahat ng balita tungkol kay Tazanna.   Samantala, si Drake ay nasa kanyang telepono kausap ang president ng main news sources. Sa malamig na boses ay nagsalita siya. "If the news of Tangning disappears from search rankings, then be prepared for your companies to close down." Banta niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD