Kabanata 3. May Tahimik na Nagmamasid

1700 Words
Natapos ang masarap na gabihan ng mag- lola. Hindi makahingang napatayo si Helena sa dami nang kinain. Kapag gano’ng may sinugbang tuyo ay halos maubos niya ang laman ng kaldero, samahan pa ng laing na nagmamantika. Nang sasandok pa sana siya nung huli ay tinampal ni lola Huling ang kaniyang kamay. “Hoy Helena!” Sa pagitan ng pag- kain ay nagsasalita ito, mataas ang boses na natural na sa matanda. “Baka naman bangungutin ka niyan mamaya. Dahan dahan lamang at tirhan mo ang pusa mo, baka tinik ang ibigay mo ay ano pang mau- ut ot niyong sustansya sa tinik! Ayos lamang mag- alaga nang pusa basta’t papakainin mo!” wika niyon. Napangiti naman siya, dati ay ayaw na ayaw ng kaniyang lola sa pusa pero nang may iniuwi siyang kuting na itinapon ng kung sinumang taga barangay ay hindi naglaon at nagustuhan na rin ito ng kaniyang lola, ito pa nga ang laging nakaka- alala at ‘pag kumakain sila ng karne ay binibigyan ito ng isang hiwa. “Inang naman ayos na yun si Olgrey, manghuhuli yun ng daga” pabirong sabi niya. “Ay sige kung iyan ang gusto mo, manghuhuli yun at buhay pang dadalhin sa iyo mamayang gabi habang natutulog ka” wika nitong pakumpas- kumpas pa. Natatawa naman siyang tumigil na sa pag- kain at inayos ang pagkain ni Olgrey, ang pusang kulay Gray. Hindi pa niya naririnig ang ngiyaw nito kaya paniguradong kung saan na naman ito gumagala. Maraming tibalbak, butiki, palaka at daga sa paligid. Ilang beses na siyang dinadalhan nuon at gayun na lamang ang kaniyang pandidiri kaya ang lola niya ang laging nagtatapon ng mga regalo ng pusang ito. Hindi na rin siya halos mahal ng pusa. Lagi itong nasa tabi ng kanyang lola, naririnig naman niya ang matandang kinakausap ito na parang tao. Humihilihid lamang sa kaniya ang pusa kapag nagugutom pero hindi siya nilalambing. Hay, pusa na nga lang inaayawan pa ko. Lahat na lang umiiwas sa akin. “Inang bakit mo nga pala kinakausap si Olgrey, hindi ka naman po naiintindihan nun?” tanong niya dito. Nagligpit na ng kinainan ang matanda at nagpupunas ng lamesa “Ang pusa kasi sabi nung mga panahon ng matatanda, ipinagdadasal tayo niyan” mabagal at madiin na sabi nito sa kanya. “Ipinagdadasal ho? Papaano naman yan magdadasal inang, kayo talaga!” natatawang sagot niya. Pusa iyon e , ano pang alam nun diba? “Hay naku, maniwala ka na lang sa akin kasi buhay iyan, humihinga kaya may espiritu din ang pusa. Kapag may nagkakasakit nang malubha, unang namamatay ang pusa, taga- salo ‘yan e. Ipinagdadasal pati niyan na bigyan tayo ng pagkain para mabigyan rin natin siya ng masarap. ” sagot nito. Ngayon lang niya narinig iyon pero kung totoo nga e magdadala pa siya nang magdadala ng pusa pag mayroon mang iniligaw. “Inang ayaw ko pong mamatay si Olgrey” sagot niyang bahagyang nalungkot. “At sino ang gusto mong mamatay, ako?” sagot ng matandang namimilog ang mata. Natawa siya bigla. Palagi nalang talagang comedy ang kaniyang lola. “Ayaw ko po, sabay sabay nalang tayong lahat” wika naman niya. Hindi niya ma- imagine ang buhay kapag wala ang kaniyang lola Biglang nagseryoso ang matanda. “Helena, making ka sa akin hija. Ang mundo ay hindi dapat tumigil kapag nawala na ako. Lalo na ang mundo mo na nagsisimula pa lamang. Ang pangarap ko nga para sa iyo ay magkaroon ng normal na pamilya. Pero, kung ayaw mo, dun ka nalang kung saan ka sasaya. Masasabi ko lang na minsan kahit na kaya mong gawin ang mga bagay na mag- isa, mas mainam parin na may kasama kang magbuhat ng iyong pasanin” mahabang payo nito. Marami na itong naipapayo sa kaniya at isinasapuso niya iyon. Sana lang talaga ay kayanin niya kapag nawala na ito. Pagkatapos mag- saran g mga pintuan at maglinis ng sarili sa palikuran ay umakyat na si Helena. Ang kaniyang abuela naman ay pumasok sa maliit na kuwarto sa itaas. Pabagsak siyang humiga sa malambot na kama. Gawa iyon sa bunga bulak na matiyaga nilang mag- lola na kinolekta at inalisan ng buto pati narin ibinilad ng matagal. Maraming bulak sa kanilang lupa at sa tuwing tag- init, gawain na nila iyon. Naibebenta narin nila ang ilan sa mga ito na unan. Preskong presko ang kuwarto niya. Sa gilid ay may gasera, marami ring kandila na pang reserba niya. Lumamig bigla ang kuwarto, tila hinampas ito ng hangin na nagpanginig sa dalaga. Kinuha naman niya ang kumot at pilit na pumikit. Tantiya niya ay mga alas otso pa lamang ng gabi pero ninais na niyang matulog. Narinig niya ang pag- galaw ng lola sa kabilang kuwarto, marahil ay matutulog na rin ito. Unti- unti na siyang nahulog sa mahimbing na pagkakatulog. A las otso na , ngayon pa lamang tumawag ang kaniyang tita Julie sa kusina. Kakain na raw. “Ang sarap naman ng ulam!” wika ni Anton. Napatitig naman siya sa mga nakahain na putahe. Mayroong kanin, karne na hindi niya alam at sabaw na mayroong kabute. “Ano po iyang karne, tita?” tanong niya. Napatigil naman ang kaniyang tiya at timingin sa asawa nitong umupo narin sa hapag- kainan. Hindi ito sumagot bagkus ay ang sumagot ay ang kaniyang tiyo. “Karneng manok lang yan na iba ang pagkakaluto, may gata at luyang dilaw” sagot nito saka kaswal na sumandok ng kanin at ulam. Napatingin siya sa mga pinsan, mga nakatungo lamang ang mga iyon at tila abala sa pag- kain. Nang tumingin siya kay Emma ay nakangiti lang ito sabay subo ng kanin “Masarap ito kuya Eros, tikman mo na. Luto namin ni mama” masayang wika nito. Hindi parin nagtataas ng tingin ang ibang mga pinsan. Marahil ay mapagkakatiwalaan naman niya si Emma at ang tito niya kaya sumandok narin siya. Humigop ng sabaw ng kabute at kumuha ng putaheng kulay dilaw. Pagkakagat niya ay sabay sabay tumingin ang mga kasama sa bahay , hindi na lamang niya pinansin at kumain na lamang ng kumain dahil masarap ang pagkakaluto dito. Nagtaka nga lamang siya nang ilang beses na siyang kumukuha ng parte ay tila pare- parehong part ang nakukuha niya, pareho rin ang mga buto nito. Nang halos nakaka limang tipak na siya ay saka nagsi- ngisihan ang mga pinsan at kaniyang tito at tita. “Eros, masarap ba ang manok?” tanong ni Anton na ngayon ay tawa na nang tawa. Ngayon ay kumbinsido na siyang niloko siya ng mga ito. Paniguradong hindi iyon karne ng manok. “Anong karne po ang kinain ko?” tanong niyang hindi na mapakali sa nakangiting tiyuhin. “Ahas yan kuya, ang sarap diba?” tugon naman ni Emma na nagngangatngat pa ng tipak ng karne. Napangiwi siya sa narinig. Ahas? Kumain siya ng ahas? So gross! “Hala tito baka naman po ma- lason ako sa kamandag ng ahas!” natatarantang sabi niya. Nawala ang angas niya dun ah! “Huwag kang mag- alala, nakakain yan at hindi yan endangered” sagot ng tito niya. “Ang tanong masarap ba?” nakangising tanong naman ng kanyang pinsang si Aljur “Masarap naman pero tama na ko sa limang tipak” sagot niya. Pinilit na lamang niyang ubusin ang kanin na nandun at sinamahan iyon ng sabaw kabute. Tumungo na siya sa lababo at nag- sipilyo. Nakaramdam naman siya na tila naiihi kaya agad na pumasok sa banyo. Duon ay tila umalinsangan ng sobra at may naririnig siyang kaluskos sa labas. Marahil ay aso. Ngunit tila malapit lang ito at naririnig pa niyang kinikiskis ang tila kuko sa kahoy na dingding ng banyo. Ang banyo ay kalahating semento at kalahating kahoy ang itaas. May mga siwang sa pagitan nuon na hindi kalakihan pero sapat upang makasilip ka sa labas. Ganun na lamang ang kaniyang pagka- gulat ng mapansin ang maliit na aninong nanakbo palayo. Sino naman kaya iyon at gabing gabi na ay nananakbo pa. Grabeng gwapo ko na yata at may chikababes na sumisilip pati sa pag- ihi ko. Pagpapalubag loob niya sa sarili. Ayaw niyang aminin na natatakot siy. Hindi na lamang niya iyon sinabi sa mag- anak na ngayon ay tawa pa nang tawang nagkukuwentuhan. Nabinyagan daw ako at kung ano ano pa. Pumasok siya sa kuwarto. Kinuha ang nakacharge na cellphone at nag- check ng messages. Inupdate niya ang kaniyang ina at nakitang nag- message rin si Andrea, ang kaniyang kaibigan na ang tawagan nila ay bes pero parang hindi naman talaga sila mag best friend. Sobrang daming messages nito at sa totoo lamang ay ayaw na niyang basahin ngunit hindi sinasadyang nabuksan iyon. Hi! How are u?1 Good morning How’s ur day? Take care J Nireplyan na lamang niya ng, I’m good. I hope your’re doing well too. Take care always bes Saka niya pinindot ang mute button ng kanilang conversation. Hindi naman sa ayaw niya sa dalaga. Ang kaso ay naiinis siya dahil marami itong nakakausap rin na mga lalaki na tila pinaglalaruan lang nito ang feelings nila. Hindi siya mafo- fall sa babaing iyon kahit pa cute ito at chinita. Marami na iyong naging ex at medyo red flag para sa kaniya ang ganun. Kung hindi ka nagtatagal sa relationship e baka may mali sayo , diba? Mag- isa siya sa kuwartong iyon nang nakaramdam nanaman siya ng tila pag- alinsangan. Maya maya pa ay ang tila pag bagsak ng pusa sa bubungan. Ano naman ang gagawin duon ng pusa? Binuhay na lamang niya ang electric fan at nagbukas ng game sa cellphone. COC, matagal na ito pero paminsan minsa’y binubuksan parin niya dahil ang mg aka- team niya ay pamilya niya at ilang kaibigan. Umiinit parin nang umiinit ang kaniyang pakiramdam. Itinigil niya ang pagce- cellphone, naghubad ng pang itaas at nahigang nakatitig sa bubong. Duon ay nakikita niya ng imahe ni Helena nang magkalapit sila kanina. Napangiti siya at nagpagulong- gulong sa kama na tila hindi mapakali. Kinikilig nga yata siya. Bukas, pupunta ulit ako sa balon. Baka makapag- kuwentuhan kami at ayain niya ako sa bahay niya hihi Nasasabik ang binata sa isiping iyon. Ilang sandali ay tuluyan narin siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD