Chapter 1

1472 Words
WARNING: Medyo SPG. Read at your own risk...     Basa ng luha ang kanyang buong mukha.    Pilit niyang pinipigilan ang kanyang luha na tumulo ngunit hindi niya namamalayan na pumapatak na pala ito ng kusa.   Sobrang sakit. Hindi niya akalain na mangyayari ito. Lahat naman ginawa niya pero bakit sa ganito humantong ang lahat?   Madilim ang kanyang kwarto ngunit may munting liwanag sa may sofa na galing sa liwanag ng buwan.  Kahit na masakit ang ulo dahil sa kanyang ininom kanina sa party ay pilit niyang pinapanood ang dalawang taong naghahalikan sa loob mismo ng kanyang kwarto. Pinupunit ang kanyang puso habang pinapanood niya ang mga ito.   "Babe, tama na. Baka magising si Tazanna." sabi ni Alexander kay Michelle habang pinipilit na tinatanggal ang mga kamay nito sa kanyang bewang at iniiwasan ang mga halik nito.   "Babe naman. Hindi siya magigising. Sobrang dami ng nainom niya kanina sa party. Alam ko na mababa lang ang tolerance niya sa alak." sagot naman ni Michelle habang pilit na hinahalikan ang lalaki. "Kasal niyo na bukas. Hindi ba pwedeng sa akin ka muna ngayong gabi?" Saka niya sinimulang tanggalin ang sinturon nito.   Napangiti ng mapait si Tazanna sa kanyang narinig. Tama! Kasal nila bukas ni Alexander. Ang unang lalaking kanyang minahal. Ang lalaking naging dahilan kaya tinalikuran niya ang lahat para lang makasama ito.    Ngunit ito na ngayon ang lalaking sumira ng tiwala niya. Ang lalaking ngayon ay nakikipaghalikan sa ibang babae sa loob mismo ng kanyang silid. Ang lalaking hindi man lang inisip ang kanyang nararamdaman sa ginawa nitong pagtataksil.   “Babe, alam mo naman na kahit ikasal ako kay Tazanna ay ikaw pa rin ang mamahalin ko. Sa kanya man ako sa papel, buong-buo ay sayo ako.” Sagot naman ni Alexander kay Michelle sabay pisil sa puwit nito.   Napaungol si Michelle sa ginawa ng lalaki.   “Napakapilyo mo talaga.” Kunwari ay reklamo nito sa lalaki. Pero hindi makikitaan ng anumang pagsisisi sa mukha nito. “Alam ko naman na sa akin ka. Sa akin ka limang taon na. Sa akin ka ng magpanggap kang may gusto sa babaeng iyan dalawang taon na ang nakakaraan. Sa akin ka ng tinalikuran niya ang lahat para sayo at naging akin ang lahat ng tagumpay na dapat sa kanya.” Mapagmataas niyang sabi.   “Alam mo naman na kaya kong gawin ang lahat para sayo babe. Kahit na ang pabagsakin ang ibang tao. Kahit na manakit ng ibang tao, sumaya ka lang.” Masuyong sabi ni Alexander.   Hah! Limang taon? Kung ganoon, sa loob ng dalawang taon naming magkasintahan ni Alexander kay niloloko lang niya ako?   Kaya pala, madalas, kung nasaan si kami ay naroon din ang Michelle? Kaya pala madalas silang magkasama. Business? P*t*ng*n*!   Kaya pala lahat ng endorsements at commercials na dapat sa akin ay napupunta lang sa kanya. Dahil minanipula nila ang lahat! Mga hayop sila.   “Ohhh babe…”   “You are so wet now babe.”   Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi na niya kayang manood pa. Gusto niyang magwala. Gusto niya manakit ng tao. Lahat pala ng nangyari sa kanya ay parang isang script sa pelikula. Sila ang scriptwriter at director. Siya naman ay t*ng*ng sunod-sunuran lang sa kanila.   Ang kasal bukas? Pati din ba yung parte lang ng kanilang plano? Pati rin ba ang mga magulang nito ay kasabwat? Nandun ang mga magulang ni Alexander ng planuhin ang kasal. Gusto niyang tumawa. Oo nga pala. Sa lahat ng paghahanda, mula sa venue, sa motif, sa pagkain, hanggang sa isusuot, siya lang pala lahat ang nag-aasikaso. Akala niya ay dahil lang sa busy ang mga ito. Kundi ay wala pala talaga itong pakialam.   Naghahanda rin ba siya ng kasal para sa iba?     Alas dos ng madaling araw ng umalis ang dalawa, sina Alexander at Michelle, dahil dumaing ang babae na masakit ang kanyang tiyan.   Pagkaalis ng dalawa ay bumangon siya. Hindi na siya nag-abala pang maligo dahil nandidiri siya sa kanyang apartment. Unang beses ba itong nagyari? Marahil ay marami na. Nang isipin niya ito, gusto niyang dumura ng dumura. Mga baboy sila!   Nagbihis siya ng desenteng damit.  Palabas na siya ng kanyang apartment ng may natanggap siyang tawag mula kay Alexander.  "Hello, Babe. Naospital si Lolo. Postpone muna natin ang kasal." Talaga? Lolo mo naospital o baka ang kalaguyo mo na nagdadrama lang? Hindi siya sumagot. Hinintay niya na kusang patulin ni Alexander ang tawag. Great! Just great!  Dala ang kanyang cellphone at pitaka pumunta siya sa pinakamalapit na bar para uminom sakay ng kanyang sasakyan. Buti nalang sa kanya itong sasakyan. Ito ang unang pundar niya ng sumikat siya bilang isang modelo. At ito ang kanyang iniingatan.     Eton bar…   Kahit na madaling araw na, marami pa rin ang mga taong labas-masok sa bar. Pero hindi lang sila mga average na tao. Karamihan sa mga nandito ay ang mga sikat. Mga artista, modelo at iba pa. Sila ang mga taong iniingatan ang kanilang pangalan.   Ang Eton bar ang may pinakamahigpit na seguridad. Kaya maraming mayayaman ang nagpupunta rito. Marami ring mga gustong makapag asawa ng mayaman ang nadirito. Gold-diggers ika nga.   Pagkapasok mo pa lang sa bar, sobrang daming tao na ang bubugad sayo. Disco lights, people dancing in the middle, a rapper singing a song for everyone. Napa hype ng bar. Malawak ang look ng bar. Meron itong apat na palapag. Ang 1st floor ang pinakamalawak sa lahat. At nandito lahat ng mga may kaya na gustong makipag flirt, maghanap ng ka one-night stand, at kung suswertehen, mapapangasawa.   Ang 2nd floor at 3rd floor ay para sa VIP. Ang 2nd floor ay malawak din, ngunit kumpara sa 1st floor, tanging mga maykaya lang sa buhay ang nandito. Meron itong billiard’s corner na wala sa 1st floor. Kumpara sa 1st floor, ito ay mas tahimik. Akma ito sa mga taong gusto ng tahimik na ambiance habang umiiom. Ang 3rd floor naman ay ang private rooms. Meron itong sampung malalaking VIP rooms na talaga namang malulula ka sa presyo.   May patakaran ang Eton na kung saan, hindi ka pwede pumunta sa floor na mas mataas kumpara sa pinili mong floor. Kung ang kinuha mong pass ay 2nd floor, hindi ka maaaring pumunta sa 3rd floor pero pwede kang bumaba sa 1st floor at mag enjoy. Kaya siguradong safe at may privacy ka.   Ang 4th floor ay ang opisina ng may-ari.   Dumiretso si Tazanna sa 2nd floor. Gusto lang niyang uminom at mag-isip. Nagharap siya ng pwesto na medyo madilim. Para kahit papaano, kapag umiyak na naman siya walang makakakita.   Umorder siya ng tequila pagka pwesto niya. Hindi siya mahilig uminom dahil mahina ang tolerance niya sa alak. Pero alam niya na kailangan niya ito ngayon. Hindi man nito maaalis ang sakit na kanyang nararamdaman, pero sa tulong ng alak, alam niyang magiging manhid siya pansamantala.   Napangiti siya ng mapait. Tinalikuran niya ang kanyang pamilya, ang kanyang pangarap para lang sa isang lalaking hindi naman karapat-dapat. Gusto niyang magwala. Pero wala naman siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili lang niya. Hindi siya nakinig sa mga magulang niya. Ipinilit niya ang kanyang nais at ito nga ang kanyang napala.   Nagmahal lang siya. Nagpakatanga lang siya. Pero hindi niya akalain na sa huli, masasaktan lang pala siya.   At bukas? Ah! Mamaya na pala yung kasal nila ng hinayupak na lalaking iyon. Pero kinansela ng hinayupak niyang fiancee dahil lang sa kalaguyo nito! Gusto niyang tawanan ang sarili.   Nakakadalawanng lagok pa lamang siya pero ramdan na niyang umiikot ang sarili niya. Tama nga sila. Mas madaling malasing ang tao kapag may pinagdadaanan.   Gusto pa sana niyang uminom pa ng marami pero naisip niyang mas mabuti kung umuwi na lamang siya habang nasa katinuan pa siya. Baka kung saan pa siya abutin at may masama pang mangyari sa kanya. Kahit pakiramdam niya nag-iisa na lamang siya sa buhay, hindi minsan sumagi sa isip niya ang kitlin ito.   Tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Hindi niya alam kung tuwid pa ba ang kanyang lakad o hindi na.   Pagtungo niya sa harap ng elevator, may dalawang lalaking nag-aantay din. Siya ang pangatlo. Dumiretso siya sa pinakalikod at isinandal ang ulo sa may dingding.   “President, tumawag sakin kanina ang assistant ni Miss Ivy. Hindi raw ito makakarating sa kasal ninyo bukas dahil nakansela ang flight nito.” Mahinang sabi ng isang lalaki sa katabi nito. Kahit mahina ay naririnig niya ito dahil nasa malapit lamang siya.   “Then cancel the wedding.” Walang emosyong sagot ng katabing lalaki.   “Pero, ang sabi ng chairman ay dapat makasal ka bukas, kahit anong mangyari. Kahit magpakasal ka sa transgender ay wala siyang pakialam.”   “Then just randomly pick a lady from the socialite families.” Hindi makatwiran na sabi ng mas matangkad na lalaki.   Alam niyang bastos ang tumitig sa ibang tao pero parang kilala niya ang lalaki. Aha! Si Drake Villareal. Ang CEO ng Villareal Group of Companies na siyang may ari ng Villareal Entertainment. Dati nung sikat pa siyang modelo ay na nakilala niya ito sa isang Charity ball.   Mukhang ikakasal din si Mr Villareal pero hindi makakarating ang bride. Bigla, isang ideya ang sumagi sa kanyang isip. Nagbuntong-hininga muna siya bago naglakad patungo sa harap ng lalaki.   “Mr. Villareal, marry me..”           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD