BASTARDO 1
Kasalukuyan akong nakadungaw sa harap ng bintana ng opisina ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang nag-iisang kaibigan kong si Mario.
“Hey, bro, how are you?” tanong sa akin ni Mario.
Napailing na lamang ako! Hanggang sa yayain Kong maupo sa sofa ang aking kaibigan.
‘’I’m fine, anong masamang hangin at pinuntahan mo ako rito, Mario?” tanong ko agad sa lalaki.
“Alam mo sa totoo lang ay matatagal na kitang gustong makita, ‘di ba nga magka-ibigan tayo. At gusto ko ring alamin kung ano na ang kalagayan mo ngayon, Lucas. Hmmm! Hindi ka ba masaya na muli tayong nagkita matalik kong kaibigan?” tanong sa akin ni Mario.
“Ano ka ba Mario, Kay tagal natin Hindi nagKita. Simula ng mga bata pa tayo Lage na kita kasama,’’ sagot ko naman Kay Mario.
“Syempre naman Masaya ako, hahaha, ano na pa lang buhay mo ngayon, Mario?”
Hindi muna nagsalita si Mario, tila nag-iisip pa ito kung ano ang isasagot sa akin. Hanggang sa ibuka na nga ni Mario ang bibig niya.
“Medyo hind maganda, bro,” malungkot na sagot sa akin ni Mario.
“So, bakit ka naparito at paano mo ako nahanap? At ano ang sadya mo sa akin Mario?”tanong ko rito.
“Naparito ako sapagkat may nais akong hilingin sa ‘yo, Lucas, maaari mo ba akong tulungan? Alam kong Ikaw lang ang malalapitan ko. At Ikaw lang ang makakatulong sa akin, dahil nawalan ako ng trabaho, kailangan kong ma-suportahan ang aking pamilya. Nagsara ang companya na pinapasukan ko dahil sa laki ng utang nila sa ibang companya,” tuloy-tuloy na litanya sa akin ni Mario.
Parang naawa naman ako sa sinapit ng aking kaibigan. Napailing na lamang ako.
“Ganoon ba? Mabuti naman at sa akin ka agad lumapit. Saka, kaibigan mo ako kaya sa oras ng kagipitan ay puwede mo akong malapitan, Mario.
Ngunit ito lang masasabi ko sa ‘yo, magtrabaho ka rito sa opisina ko bilang isang empleyado ko,” anas ko sa aking kaibigan.
“Maraming salamat, hayaan mo at makakaasa ka sa akin na Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay mo sa akin upang maging empleyado mo, Lucas,” tuwang-tuwa na sabi ni Mario sa akin.
“Ito lang masasabi ko sa ‘yo, Mario. Hindi biro ang ginawa ko sacripisyo bago ko naabot ang ganitong sacceful na negosyo,” sambit ni Lucas sa kanyang kaibigan.
Hindi nagtagal ay tuluyan na ring umalis si Mario rito sa aking opisina. Hanggang sa marahan akong napahinga. Napasandal na lamang ako sa pader ng aking opisina habang pinagmamasdan ko si Mario habang papalabas ng opisina ko. Bigla ring pumasok sa utak ko ang mga nangyari sa akin noon.
Bigla akong napaluha. Hanggang sa may lumapit na sa akin na isang babae.
Nagulat na lang ako nang abotan ako ng panyo at nagpakilala siya sa akin. Agad ko naman kinuha ang panyong binigay niya sa akin, sabay ngiti ko sa kanya at nagpasalamat na rin.
“Sino ka?” tanong ko rito, agad naman nag pakilala ang babaeng nasa aking harapan.
“I’m Jessica Delgado, secretary ng manager ng companyang ito,’’ sagot sa akin ng dalaga.
Napatahimik na lang ako at napatingin sa kanya, nahiya naman ang dalaga at agad na itong umalis palayo sa aking opisina.
