Kabanata 2. Eros, ang Mestizong City Boy

1418 Words
Eros' POV Napaigtad siya ng makarinig ng kaunting kaluskos na nanggagaling sa likuran , sa kabila ng ilog. ‘Pag di ka nga naman sinusuwerte! Yung magandang babaeng nakita namin kanina. Bigla namang sumagi sa isip niya ang sinabi nang kaibigan na huwag itong tingnan o kausapin man lang. Napansin niyang napatitig lang rin ang dalaga at napahinto sa paglalakad. May dala- dala itong malaking galon na lagayan ng tubig. Napakunot ang kaniyang noo. Bakit siya ang gumagawa ng mabibigat na gawain na iyon? Wala ba siyang tatay o kapatid na lalaki? Tanong niya sa sarili, ayaw rin naman niyang magtanong. Baka sabihin nito feeling close siya. Nag- iba na siya ng tingin at nagfocus na lamang sa paghihilod. Nangangati siya. Maghapon silang pagala- gala at tila gustong- gusto siyang kagatin ng mga insekto sa lugar na iyon. Naligo sila ng mga pinsan niya sa poso malapit sa bahay ng mga ito ngunit hindi siya mapakali dahil amoy kalawang ang tubig doon. Nang matapos nga ang mga pinsan ay nauna na ang mga ito. Siya ay naiwan at nang mawala sa kaniyang paningin ang mga pinsan ay pumuslit nga siya at naglakad patungo sa labak at pababang nagtungo sa balon na may kahoy na sign na “Pang- ligo” malaki ang balon at ang linaw ng tubig na bumubukal rito. Sa kabilang balon ay may sign na nakasulat: “INUMIN”, may takip rin ito at trapal na nagsisilbing bubong. Dahil masunurin naman siya ay sa pang ligo siya naligo siyempre. Lumiban ang dalaga sa tulay na kawayan. Hindi na lang niya iyon tinitigan, kunwa ay walang paki at todo lamang kuskos sa sarili. Nagsasadlok na ito sa balon, nakapa sideview sa kanya. Gagi, pre. Side profile palang nakakamatay na. Natural beauty men, hindi gaya sa lungsod na puro makapal na make- up ang mga babae. Pano ba ako magmu move dito? Tanong niya sa kaniyang isip. Matangkad ang dalaga at slim ito. Katawan na gustong- gustong ma achieve ng mga taga siyudad. Hindi naman nakakagulat dahil nasa probinsya ito at healthy living sigurado ang dalaga. Napansin niyang natapos na itong magsalok ng tubig sa galon. Nang napatingin siya dito ay nagkataon naming sumulyap rin ito sa kaniya. Ngumiti siya. Ngiting alam niyang tutunaw sa dalaga. Chinito siya at maputi, mayroon rin siyang braces. Natigilan naman ang dalaga at unang umiwas ng tingin , hindi man lang ito ngumiti. Wala na yatang talab ang charm niya. Nadismaya siya ng bahagya at akmang magbubuhos na lamang ng tubig ng makitang na out of balance ang dalaga at napa- upo ito sa batuhan. Gayon na lamang ang gulat niya at mabilis siyang lumakad papunta dito at itinayo iyon. Ngayon ay nagkatitigan sila ng malapitan. Nabihag na yata ng dalaga ang puso niya, napakaganda nito sa malapitan. Makipot ang mga labi, chubby cheeks, bahagyang bilugan ang mga mata at maganda ang arko ng kilay nito. “S-ssalamat” wika ng dalagang biglang nagyuko. “Walang anuman, mag doble ingat ka. Parang hindi yata tama na ikaw ang nagbubuhat ng mabigat na galon na kagaya nito, kung hindi mo ikasasama e ihahatid ko na sa inyo” suhestiyon niya. Gentleman naman siyang pinalaki ng mga magulang sa siyudad kahit hindi niya kilala ay kaniyang tinutulungan. “Ah hindi na. ayos lang naman ako. Tsaka magaan lang iyan, nadulas lang talaga ako” wika nitong nakababa parin ng tingin. “I insist, kung gusto mo ililiban ko lang diyan sa tulay” sabi niya. Hinawakan niya ang galon kahit na hindi pa ito tumatango. Agad niya itong iniliban ng tulay at saka bumalik. Nakatingin lang sa kaniya ang dalaga na hindi gumagalaw “Ayos na, sana hindi masamain ng lola mo ang pagtulong ko” saad niya. Ayaw niyang mapahamak. Tumango ang dalaga at bahagyang ngumiti. Naglakad na rin ito. “Eros ang pangalan ko” dugtong niya. Kahit hindi siya tinatanong nais na niyang malaman nito ang pangalan niya. Helena’s POV Tila lulubog siya sa lupa ng madulas at mapaupo siya sa batuhan. Lubhang nakakatunaw ang mga ngiti ng lalaking dayo. Wala itong damit pang itaas at nangingislap ang katawan sa tubig. Iwas na iwas ang mga mata niya dito. Nang tulungan nga siya nitong tumayo