Kabanata 8. Hatinggabi

1405 Words
Imahe iyon ni...Helena. Nakatitig iyon sa kaniya ng pailalim, tinakasan ng kulay ang mukha at bakas ang galit nito. Maka- isa pang sinubukan niyang sumigaw pero wala paring nakaririnig. Unti- unting lumapit ang nilalang patungo sa kaniya. Ganun na lang ang kaniyang sindak kasabay naman nito ang pagpasok ni Anton, dahil duon ay nakagalaw rin siya. Saka lamang niya nalaman na parang nakaidlip siya habang tumititig sa bubong at tila kalahating gising at tulog siya nang maranasan iyon. “Oh insan parang hingal na hingal ka a” usisa sa kanya ni Anton na nahiga na rin sa papag nito. Siya naman ay naghahabol ng hininga at butil butil ang pawis. “Naka idlip pala ako, masamang panaginip lang” sagot naman niya. Tumitig sa kaniya ng seryoso si Anton. “Baka sleep paralysis. Nangyayari rin sa’kin yan kapag marami akong isipin at pagod na pagod.” Wika nito. “Ah ganun ba, siguro nga kasi nag basketball tayo kanina e” sagot niya na naupo na rin sa gilid ng papag. “Search mo sa browser ‘yang sleep paralysis. ” suhestiyon nito na nakadapa na at nagmo- mobile game. Kinuha naman niya ang cellphone at sinearch ito. Nakakatakot ang mga imaheng lumabas pero akmang- akma ito sa naranasan niya. Ang atonia o ang panandaliang pagkawala ng control sa muscle ay nangyari rin pati ang hallucination. So, ang demon sa kaniyang sleep paralysis ay si Helena. Siguro dahil lagi niyang naiisip ang dalaga kung kaya’t hindi inaasahang ito ang lumabas duon. Hindi niya masisisi ito siyempre. Wala naman iyong kasalanan eh. Nag- browse pa siya tungkol rito. Isa rin pala sa sanhi nito ay stress at lack of sleep. Stress marahil ay sa isipin kay lola Huling. Hindi parin niya ito nais sabihin kahit kanino dahil alam niyang mapapahamak si Helena. Baka sugudin pa nila ang bahay ng mga iyon e nananahimik lang naman ang dalaga. Lack of sleep, baka dahil ang aga- aga nagi ingay na yung nagpapataya ng jueteng. Ilan sa mga bagay na maaaring gawin para maiwasan ang sleep paralysis ay: paghiga na nakatagilid, mag- concentrate sa paghinga, piliting makagalaw at maging kalmado. Maraming namamatay dito. Hindi niya sigurado kung pareho ba ito sa bangungot pero ayaw na niya itong mangyari ulit. Hindi niya nagugustuhan ang imaheng iyon ni Helena. Magpakita na ito sa kaniyang panaginip na nakangiti matutuwa pa siya pero huwag naman siyang bangungutin. Nag- usal siya ng dasal bago muling bumalik na lang sa pag tulog. Sunod- sunod ang pagka samid ni Helena. Hapunan nang mag- lola at ang ulam nila ay ginataang puso ng saging na may lahok na dilis at saka sinabawang kabute na binalikan niya ng hapon na iyon. Tumayo na si Lola Huling. Hindi na siguro nakatiis. Ikinuha siya ng tubig at hinagod ang likod. “Natinik ka ba? Andiyan si Olgrey, ipakamot ko ang lalamunan mo” tanong nito na hindi parin naman tapos kumain. “Hindi po inang nahihirinan lang, tsaka matalas ang kuko ni Olgrey inang paano pati niya makukuha ang tinik kung sakali ?” tanong niya sa gitna ng pag ubo saka uminom ng tubig at nagpahinga ng kaunti. “Ay iyan ang sabi ng matatanda e, alam mo naman ang pusa. Magaling sa tinik yan. Kahit anong pakain mo ng isda hindi rin natitinik” sagot nitong umupo na rin at nagpatuloy sa pagkain. “Magdahan- dahan sa subo Helena. Sabi ko naman sa’yo totoo ang bangungot. Ang kapatid ng itay alam mo ba, namatay iyon sa bangungot” wika nito saka huminto sa pag- nguya. Ayan may kuwento nanaman ang matanda. Parang narinig na niya iyon dati pero nalimutan narin niya sa dami na nitong naikuwento. “Dumayo ng gapasan sila tiyo Puro kasama ang kaibigan sa kabilang baryo. Malayo iyon, umaabot raw ng isa’t kalahating oras na lakaran. Maghapon nga naman na nag- gapas ay santing ang init. Binata pa mga beinte dos na rin, masyado ang bilib sa sarili ‘kala mo’y talagang malakas, nag- inom pa nga pagkatapos gumapas. Ay papaano ginagawang tubig ang alak, gumapas lang yata para sa barek. Nung kinagabihan ay kumain ng madami diretso ang tulog at lasing nga. Kinaumagahan ay tihaya siya, mulat ang mata at akala mo’y namatay sa gulat.” Mahabang kuwento nang matanda, kapani- paniwala naman at tumataas baba pa ang boses nito. Pagkakuwa’y bumulong “Nakakatakot daw ang hitsura e, pag ibinababa pa ang talukap ng mata ay aayaw bumaba” dagdag pa nito. Naiimagine niya ang itsura at siya rin naman ay nahintakutan. “Kakatakot naman inang ay, ayaw ko na nga. Bigay ko na ‘to ke Olgrey” pasya niya. Nawalan narin naman siya ng gana sa sobrang kauubo. May nakaka- alala siguro sakin. Napangiti naman siya nang maalalang si Eros nga laang pala ang nakakakilala sa kaniya. Baka iniisip siya ng binata. “Anong nginingiti- ngiti mo diyan?” usisa ng kaniyang lola na nakatitig pala sa kaniya. “Wala po, may naisip lang” sagot na lamang niya. “Kow! Baka yung mestisong binata ang naaalala mo ha” nakatawang wika nito na parang nanghuhuli. “Ikaw talaga inang kung ano ano naiisip mo, hindi naman totoo” natatawa ring sagot niya at pakunwang nag ikot ng mata. “Ikaw nga ang kung ano- ano, Helena magpapakipot ka rin ha. Baka ika’y mag- tanan naman huwag ka na gagaya sa akin at problema lang ‘yun” wika nito. “Naku si inang, ikaw pala diyan ang nagtatanan e” panunudyo niya dito. “Noong araw yun, uso ‘yun dati dahil ang itay ko e istrikto masyado. Disi nuebe lang ako nun e at gwapo naman ang iyong lolo. Unang pag- ibig ba” humalakhak na si lola Huling saka kumindat. Ayon nga sa mga kuwento nito ay maaagang naga asawa ang mga kabataan dati. “Grabe ka inang! Ang bata niyo pa e, pero hindi ko naman kayo gagayahin kasi mahiyain naman po ako at walang magkakagusto sa akin, hindi naman rin yata ako ang tipo nung Eros na ‘yun” nakangusong sagot niya. Lalo pang tumawa nang malakas ang matanda. Parang proud pa ito sa ginawang paga- asawa ng edad na disi nuebe. “Kapag kasi ang bata ay nasosobrahan sa pagbabawal, lalong gugustuhin niyan kumawala. Kaya si Eros sinabihan ko na pwede kang kilalanin, bakit hindi? Basta magpakipot ka naman” seryoso na na wika nito. “Siyempre po inang, hard to get naman ako” natatawa niyang wika dito saka naglinis na ng pinagkainan at saka nagpaalam na maglalabar (maglilinis ng katawan) na. Pagka akyat niya sa kuwarto ay humarap sa salamin at binrush ang mahabang itim na buhok. Pinagmasdan niya ang kaniyang itsura. Aminado siyang mas maayos ang itsura sa karamihan pero hindi kailanman siya nagyabang tungkol dito. Hindi rin siya namintas dahil naniniwala siyang mas importante ang pang- loob na katangian. Marami siyang naobserbahan na mga kaklase nung hayskul, kahit na isang beses lang siy sa isang linggo nuon pumapasok at dinadala na lamang ang mga gawain sa bahay ay nalulubos niya ang pagkakataon para mag obserba. May mga magaganda ang pang- labas na anyo pero sa oras na marinig na niya ang mga lumalabas sa bibig ng mga iyon, maikokonsidera na niyang pangit ang mga ito. Mapapailing dahil sinayang ang gandang panglabas dahil hindi itinugma ang ugali. Nagpatong siya ng makapal na roba dahil malamig ang gabing iyon at sa nipis ng nightgown na suot niya ay nangangaligkig siya sa ginaw. Nararamdaman niya ring nagu umpisa nang pumatak ang ulan. Dahil doon ay dahan dahan na rin siyang nakatulog. Hatinggabi, naalimpungatan si Helena dahil siya ay naiihi. Marahil ay sa dami ng nainom kanina nang siya ay nasamid. Napatigil siya nang marinig ang boses ng kaniyang lola. Tila may kausap ito. Naulinigan pa niya, “Mabuti naman, ayos rin pala at isinarado ang bibig” saka tumawa ng mahina. Sino kaya ang kausap nito sa kalaliman ng gabi. Naglakad pa siya malapit sa dingding Tumahimik ang paligid. Bigla ay nagsalita si lola Huling. “Yan, mabait na pusa. Matulog ka lang ng mabuti Olgrey habang ako ay nagpapa antok” Ah, si Olgrey lang naman pala ang kausap. Bumaba na siya dala dala ang flashlight na de- baterya saka tumungo sa banyo. Nang umaakyat na siya sa hagdan na kahoy ay tila may mabigat na bagay na bumagsak sa labas at tsaka mabilis na tumakbo papalayo . Baka naman si Olgrey..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD