“Mr. Villareal, marry me.”
Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Andrei, ang assistant ni Mr Villareal. Bilib ako sa lakas ng loob nga babaeng ito, sa isip niya.
Samantala, ay walang emosyong tiningnan siya ni Drake Villareal. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Gayunpaman, ay matiyaga siyang naghintay sa magiging desisyon nito. She had gathered all her courage to do this. It’s now or never.
“Give me her details.” Utos ni Drake kay Andrei.
Sa totoo lang, kilala ni Andrei ang babaeng nasa harap ng kanyang boss. Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Tazanna Mendez.
Hindi na naantay pa ni Tazanna ang sagot nito ng pakiramdam niya ay umikot ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay. Ang huli niyang nakita ay ang maagap na pagsalo sa kanya ni Drake bago siya mawalan ng ulirat.
---
Sa isang itim na Maybach sa may parking area.
Nasa may likurang bahagi ng sasakyan nakaupo si Drake. Sa tabi niya ang walang malay na si Tazanna. Pinagmasdan niya ang babae pero walang bakas ng anumang emosyon ang kanyang mukha. Hindi mo rin mababasa ang nasa isip nito.
Sa may driver seat nakaupo ang assistant na si Andrei. Siya ang assistant s***h driver nito. Siya rin ang kanang kamay ni Drake. Lahat ng mahahalagang transaksiyon ng kanyang boss ay naroon siya. Kaya’t kilala na siya ng marami. Madalas kinakatakutan na rin siya. Anumang sabihin niya ay nagrerepresenta sa kanyang boss.
Dahil na rin sa desisyon ni Drake na dalhin sa kanyang bahay ang walang-malay na dalaga, ay doon sila dumiretso pagka galing sa bar. Walang imik sa loob ng sasakyan, na siyang normal na para kay Andrei. Si Drake ang literal na “one-word man” dahil bihira lang itong magsalita at direkta sa punto.
Kahit ng makarating na sila ng bahay niya at maibaba na niya sa kama ng isa sa mga guests rooms ay hindi pa rin nagkakamalay ang dalaga. Hindi mo rin mawari kay Drake kung nag-aalala ba siya sa dalaga o hindi.
“Boss, ito na po yung kailangan ninyo.” Sabay abot kay Drake ng tablet.
Nasa study room sila ng bahay ni Drake. Dito ito naglalagi madalas kapag nasa bahay lang at walang overseas trip.
“Tazanna Mendez. Twenty-Five. Dating international at runway model. Retired from the industry three years ago due personal reasons.” Nagpatuloy lang si Andrei sa pagreport sa kanyang boss tungkol kay Tazanna.
Pagkatapos ng dalawang minuto, tumayo si Drake at bumaling sa kanyang assistant. “Prepare her dress.”
Nagtataka man. Walang ibang masabi ang assistant na si Andrei kundi ang “Right away sir!”
-----
Nang magising si Tazanna, parang gusto niyang sakalin ang sarili dahil sa sakit ng kanyang ulo. Hindi naman ito yung unang beses niyang malasing pero ito yung pinakamalala.
Sino ba kasi nagsabi sayo na uminom ka?Kastigo niya sa sarili. Kaya ayaw na ayaw niyang uminom eh. Hindi na talaga ako uulit.
Pinilit niyang buksan ang mga mata kahit masakit ang kanyang ulo. Pagkatapos ma-adjust ang kanyang paningin, para siyang naestatwa. Puting kisame ang sumalubong sa kanya. Hindi ito ang kwarto niya. Pinilit niyang inalala ang nangyari sa kanya bago siya mawalan ng malay.
Shit! Tazanna what did you do?
Kung pwede lang niyang ipukpok ang ulo ay ginawa na niya.
Pinilit niyang sumandal sa headboard ng kama. At ang una niyang nakita ay ang dalawang pares ng malalamig na asul na mga mata na nakatingin sa kanya. Hindi mo makikitaan ng anumang emosyon ang mga mata nito.
Pero gayunpaman, wala siyang makapang takot sa kanyang dibdib. Weird?
“You’re awake. Drink the pill on the bedside table, that’s for your hang over. Take a shower and wear the dress on the sofa. Be sure to be ready in an hour. Or we will be late.” Diretsong sabi nito sa kanya. Dahil masakit pa rin ang kanyang ulo at hindi pa siya tuluyang nagigising, tumango lamang siya. Pagkatapos ay iniwan na siya nito.
Totoo nga. May dalawang tableta ng gamut sa may bedside table. Meron din isang baso nga tubig. Oh how thoughtful!
Parang magic naman na nawala ang sakit ng kanyang ulo pagkatapos niyang inumin ang gamot.
Tiningnan niya ang malaking wallclock sa loob ng kwarto. 7:25. Maaga pa. Pero ganitong oras siya gumigising. Nasanay na rin ang katawan niya. Kahit na matagal siyang matulog, ay nagigising pa rin siya nga ganitong oras.
May dalawa pang pinto sa loob ng kwarto maliban sa main door kung saan lumabas si Drake. Binuksan niya ang isa at namangha siya sa nakita. Isang walk-in closet. Ang lawak nito ay kalahati ng lawak ng kanyang apartment. Pero mukhang walang gumagamit ng silid dahil wala itong kalaman-laman.
Sa loob ng walk-in closet ay may isang pinto. Pagbukas niya ay ang banyo. Ito ay kalahati ang laki kumpara sa closet. Magara rin ang banyo na meron bathtub. Hindi kagaya ng closet, may mga gamit sa banyo. May toiletries, towels, shampoo, soap at iba pa. Mukhang bago lang ang mga ito.
Dahil nanglalagkit na siya ay pinili niyang magshower na at tigilan ang kakatingin sa paligid. Noong hindi niya tinalikuran ang kanyang pamilya ay ganitong karangyang buhay din ang kanyang naranasan. Kung sana lang!
Pagkatapos maligo ay dumiretso siya sa mini sala ng kwarto soot ang tuwalya. May nakita siyang isang malaking box sa may sofa. Binuksan niya ito at nakita niya ang isang damit sa loob. Meron ding card na nakalagay. Una niyang kinuha ang card at binasa ang laman nito.
“See you in the Town Hall at 9 am, soon-to-be Mrs Villareal”
-Drake
Oh my G! So it means he said yes to my proposal. D*amn! Nakakahiya! Bulong niya sa sarili.
Nahihiya man sa ginawa niya pero alam niyang ang pagkikita nila ni Drake and pinakamaswerteng bagay na pwedeng mangyari sa kanya. He had no reason to use a woman, nor did he require love and best of all, he had no shortage of women to sleep with.
Higit sa lahat, gusto niyang pagsisihan ni Alexander ang ginawa nito sa kanya! At alam niyang si Drake ang makakatulong sa kanya upang magyari iyon.
Kinuha niya ang damit sa loob ng kahon at isinuot ito. She fell in love with the dress right away. Pakiramdam niya ay ginawa ito para lang sa kanya. The dress had an off-the-shoulder neckline and flowed right down to her knees. May nakita siyang pares ng sapatos sa tabi ng box. Kinuha niya ito at sinuot.
Para sa kanya, espesyal ang araw ng kasal kaya dapat na paghandaan. Pero dahil sa nangyari kahapon, she feels getting married with Drake Villareal unprepared is an exemption.
Kinuha niya ang kanyang bag na nasa may bedside table at inilabas ang kanyang handy make up kit. Dapat kahit na parang shotgun wedding ang mangyayari at hindi sa simbahan, kasal niya pa rin ito at dapat magmukha siyang desente at maganda.
Eksaktong 8:45 ng matapos siya. Lumabas sya ng silid at napag-alaman na nasa ikalawang palapag siya ng bahay. Pagbaba niya ng living room ay naabutan niya ang kasama ni Drake kagabi.
Napansin naman siya ni Andrei na tumayo pagkakita sa kanya.
“Hello madamme! Ako po si Andrei, ang assistant ni Mr. Villareal. Ako po ang maghahatid sa inyo sa Town Hall.” Magalang na sabi ni Drake. Hindi niya alam kung matatawa siya o ano dahil sa pagiging pormal nito. Pero hinayaan na lamang na ito.