ay nasamyo niya ang napakabangong sabon o shampoo na gamit nito. Nahihiya siya dahil alam niyang amoy- usok na siya. Hindi na nga niya napigilan ito nang kunin ang galon. Ang nagawa na lamang niya ay pagmasdan na lamang iyon. Itinawid nito ang galon, napangiti pa siya ng makitang nabibigatan ito. Hindi sanay sa pagbubuhat wika niya sa kaniyang isip. Nang paalis na siya ay ihinabol pa nito ang pangalan. Hindi niya alam kung sasagot ba siya pero pinili na lamang niyang hindi sumagot dito at nagmadali nang lumakad pauwi. Nakauwi si Eros na malawak ang ngiti. Bihis na sila Anton at nanonood ng basketball kasama ng kaniyang Tito Arthur at Aljur, isa pa niyang pinsan. Ang mga ito ay nasa sala samantalang nasa kusina naman ang kaniyang tita Julie at pinsang babae na si Emma. Kumuha siya ng malinis na damit mula sa bagahe at pumunta sa CR upang magpalit. Napapangiti parin siya at panaka nakang pumi- pinta sa kaniyang isipan ang mukha ng dalagang nakita sa may balon. May drum sa CR na puno ng tubig at bago magbihis, hinugusan pa niya ang binti at pang bahagyang nadumihan nang papauwi. Lumabas siya at nakitabi sa mga pinsang lalaki. “Natagalan ka yata?” tanong sa kaniya ni Anton. “Papaano’y nangangati ako. Daming- daming kumakagat sa akin dine” sagot niya na nakatawa. “Ay papaano, napaka nipis ng balat mo. Ilang araw pa e kagaya narin yan ng balat ni Anton. Balat kalabaw” sabi naman ng kanyang tito Arthur na humagalpak pa kakatawa. “Teka nga naikuwento sakin na nakita niyo daw si Helena kanina?” pagu usisa naman ng kaniyang tito. Kakakita ko lang talaga mga sampung minuts palang ang nakakaraan haha! Sabi niya sa kaniyang isip “Opo tito” sagot naman niya Siniko siya nito. “Maganda ba?” Napatingin naman siya sa matanda na malawak ang ngiti. “Mas maganda pa sa maganda tito. Parang nakita ko kanina ang itsura ng magiging asawa ko” sagot niyang malapad narin ang ngiti. Binatukan naman siya ni Anton. “Huy lover boy, nalimutan mo na yata ang sinabi namin sa iyo kanina” sabi nito “Hindi naman totoo ‘yun”sagot niya. “Hijo, mas maige na ang nagi-ingat. Umiwas ka nalang kesa ikaw pa ang susunod na maging biktima” tiim bagang na sagot ng kaniyang tiyuhin. **** Isinalin ni Helena ang inigib na malinis na tubig. Kumulo naman ang kaniyang tiyan nang maamoy ang niluluto ng kanyang lola. “Inang nakakagutom naman ‘yan.” Saad niya. Naupo siya sa upuang gawa sa kawayan. “Ako nga’y nagugutom na rin. Tamo at nagsugba rin ako ng tuyo. Magtadtad ka maya-maya ng bawang at masarap yan isawsaw sa sukang me bawang” sabi ng matanda. Tumango naman siya, ito ba ang sinasabihan nila nang aswang. Nagsa-sawsaw nga sa suka na may bawang. Ni minsan ay hindi naman niya tinanong ang abuela tungkol dito. Hinayaan na lamang nila ang usap- usapan. Maige yun at walang nakikipag close sa kanila. Iwas sa mga taong mahilig mangutang at manghuthot. Marami silang pananim at hindi naman sa pagiging makasarili pero sanay ang mga tao sa kanilang lugar na manghingi ng manghingi. Naririnig na niyang naghahapunan (lumilipad sa taas ng puno) sa mga puno ang mga alaga nilang manok pati ang tunog ng mga ibon at insektong pang gabi. Tuluyan nang kumalat ang dilim. Bigla naman ang tila pag ihip ng malamig na hangin. Napakiskis ang kamay niya sa mga braso. Tumingin sa paligid. Hindi kalakihan ang bahay nila pero disente at maayos ito. Dalawang palapag, sa itaas ay may tatlong kwarto. Isang katamtaman ang laki ay sa kaniyang lola at isa naman sa kaniya. Ito ang pinakamalaki sa lahat. Isa naman ay kuwarto na nandun ang mga libro at maaari duong magbasa. Mayroon ding altar dito. Sa ibaba ay ang kusina, sala at malaking space na may mahabang lamesa at tatlong cabinet.Sa mga cabinet na iyon nakalagay ang ilan sa mga produktong ipinagbebenta nila. Sasag na kawayan ang dingding kung kaya’t maaliwalas dito. Tumayo na siya at nagtadtad ng bawang, kumuha ng dalawang sili at suka. Ihinanda na niya ang mga plato at kubyertos. Kumuha na rin siya ng tubig. Napatigil siya duon, naalala niya ang binatang mestizo. Eros
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD