Kabanata 4. Usap- Usapan

1659 Words
“Pompyang kuwatro” nauulinigan niya ang malakas na boses ng babae sa labas, halos kalapit lang ito ng bintana ng kuwartong kaniyang tinutulugan. Ayaw pa niyang bumangon kung kaya’t tumagilid at kinuha ang unan na sandayan at ipinatong ito sa kaniyang tainga. “Pareng Art, tataya ka ba?” malakas parin na sabi ng babaeng nasa labas. Rinig parin niya ito kahit na nakatakip siya ng unan. Nakaramdam naman siya ng inis. Gumala ang mga mata niya sa paligid at sa kabilang papag ay nakita niyang mahimbing pa na natutulog ang pinsang si Anton. Sila ang nagshe- share sa kuwartong iyon na gawa sa hollow blocks. Ang bintana niyon ay gawa naman sa kawayan na may maliliit na parisukat na butas. Wala itong kisame ngunit maaliwalas parin dahil siguro sa mga puno sa paligid. Kung sa lungsod ay hindi niya kinakaya nang walang air- con, dito ay ayos lamang. Gumaca, Quezon. Ito ang probinsya ng kaniyang ina. Kapatid nito si tito Arthur na duon din nakapag asawa at mayroon ngang tatlong anak na magkakasunod ang edad. Natawa siya sa isiping iyon 21,20,19 iyan ang mga edad nila Anton, Aljur at Emma. Nasobrahan yata sa pagmamahalan ang kaniyang mga tiyuhin pagkatapos ikasal kaya sinunod sunod na lamang. Nang minsang naitanong niya iyon sa kaniyang mommy ay sumagot naman ito na “para daw isahan na ang paghihirap”.LOL. Hindi mawala sa isip niya na baka dahil malamig nga ang panahon sa probinsiya at hindi sila gaanong busy. Kung ano ano pa ang naglaro sa kaniyang isipan nang matuon ang pansin sa pinagu- usapan sa labas na kanina ay pinipilit niyang hindi intindihin. “May kumuha kagabi sa mga biik na alaga nila Helen, dose yun ah. Ngayon sampu na lamang” ito parin ang boses nang babaeng nagpapataya. “Ay, wala bang nakakita sa kumuha?” curious na tanong naman ng kaniyang tiya Julie. “Hindi nga namukhaan e pero yung anak ni Helen, nakita na parang matanda daw na papalayo” sagot nito na lalo pang tumaas ang tono. Mga chismosa nga naman oo, ang aga- aga. “Baka naman si Aling Huling?” boses iyon ni tiyo Arthur. Kung tama ang pagkakatanda niya ay ito ang lola ni Helena na sinabi ng mga pinsan na aswang at mambabarang. “Ay baka nga, matanda e. Sino pa ba dito ang gagawa noon? Sila lang naman ang ilap sa mga tao” sagot ng babae. “’wag tayo basta basta mag- bintang hanggat hindi pa nahuhuli” marahan namang wika ng kaniyang tita na sa tingin niya ay nagwawalis rin dahil rinig niya itong nagpapatuloy sa pagwawalis. “’Kupo! Sa susunod baka mga bata na ang kunin nun, jusko nakakatakot talaga” malakas na sambit ng nagpapataya sa jueteng. “E ano na daw ang plano sa mga biik?” tanong ng kaniyang tiyo. “Ayun nga naghahanap ng mamimili at inaayos na nila ang kural. Kawawa yung inahin e may mga kalmot. Ay ano pala ang taya mo? Ang paya ko ay dies, dies na lang yung biik e” sagot naman ng babae na tila paalis na rin. Mosang talaga oo, iniisa isa siguro ang mga bahay at nagpapalaganap ng tsismis. “Sige, dies beinte kuwatro. Ito limang piso lang itataya ko ha, tumbok” narinig niyang wika ng tito niya. Hindi naman niya iyon naiintindihan. Tumayo na rin siya at tumungo sa banyo. Habang umiihi ay naalala nanaman niya ang kaganapan ng nakaraang gabi. Hindi kaya yung parehong nilalang na nakita niyang tumakbo papalayo ay ang kumuha sa mga biik? Pero mabilis ang nilalang na iyon, matanda na ang lola Huling hindi ba? Tsismis nga lang siguro baka kung sinong baliw ang kumuha non. A las cinco pa lamang ay nagising na si Helena nang araw na iyon. Tumungo siya sa kusina, nagpainit ng tubig at nagtimpla ng kape. Ang natira ay isinalin niya sa thermos para sa pag- gising ng matanda. Himala at hindi parin gising ang kaniyang lola.Siguro ay napuyat sa pagdarasal kagabi. Kadalasan ay gising na ang matanda a las kuwatro pa lamang, maririnig na niya ang pagpukpok nito sa nganga at ang simoy ng kapeng barako. Ngayong araw ay gagawa siya ng atchara. Pagkatapos maghilamos ay kumuha na siya ng bayong , nagtaklis ng itak at tumungo sa kanilang taniman ng papaya. Malamig pa ang hangin sa labas at sa bawat paghakbang niya ay dumadampi sa kaniyang paa at binti ang mga hamog ng d**o. Naga awitan ang mga ibon sa paligid, naririnig niya ang pagaspas ng kanilang mga alagang manok na bumababa na sa mga punong pinaghapunan ng mga ito ng buong gabi. Napangiti si Helena. Kay ganda ng araw na iyon, napaka aliwalas at namamasdan na rin niya ang unti unting pagsikat ng araw sa silangan. Tatlong hilera lamang ang tanim nilang papaya, bawat hilera ay lima ang punong nakatanim. Hitik ang mga ito sa bunga kung kaya’t lingo linggong nakakakuha siya ng pang atsara, pang gulay at pahinugin. Sa susunod nga ay aaralin ko ang paggawa ng papaya soap wika niya sa sarili. Marami siyang naiisip at wala namang tutol ang kaniyang lola. Basta’t mailalagay daw niya iyon sa merkado ay gawin na niya ang lahat ng kaniyang gusto. Napapatawa pa nga ito minsan Helena, sa dami mong gustong gawin kukulangin ang beinte kuwatro oras sa iyo. Mamukat mo tatanda kang dalaga niyan biro nito sa kaniya. Tanggap naman na niya ang ideya na baka hindi siya magka- asawa dahil narin walang naglalakas ng loob makipag kaibigan o kausapin man lamang siya. Napabuntong hininga na lamang si Helena habang naglalakad pauwi. Sa daan ay nasipat niya ang isang punso. Naglakad siya sa palibot niyon at ngumiti. Kapag sinusuwerte ka nga naman. Heto at may kumpol ng kabute siyang nakita. Pinaglalagay niya agad ang malalaki sa kaniyang bayong at babalikan na lamang niya bukas ang maliliit pa. Maige rin itong sabawan. Nang makauwi ay hindi parin bumababa ang kaniyang abuela. Napakunot noo siya at sinabi sa sariling kung hindi pa ito magising nang alas siete ay aakyat na siya sa kuwarto nito. Nag umpisa na siyang magbalat ng mga papaya pagkatapos ay ginadgad ang mga iyon at ibinabad sa tubig na may asin. Iiwanan niya ito nang ilang oras para mawala ang pait at kati ng papaya saka ito pipigain. Nang matapos ay nag saing na muna siya at nagwalis sa paligid. Umakyat siya sa kuwarto ng lola dahil hindi parin ito bumababa. Nadatnan naman niya itong tulog na tulog pa. Sa tabing lamesa ay naroon ang nganga na hindi pa nauubos. Marahil nagising ito ng madaling araw at hindi nakatulog agad. Hinayaan na lamang niya at bumaba na. Marami siyang labahin kung kayat iginayak niya ang mga kagamitan at tumungo na siya sa balon upang maglaba. Gumising na rin ang mga pinsan ni Eros at nang makaluto nga ng umagahan ay kumain na sila. Ginisang sardinas na may talbos ng kamoteng bagin at tokwang pinirito na may sawsawan na toyo- kalamansi ang ulam nila ng umagang iyon. Mananaba yata siya sa pananatili dito. Masyadong masarap ang mga pagkain pwera sa ahas kagabi. Maagang umalis ang kaniyang tito at tita papunta sa bayan dahil nagdala ang mga ito ng kalakal. Ang pinsang si Emma ay maaga pa lamang nangangapit bahay na. Naiwan na lamang siya at ang mga pinsang lalaki na sila Aljur at Anton na naglalaro ng games sa mga cellphone. Nababagot siya at bigla niyang naalala ang dalagang si Helena at ang pagpunta sa balon. Nagpaalam siyang pupunta sa poso para mag laba narin ng mga marurumi niyang damit. Tumango lamang ang mga pinsan na mukha namang walang pakialam kahit umalis siya. Kabisado na niya ang lugar lalo na ang daan papunta sa balon. Kumuha siya ng planggana at sabon. Pasipol- sipol pa siya sa daan, walang pang itaas na damit na tinungo ang labak. Napangiti nanaman siya nang malayo palang ay nakita niya ang dalagang nakatungo at abala sa pagsasabon ng mga damit. Talaga nga namang umaayon sa akin ang tadhana! Dahan dahan siyang bumaba sa sementadong mga baitang pababa. May mga batong nakaayos naman sa harap ng balon para sa mga naglalaba o naliligo pero halos kalahati niyon ay okupado ni Helena. “Good morning Helena, ang sipag mo naman. Maglalaba rin ako” kaswal na wika niya habang nakangiti at inilalapag ang dalang planggana. Napapitlag ang dalaga at nag angat ng tingin. Ngumiti ito na bakas sa mukha ang pagka asiwa. Inisod nito ang ilang mga gamit para bigyan siya ng espasyo. “Good morning den” sagot ni Helena na nag focus na sa paglalaba. Maya maya ay nagtanong ito. “Bakit dito ka pa dumayo? Hindi ka ba sinabihan na huwag makipag usap sa akin? ” nakatitig sa kaniyang wika nang dalaga. Siya naman ay kunwang hindi alam ang sinasabi nito at napakunot ang noo. “Madumi ang poso dun e at saka makati, nasabihan nga nila ako na nakakatakot daw ang lola mo pero gusto ko lang naman makipag kaibigan” sagot niya habang kumukuha ng tubig sa balon. Natigilan ang dalaga. “Hindi ka naniniwala na aswang ang lola ko?” seryosong tanong nito na diretsong nakatingin sa kaniya. Tumitig rin naman siya dito at umiling. “Mga kathang isip lang nila yun, gawa- gawa ng malilikot na isip ng mga tsismosa. Maniniwala lang ako kapag nakita ko mismo” tapat na sagot niya. Hindi naman talaga siya naniniwala. Panahon na ngayon ng makabagong teknolohiya. Ano pa ang ilulugar dito ng mga aswang hindi ba? Pulis ang tatay ni Eros. Masasamang tao lang ang pinapaniwalaan nito. Tumitig sa kaniya ang dalaga at unang beses niya itong nakitang nakangiti na abot sa mata. Wala siyang masabi, tila tumigil ang pag- martsa ng oras. Nalunod siya sa mga matang mapupungay ng dalaga. Maputi ang pantay nitong mga ngipin at hindi niya namalayang nakangiti na rin pala siya. “Ehem!” sabay silang napapitlag nang marinig ang tinig na nanggagaling sa likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD