Kabanata 7. Para Kay Helena

1479 Words
Three- points para kay Helena! tuwang tuwa si Eros nang pumasok ang bola. Gayun rin ang mga babaeng nagsilbi niyang libreng cheerleader. Ang baklang payat na maputi at mala- dora ang buhok ay kumekendeng pang naglakad pagitna ng court saka maharot na sumigaw ng "Go, baby!" nagtawanan ang mga kababaihan at mabilis rin namang umalis nang tumatakbo na sila papunta doon. Hindi naman maalis ang kaniyang ngiti. Aminado siyang nagugustuhan rin niya ang atensyon ng mga ito. Sino bang hindi? Maigi nang namnamin ang mga ganoong sandali. Instant na artista ang datingan diba. Mas ginalingan pa nga niya. Walang anu- ano'y may batong gumulong sa kaniyang paa. Luminga siya sa paligid, medyo maliit lang ang court na iyon. May dalawang basketball ring na halatang matagal nang naroon. Nakatabingi na ang isang stand nito, marahil ay na- dunk ng kung sinong gigil na manglalaro. Sementado naman iyon, may pinta ng mga linya katulad ng sa normal na court ngunit unti- unti na ring kumukupas. Wala itong bubong, maalikabok rin pero balewala ito sa mga kabataang naglalaro na walang suot na baro. Nakapalibot ang mga upuang kahoy na maraming ukit na pangalan at mga simbolo, marahil gawain ng mga tumatambay duon na nabubuyo sa bahay. Lumibot ang kaniyang tingin. Puro damuhan na sa 'di kalayuan. Sa pinanggalingan ng bato ay may nasipat siyang gumalaw, tinitigan pa niya ito ngunit ipinasa sa kaniya ang bola kung kaya't hinayaan na niya lamang. Baka kung sino lang na batang naglalaro o may gusto sa kaniya at nagpapapansin. Nag- focus siya sa larong iyon. Tuloy ang pagtili ng grupo sa kada shoot niya ng bola. Pawisang umuwi ang mag- pinsang Eros at Anton. Nang dumaan sila sa harap ng kapitbahay na si Colleen ay luminga siya sa terrace. Nandun ang dalagita na nakatunganga sa cellphone, nang mapasulyap sa kaniya ay agad nitong ihinarang ang cellphone sa mukha at mabagal na lumubog sa upuan. Tila hiyang- hiya yun at ayaw magpakita sa kaniya. Natawa na lamang siya nang mahina at saka inayos ang gulo gulong buhok. Mannerism na rin siguro niya na hawakan ang buhok kahit hindi naman kailangan. Nagpahinga sila at kumain, pagkatapos ay naligo. Nang siya ay nagbibihis na sa banyo ay pumasok sa kaniyang isip ang ibinulong ni lola Huling. Sabihin na kaya niya ito sa kaniyang tiyo Arthur. Ngayon ay nasa ninety percent na siyang sigurado na ang matanda ang nakita niya. Kinagabihan, nagu- usap sila sa lamesa habang kumakain. Nais niyang itanong ang tungkol sa lola ni Helen. "Tito, si Lola Huling po ba.." "Ano iyon? aswang ? maaari" sagot nito kahit hindi pa siya nagtatanong. " Paano niyo po nalaman? nakita na po ba siya o may nabiktima na siya at tumestigo dito?" dagdag tanong pa niya. "Marami nang nakapag kuwento na ang nakita nila ay ang matanda. Nakakatakot raw ang itsura nito at napakabilis kumilos. Hindi nahuhuli dahil sa takot nang mga tao na tumatakbo na lamang. Wala ring nagbabalak na pumunta sa kanilang bahay dahil puno daw 'yun ng gamit sa pangbabarang at pati ang apo nito ay tinuturuan na para mapasahan ng kakayahan" sagot nito na tila tiyak na tiyak sa sinasabi. Bumalik sa kaniyang ala- ala ang kaninang umaga lang na pag punta sa bahay nila lola Huling. Wala naman siyang pambabarang na nakita. Makulay na hardin, may mga manok sa paligid na layang nakakalakad kung saan saan, may matabang pusa na prenteng natutulog sa doily na ginawa pa yata gamit lamang ang kamay. Maaliwalas ang bahay at wala siyang nakitang voodoo doll na gaya ng sa mga witches sa movies na kaniyang nakikita. O marahil... ginamitan siya ng pambulag. Baka talagang masulasok ang lugar na iyon at dinaya lang siya ng kaniyang paningin. "Kahapon po pala..." napaisip siya. Gusto niyang ikuwento ang tungkol sa nangyari sa banyo at malaki ang posibilidad na ito ay ang matanda. "Ano 'yon?" tanong ng kaniyang tiyo na abala sa paghihimay ng isda na kanilang ulam. "Hehe wala po naalala ko lang si Helena, parang ang bait niya" sagot nalang niya. Ninais niyang sarilinin na lamang ang gustong sabihin. Sa lagay kasi ay kung sabihin niya ito, tiyak na kakalat iyon lalo na kung mabanggit sa madaldal na nagpapataya ng jueteng. Marahil ang magiging usap- usapan bukas ay SI LOLA HULING SINISILIPAN ANG PAMANGKIN NI ARTHUR. "Tinamaan ka talaga dun kuya ah" wika naman ni Aljur. "Kow, siguro ay ginagamitan ng lola niya ng mahika para magmukhang maganda para sa titingin pero masama talaga ang itsura" umiiling na sagot ng kaniyang tiyo. Tila siguradong sigurado ito sa sinasabi. Sigurado rin naman siya na tunay ang ganda nang dalaga. Nalapitan niya ito, nakausap at walang peke kay Helena. Napagpasyahan na lamang niyang kimkimin lahat ng nasa isip. Hindi pa ngayon ang tamang panahon dahil kumbinsido ang mga taga baryo na masama ang mag- lola. Hindi rin naman niya maisasawalang bahala iyon dahil mga pinanghahawakan ang mga ito. Sa sinabi sa kaniya ng matanda ay parang pinatotohanan nitong siya nga ang aninong nakita niya sa siwang ng banyo. Pero pano kung sinabi lamang nito iyon upang mapalayo siya sa dalaga? marahil ayaw nitong maging kaibigan siya ni Helena. Ah! dahil diyan ay hindi ako susuko. Competitive akong tao at hanggat hindi ko nakikitang aswang talaga si lola Huling ay hindi ako maniniwala. Baka ako pa ang knight in shining armor ni Helena diba ? Napangiti siya sa isiping iyon. Tumingin sa kaniya si Emma. "Kuya Eros si Colleen na lang kasi, cute naman siya diba?" nakangiting sabi nito. Cute? hmmm baka menor de edad, hindi niya tipo! Tumawa nalang siya. "Naku Emma baka kasuhan pa ako nang magulang niyan, menor pa iyan e" sagot niya dito. "Kaka- disi otso palang ni Colitang diba? " singit naman ng tiya Julie na kanina ay tahimik lamang na kumakain. Colitang, marahil iyon ang palayaw nito. "Yown, pwede na pala insan. Batang bata!" kantyaw naman ni Anton na nakangisi habang ngumunguya. Tumawa na lamang siya. "Haha gusto ko ay mga ka- edad ko" sagot na lamang niya. Ayaw niyang magbigay ng pag- asa sa dalagitang iyon. "Okay" nakangusong sagot na lamang ni Emma saka tumungo. "Ano po palang pangontra sa mga aswang?" tanong niya. Nais niyang maging maingat rin kahit papano. "Ah, interesado ka talaga kay Helena ano? tandaan mo ito. Bawang, asin, luya. 'Yan takot sila diyan. Buntot nang pagi kaso wala naman tayo noon. Lagi ka dapat mayroon sa bulsa nung mga meron tayo dito sa bahay." sagot ng kaniyang tito. Nagpasalamat na lamang siya at tumayo. Nagbabalak siyang magdala ng pangontra para magamit sa tamang panahon. Pansin niyang nagbubulungan ang pamilya. Hinayaan na lamang niya iyon at saka tumungo sa kuwarto. Marami na siyang messages. Siyempre ay karamihan duon ay kay Andrea. Siguro ay bored na bored iyon buong araw. Hindi pa siguro nakakahanap ng bagong ka- chat or.. wala na yung nakakausap dati kaya ako nanaman ang kinukulit. Napapailing siya sa isiping kinakausap lang siya nito by season. Kapag wala na ang nakaka M.U. Hindi na sana siya magre- reply nang sa kaka- scroll sa messages ay napansin niyang nag- send ito ng picture. Inaakit yata siya ng babaeng iyon. Naka- sandong itim at kita ang cleavage. Nakangiting tila nanunukso, may brace at ang ganda ng mga mata nito. Tinitigan niyang mabuti saka nag reply. "Ganda naman bes. Inlove ka ata ah ? sorry na- busy lang dito sa province." Nakita niyang delivered at na- seen ito agad. Oo nga e, miss na kita kausap kaya :3 Sorry na bes. How's your day? Nagreply ito agad Ito bored, gusto ko sana gumala sa BGC kaso wala kasama :3 Biglang pumasok sa kaniyang isip si Helena. Taliwas ito kay Andrea na hindi man lang yata nadudumihan ang kamay. Tinabangan siya rito. Naalala nanaman niyang pampalipas oras lang siya. Okay, cute si Andrea pero maganda at masipag ang kaniyang Helena. Natural pa ang ganda at walang filter. Napangiti siya sa isiping iyon. Sineen na lamang si Andrea at saka nahiga at tumitig sa bubong. Maraming naglalaro sa kaniyang isip pero nagulat si Eros nang biglang kumalampag ang bubong na tila may mabigat na bagay na nahulog dito at naglakad. Nakaramdam siya ng alinsangan sa paligid. Pusa nanaman ba? Ang bigat naman niyon. Tumawag siya sa mga pinsan pero tila hindi rin siya naririnig. Hindi siya makagalaw na nakatitig lamang sa bubong. Walang anu- ano'y tila bumaba ang nilalang na iyon sa tapat ng bintana niya. Sa bintanang yari sa kawayan ay tila may kumakaskas na matatalas na kuko at nakapagdala iyon nang ngilo at nakabibinging tunog. Nagpupumilit siyang sumigaw na sa tingin niya ay malakas naman pero walang dumarating ni isa sa pamilya. Gusto niyang tumayo at tumakbo. Ninais niyang abutin ang cellphone na nasa gilid lamang niya. Umikot ang kaniyang tingin sa paligid. Ganun na lang ang kaniyang pagka- hilakbot nang may makitang imahe sa sulok ng kuwarto na iyon. Imahe iyon ni...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD