Kabanata 18. Harana

1735 Words
Nakita ni Eros na nagkatitigan ang kaniyang tito at tita. “Lola, makakaasa po kayo wala po akong gagawing makakasama para kay Helena.” Pagsi-sigurado niya dito. “Huh, talaga lang! Hindi man ako aswang ay mas matakot kayo sa akin kaysa sa tunay na aswang. Nakakapag isip ako ng maayos at para kay Helena, mamamatay muna ako bago mapahamak iyang apo ko.” Nakataas ang kilay nitong sambit habang ngumunguya. Iniisa- isa sila ng malalim na tingin ng matanda. “Naiintindihan po namin lola Huling, ganun rin po kami sa aming pamangkin. Mga bata pa sila kaya kailangan ng gabay nating mas nakatatanda.” Seryosong wika ni tito Arthur. “Ito naman pong si Eros, mabait pong bata iyan at masipag. Matalino rin po at kaka-gradweyt lamang.” Singit naman ng kaniyang tita. “Ramdam ko namang mabuting bata iyang pamangkin niyo Arthur, Julie kaso ay kung ang aking si Helena ang makakatuluyan, malaki ang kaibahan nito sa kaniyang nakasanayang buhay kaya marami pa siyang dapat patunayan sa apo ko, hane?” ngayon ay bahagyang sumigla na ang mukha nito. Moody talaga! “Oo naman lola Huling. Ngayon po ay malalaman ng ating mga kababaryo na hindi kayo masama” nakangiting wika ng kaniyang tita. “Naku huwag niyo munang ipagsasabi ito Julie. Ayaw rin naming makisalamuha sa kanila baka mas lalo lamang gumulo ang lahat. Alam mo naman malawak ang aming lupa, ‘pag nalaman nilang hindi kami dapat katakutan baka ang mga lalaking sirau*lo dito kung anong gawin sa apo ko. Lagi iyang nagi-isa. Hayaan niyo na muna.” Mariing wika ng matanda habang umiiling iling. Naiintindihan niya ang pinupunto nito. Oo nga naman, hindi na maga-atubili ang mga kalalakihan na manguha ng produkto sa kanilang lugar at lalo pa maganda si Helena. Baka ma-r*ape ito. Hindi ko hahayaan! Tumango-tango ang kaniyang mga kasama. “Tama nga po kayo lola Huling. Susundin po namin iyan” sambit ng kaniyang tiya. Natapos silang kumain at nagpaalam na ang kaniyang tito. Pinadalhan pa nga ng matanda si tita Julie ng atsara at ng mga natipuhan nitong bulaklak sa hardin. Tuwang-tuwa ang kaniyang tiya sa mga bagong halamang maitatanim. Ngayon ay nakalagpas na siya sa unang pinapagawa ng matanda. Kinapa-kapa niya sa bulsa ang bagay na kaniyang pinaka-iingat ingatan. Nandun iyon kasama ang pangontra na nasa isang maliit na supot. Mamaya nga ay maipapakita na niya ito kila Helena. Kinakabahan na siya sa susunod pang ipapagawa ng matanda. Sana huwag umakyat ng puno ng niyog! Sana huwag umakyat ng puno ng niyog! Ulit ulit niya sa kaniyang isip. “Aling Huling, salamat po sa pagtanggap sa amin ngayong hapon. Mauuna na po kami ni Julie, magtatanim pa siya para gumanda rin ang aming harapan" paalam ng kaniyang tito na nakatawa. "Sige, magi ingat kayo Arthur" kita ang ilang pirasong ngipin na ngumiti ang matanda saka kumaway. “Oh Eros, sasabay ka na ba samin o mamaya ka na uuwi?” baling naman nito sa kaniya. “Dito po muna ako tito” sagot niya. “Oh sige, pero dito na rin muna si Anton para may kasama kang umuwi. Anton mauuna na kami” saad naman ng kaniyang tita saka sumibat ang mga ito. Si Anton ay tatawa-tawa sa kaniyang gilid. “Oh bakit ka naman pa-tawa tawa diyan?” mahinang tanong niya rito. “Idol kita insan, magaling ka talaga sa chicks!” “Manahimik ka nga! Good boy to. Halika na sa loob” yaya niya rito. Naga- ayos na si lola Huling ng mga mustasa. Nakita niyang nilalagay iyon sa mga plastic container. Narinig niya kaninang magbu- buro ito ng mustasa. Hindi pa siya nakakatikim pero mukhang mapait. Si Helena naman ay naghuhugas ng pinggan. Si Anton ay naiwang nakatanghod sa matanda na inuumpisahan narin itong kuwentuhan ng kung ano ano. “Helena, tulungan na kita” ngumiti ang dalaga. “Ayos na kaya ko na ito” saka kumadlo ng tubig sa drum. Pansin niyang kakaunti na ang laman niyon kaya kusang kinuha niya ang baldeng walang laman sa gilid. “Ipagi igib kita ha” saad niya saka mabilis na umalis para hindi na ito umangal. Habang tinatahak ang daan papunta sa balon ay napansin niya ang pigura ng dalawang tao. Nang makalapit ay nakasalubong niya si Joey at si Junnyboy. Muntik na siyang mapa-hatsing sa tapang ng pabango ni Joey. Nalito ang kaniyang utak kung mahihilo muna o mababahing sa naamoy. Nangingislap rin ang buhok niyon na akala mo’y hinimod ng kabayo. Tigas na tigas iyon. Siguro’y inubos ang pomada ng lolo niya. Nakasuot ito ng pormal at may hawak pang rosa sa kamay. Nakita naman niya sa likod nito si Junnyboy na malaki ang ngiting may dalang gitara. Mangha-harana siguro. Huh!asa pa, panigurado tunog palaka naman ito. “Magandang araw karibal ni Boss Joey!” bati nito. Si Joey ay nakatingin lamang sa kaniya. Wala sa kanilang dalawa ang nagbibigay daan. “Magandang hapon sa inyo mga tutoy” saka siya ngumiti. Maigi nang malaman