Muli ko ulit naalala ang aking nakaraan, ang mga pangyayarari na ayaw ko nang balikan pa. Namulat ako at lumaki sa isang marangyang pamumuhay lahat ng loho ibinibigay nila sa akin.
Ngunit Hindi ako masaya sa feeling nila dahil mas mahalaga pa sa kanila ang kanilang negosyo. Sa bawat araw na lumilipas na hindi ko sila nakakasama lage na lang ako malungkot. Hanggang sa magbinata na ako, mas inuuna pa rin nila ang kanilang mga negosyo.
Hindi ko naramdaman sa mga magulang ko ang pagmamahal ng isang ina at ama. Napapaisip na lang ako na baka Hindi nila ako tunay na anak at isa lamang ako ampon.
Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko na naman ang lahat. Napatingin tuloy ako sa aking relong pambisig. At nakita kong alas-otso na pala ng gabi.
Mabilis ako nagligpit ng aking mga gamit! At lumabas na ako sa aking opisina at nagpatuloy sa paglalakad nang may bigla bumangka sa aking balikat.
“Ikaw pala Jessica. I’m really sorry, hmm! Are you okay?” tanong ko sa dalaga.
“Ayos lang po ako, Sir,” magalang na sagot ng dalaga sa akin. Hindi ako nagsalita, ngunit nakatingin lang ako sa mukha ng dalaga. Ramdam ko kasing may itatanong pa ito sa akin.
“Ano ang ginagawa mo rito sa companyang ito, Sir? At sino ka? Dahil ngayon lang kita nakita rito?” tanong ng dalaga sa akin.
“Hhmmmm! Ang totoo niyan ay ako ang may-ari ng companyang pinag-tratrabahohan mo,” sagot ko sa kanya.
“Oh! My Gosh! Sir, sorry po talaga!” anas ng babae sa akin. At kitang-kita ko sa mukha nito ang labis na hiya sa akin.
“Hmmm! Naparito ako ngayong araw upang bisitahin lang ang kalagayan ng aking negosyo at masigurado kong maayos lahat ang empleyado ko,” pagbibigay alam ko sa babae.
Napapailing na lamang ako dahil hindi halos makapagsalita ang babae. Nagulat na gulat ang dalaga sa mga naman. Hindi siguro nito akalain na ako ang may-ari ng kompanya na ito.
Tumitig ako sa mukha ng dalaga at nakikita ko namang mabuting tao ito. Ramdam ko iyon kahit ngayon pa lang kami nagkita.
“Sir, pasensya na po ulit. Lalo noong binigyan kita ng panyo, nakita ko kasing malungkot ka at parang ang lalim ng iniisip mo kaya hindi ko mapigilang lumapit sa ‘yo para damayan ka,” anas ng babae sa akin.
Napangiti na lang ako nang sabihin niya iyon at muling napatitig sa kanyang mukha. Sa ganda nang pinakitang asal sa akin ng dalaga ay para bang mas gusto ko pa siyang makilala ng lubusan.
Nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad, hanggang makalabas na kami sa gate ng building at nagpaalam na rin kami sa isa’t isa.
NagPatungo naman ako sa parking lot na kung saan nandoon ang aking kotse at dumating na ako sa kinalalagyan ng aking sasakyan sabay bukas ng pinto at pumasok sa loob, sumandal ako sa loob at nag-set belt na ako.
Habang nag-drive ako sa kahabaan nang daan ay may biglang tumawag sa aking cellphone agad ko itong sinagot.
“Ohh! Ikaw pala Mario, napatawag ka akin sa matalik na kaibigan?” tanong ko sa lalaki.
“Nais ko lang muling magpasalamat sa ‘yo, dahil Hindi mo ko binigo,” samabit ni Mario sa akin.
“Wala ‘yun ano pa’t naging matalik tayo magkaibigan kung hindi naman kita matutulungan--- Hmmm! Are you ready for tomorrow, Mario?”
“Yeah, sobra,” sagot ng lalaki sa akin.
“Good luck, bro,” anas ko sa lalaki.