“Then lead the way.”
Habang nasa byahe sila ay hindi niya maisipang kabahan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya pagkatapos nito?
She knows Drake Villareal is a powerful man. A very powerful man. Many businessman feared him. Kapag kinalaban mo siya, isa lang ang ibig sabihin, prepare for the worst. Kaya niyang pabagsakin ang negosyo mo sa isang pitik lang.
Marami din naman ang humahanga sa kanya. She built the Villareal Corporation from scratch. She made the then almost bankrupt company of her dad to the top company in the world in a span of 5 years. And now the company does not only venture in airline, marami din itong subsidiaries at isa na dito ang Villareal Entertainment.
Kabilang na din sa mga humahanga sa kanya ang kaliwa’t kanang mga babae. Pero walang nagtatangkang magkalat ng maling balita. Lalo na at takot silang lahat sa kanya. Maling balita lang at tapos sila sa isang iglap.
“Nandito na po tayo.” Magalang na sabi ni Andrei sa kanya. Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto.
Nakita niya si Drake na may kausap. Iginiya siya ni Andrei patungo rito.
“Excuse me, Mr Villareal, we are here.”
Tumingin si Drake sa gawi niya at hindi niya mapigilang mapasinghap. Drake is really a beauty kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. She appreciate his looks pero hindi pa siya pwedeng sumabak sa bagong relasyon. Their marriage is a business for now.
“Let’s go.” Hinawakan ni Drake ang kanyang kamay habang papasok sila sa Town Hall.
Mabilis lang ang seremonya ng kanilang kasal. Pagkatapos ay nagpirmahan ng marriage certificate at hindi mawawala ang picture-taking. In just half an hour, she held the marriage certificate in her hand. She is now a married woman, not to the guy she thought will be with her forever, but to the guy she proposed marriage in a flash.
“Mr Villareal, pwede ba kitang makausap?” Lakas-loob na sabi niya ng nasa labas na sila ng Town Hall.
“Get in the car.” Sagot ni Drake habang tinatanggal ang ilang butones sa kanyang coat.
Nang nasa loob na sila ng sasakyan, kinakabahan siyang tumingin dito. Nilakasan niya ang loob bago magsalita. “Thank you for marrying me. If you need anything from me in return, please tell me, I will do anything. However, I have two simple requests I hope you can promise to abide by."
“Speak!” sagot ni Drake habang niluluwagan ang kanyang kwelyo.
"Firstly, unless you have no choice, do not reveal our relationship. Secondly, do not interfere in my personal matters. Do not worry, since we are married, I will not get overly close to another man." Lakas loob niyang sabi dito.
Pagkatapos marinig ang kanyang mga hiling, ngumisi ng bahagya si Drake. "I promise you...but, after I give you some time to tidy up your past, I want us to have a trial marriage. After 6 months, I will publicly announce our marriage."
“Thank you!” sagot niya dito.
"Also...I don't believe a married couple should live separately! I'll give you three days to pack all your belongings and move to a place of my choice. My assistant will be in touch with you." Pahabol na sabi ni Drake.
Sa isip niya, wala namang masama sa gusto nito. Since kasal na naman sila, alam niya na makatwiran ang gusto nito. Masunurin siyang tumago rito. “Okay!”
“Good.”
Pagkatapos ng kanilang kasunduan ay lumabas siya ng sasakyan nito dala ang kanyang bag. Pumasok naman si Andrei sa loob ng sasakyan at tiningnan ang kanyang boss sa rearview mirror. "President, shall we return to the office? Or would you like to return to the mansion to tell the chairman the news?"
"Follow her and report her every move to me!" utos ni Drake kay Andrei bago siya lumabas ng sasakyan.
Suddenly asking him to marry her, something must have happened!
As the president of an international entertainment agency, of course, he had heard of Tazanna before. Once a famous model in the industry, three years ago she suddenly rejected an offer from the top entertainment agency resulting in her being blacklisted. Eventually, she announced she would be signing with Starlight Entertainment and became a hot topic with the boss, Alexander de Vera.