ng Joey na itong bata pa siya. Nakita naman niyang tila naningkit ang mata ni Joey. Sige lang hanggang mag init sa galit ang mga tainga mo. “Sige po, una na kami ni boss” sila Junnyboy na lang ang gumilid ng daan sa may damuhan. Pang isahan lang ang daan sa gubat. Hindi talaga siya natinag. Naglakad na lang siya ng makalagpas ang mga ito. Panira ng mood! Naiinis man ay kinompose nalang niya ang sarili nang malapit nang makabalik mula sa pagi-igib sa balon. Naabutan niya sa labas sila Joey at Junnyboy. Nasa terasa naman si Helena sa second floor na tila hiyang-hiya. Si lola Huling ay nasa hindi kalayuan dito na masayang nakikinig kay Joey. Maayos naman ang boses nito para lang namang pilit na kabayong humahalingling. Nais niyang matawa sa naisip, pero sa respeto na din ay nanatili siyang tahimik. Halos nangangalahati na ito sa pag kanta. Ibinaba niya muna ang balde at naghintay matapos. ~~~ Mayron pang dalang mga rosas Suot nama'y maong na kupas At nariyan pa ang barkada Naka-porma naka-barong Sa awiting daig pa ang minus one At sing-along Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana Para sa'yo Di ba parang isang sine Isang pelikulang romantiko Di ba't ikaw ang bidang artista At ako ang 'yong leading man Sa istoryang nagwawakas Sa pag-ibig na wagas Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana Para sa 'yo Helena… Natapos na rin! Baka umulan mamaya hays. Wala pa naman kaming payong pumalakpak naman ang matanda at rinig pa niyang nagsasabi itong ‘magaling’. Nakita rin niyang nakangiti na si Helena at ginaya ang matandang pumalakpak rin. Nagmamadali niyang binuhat ang balde at lumapit. “Mga tutoy baka makakahiram ako ng gitara.” Inilahad na niya ang kamay kay Junnyboy para hindi ito makatanggi. Nakakunot noo naman si Joey. “Bakit hindi ka nagdala ng sarili mong gitara?” Matapang na tanong ni Joey. Nanahimik rin sila lola Huling sa itaas at lumabas ng bahay si Anton. “Well hindi ko naman pinlano, kaya nga nagtatanong kung puwede akong humiram hindi ba?” matapat namang sagot niya. “Okay lang yan boss Joey. Oh kuya” Iniabot naman sa kaniya ni Junnyboy ang gitara. Akala ng mga batang ito sila lang may talent huh! Sinenyasan niya si Anton na lumapit. Mahina muna silang nag usap ng kung ano ang magandang kantahin at siyempre ang kayang tugtugin ni Anton. Nang magkasundo ay umayos na silang dalawa. “Ang awiting ito ay para sayo Helena at para sa iyo lola Huling” paumpisang wika niya. Seryoso ang mukha ng mag- lola na nakatunghay sa kanila. Tumugtog na si Anton. (Everything I do) I do it for you- Bryan Adams Look into my eyes – you will see What you mean to me Search your heart, search your soul And when you find me there, you'll search no more Don't tell me it's not worth tryin' for You can't tell me it's not worth dyin' for You know it's true: Everything I do, I do it for you Napansin niyang tila pinipigilan ni Helena ang pagkawala ng ngiti. Hinahaplos haplos nito ang mahabang buhok na kumikislap kislap habang nililipad ng hangin. Look into your heart – you will find There's nothin' there to hide Take me as I am, take my life I would give it all, I would sacrifice Don't tell me it's not worth fightin' for I can't help it, there's nothin' I want more You know it's true: Everything I do, I do it for you, oh, yeah There's no love like your love And no other could give more love There's nowhere unless you're there All the time, all the way, yeah Look into your heart, baby... Oh, you can't tell me it's not worth tryin' for I can't help it, there's nothin' I want more Yeah, I would fight for you, I'd lie for you Walk the wire for you, yeah, I'd die for you You know it's true: Everything I do, oh, I do it for you Everything I do, darling You will see it's true You will see it's true Helena Nakangiti na ang dalaga sa kaniya. Pati si Lola Huling ay lumawak ang ngiti pero lumayo sa terasa. Kumakanta silang magbabarkada tuwing nagkakatipon- tipon. Hindi man pang contest ang boses pero puwede na rin. “I’ll do everything for you Helena” dagdag pa niya. May iniabot naman si Anton na bulaklak ng gumamela sa kaniya. Malaki ang ngiti nitong tila kinikilig. Para namang binagyo ang mukha ni Joey, nagdidilim iyon. Baka nagtatagis na ngayon ang ngipin nito sa inis. Si Junnyboy ay hindi maikakailang namangha sa kanilang pangha-harana. Bakas ito sa mukha ng baya na ngayon ay nakamaang na at nakanganga. That’s how you do it lowly people! Gusto niyang kantiyawan ang dalawa pero hindi na lang. Natutunaw na siya ngayon sa magandang ngiti ng dalagang napaka- amo ng mukha. “I'd die for you” bulong niyang nananatiling nakatitig dito saka hinalikan ang gumamelang pula at nag bow. Rinig niya ang hagikgik ni Anton sa gilid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD