KINABUKASAN, kasalukuyan akong naka-upo sa labas ng bahay habang nagkakape. Ngunit napatingin ako sa gate namin nang mapansin kong may kotseng pumasok sa loob ng gate ng aming Village.
Naisip ko na baka ay bisita ni Papa at mga kasosyo niya sa negosyo. Mayamaya pa'y may mga dumating ulit na mga sasakyan
Nagtataka na ako at tumayo na ako sa kinauupuan ko at nakita ko rin isang kasambahay namin na nagdidilig ng mga halaman.
“Manang, bakit po ang daming sasakyan ang pumasok sa gate?” tanong ko ka agad kay Manang.
“Hindi ko po alam, Sir,” sagot ni Manang sa akin. Marahan na lamang akong tumango sa babae.
Siguro’y mga kaibigan ni Papa ang mga dumating. Napabuntonghininga na lamang ako. Mayamaya pa’y kanya-kanya nang lumabas na ng sasakyan ang mga dumting na bisita ni Papa.
Napatingin naman ako sa lalaking huling bumaba ng maganda nitong sasakyan, mukhang mayayamang tao ang mga nandito ngayon, ano kayang dahilan. Hindi nagtagal ay lumabas na ng kabahayan si Papa at kinausap ang mga bisita nito.
“Don Sebastian, ano’ng dahilan mo at naparito ka? Hindi ka man lang nagpasabi sa akin na darating ka para naman napaghandaan ko ang pagdating mo,” sambit ni papa sa lalaki.
“Well, well, naparito ako sa ‘yo, Don De Guzman para sabihin ko sa ‘yo na matagal ka nang hindi na nakakabayad ng iyong utang. At ito na ang oras ng paniningil ko, kapag hindi ka nakabayad sa takdang panahon na ibinigay ko sa ‘yo, ahat ng ari-arian mo ay kukunin ko, nagkakaintindihan ba tayo, ha, Don De Guzman?” anas ng lalaki sa aking Papa.
“Hindi ko kinakalimutan ang utang ko sa ‘yo, Don Sebastian,” sagot ng aking Papa.
Mabuti naman kung ganoon at nagkakaintindihan tayo pero sa oras na Hindi ka makabayad sa akin ng utang, alam mo na kung saan ka pupulutin, Mr. De Guzman!” galit na tura nito sa aking Papa.
“Huwag kang mag-alala at magbabayad ako sa ‘yo, Mr Sebastian,” anas ng aking Ama.
Hindi nagtagal ay umalis na rin ang kausap ng aking Papa. Napansin ko tila balisa ang aking Ama at nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin.
Agad naman akong lumapit sa Mama upang tanongin kung totoo ba lahat ng aking narinig.
“Ma, tell me, may utang ba si Papa?” tanong ko sa aking Ina.
“Oo anak, malaki ang utang ng Papa mo kay don Sebastian, isang kilalang negosyante na nilalapitan ng lahat sa oras ng kagipitan,” sambit ni Mama sa akin.
“Paano ito? Ano’ng gagawin natin? Paano kung hindi tayo makabayad sa kanya? Mawawala na lang lahat ng ito sa atin, pati ang kompanya pinaghirapan ko madadamay pa. Teka, magkano ba ang halaga ng utang ni papa sa taong ‘yun, Ma?” tanong ko sa aking Ina.
Natahimik na lang si Mama at nahihiya pa siyang magsalita Mayamaya pa ay binuka na niya bibig niya upang sabihin ang kung magkano ang utang ni Papa.
“100, milyon, Lucas---”
“What? 100, milyon, Ma? napakalaking halaga naman niyon, Ma? Saan natin kukuhanin iyon?!” Galit na tanong ko kay Mama.
“Lucas, anak---” tanging nasabi ng Mama ko.
“Ma, bakit ngayon lang ninyo sinabi sa akin? Kung ‘di pa pumunta rito si don Sebastian ay hindi ko pa malalaman na may utang tayo sa kanila!” muling bulalas ko sa aking Ina.
“Patawad anak! Kung hindi agad naman sinabi sa ‘yo ng Papa mo, ayaw namin na mahirapan ka rin sa problema namin ng Ama mo,” malungkot na sabi ni Mama sa akin.
Nagbuntonghininga ako. Gagawa ako nang paraan para matulungan ko kayo ni Papa para makabayad sa taong iyon, kung pwede lang ibenta ko ang lahat ng meron sa akin para lang makabayad tayo sa kanya,” anas ko kay Mama.
“Kami na bahala ng Papa mo, Lucas, problema namin ito at kami na ang gagawa nang paraan para makabayad tayo sa lahat ng utang natin sa kanila…”
Mabilis naman ako napayakap kay Mama. Alam kong kayang-kaya nina Mama at Papa na gawan ng paraan ang problema nila.
Agad na naman akong niyaya ni Mama sa ketchen para kumain. Pagkatapos ko mag-almusal ay pumunta ako sa cr para maligo.
Nangmatapos kong maligo ay mabilis na ako nakapagbihis at nagtungo agad sa aking sasakyan, muli ako nag-set belt at tuloy-tuloy na nang-drive patungo sa groceries store.
Bibili lang ako ng mga pangangailangan ko. Pagkatapos mabili ang lahat ay lumabas na ako ng groceries store, malalaki ang mga hakbang pabalik sa parking lot. Kailangan ko makapunta ka agad sa aking opisina, pagdating ko ng opisina ay nakita ko agad si Mario matalik kong kaibigan.
“Good morning, Sir, Lucas,” anas ng lalaki sa akin.
“Good morning too, Mario. Kamusta? Ayos ka lang ba?” tanong ko sa aking kaibigan.
“Mabuti naman, Sir, Lucas, medyo magaan lang ang trabaho na ibinigay sa akin ng manager, kaya mabilis ko natutunan at basic lang,” payabang na sabi ni Mario sa akin.
“Mabuti naman kung ganoon, pagbutihan mo Mario. Siya nga pala, by next week ay magre-relax naman tayo,” anya ko kay Mario.
Nakita kong ngumiti ang aking tauhan. “Kasama ba ako, Sir, Lucas?” tanong ng lalaki sa akin.
“Yes, of course, kaya be ready, Mario. Saka, kailangan ko ring mag-relax. Hmmm! Tingin mo saan kaya magandang pumunta?” tanong ko kay Mario.
“Sir, Lucas, ano kaya kung mag-beach na lang tayo at sigurado tayong makakapag-relax ka na roon. Bukod sa maganda ang tanawin ng dagat ay marami pang magaganda at sexy na mga babae,” pabirong sabi sa akin ni Mario.
“Loko-loko ka talaga Mario Hindi ka pa rin nagbabago at babaero ka pa rin,” natatawang sabi ko sa lalaki.
“Kasama sa buhay iyon Sir, Lucas. Mas maganda kung magsasama tayo ng mga epleyado rito at mas marami mas masaya ‘di ba, Sir Lucas,” anas ng lalaki sa akin.
“Naku! Naku! Mario, ikaw talaga pagdating sa nga ganiyan ay nangunguna ka. Hmmm--- papayag naman kaya sila na sumama sa atin?” tanong ko kay Mario.
“Ano ka ba, Sir, Lucas, ikaw ang owner ng kompanya ito, syempre sasama sila at mas matutuwa ang mga iyon. Ops! Siya nga pala isasama ko rin si Jessica at ipapakilala na rin kita sa kanya,” anas ni Mario sa akin.
“Huh? Si Miss Jessica Delgado ba tinitukoy mo secretary ng manager ko sa kompanya na ito?” tanong ko kay Mario.
“Yeah, siya nga, Sir, Lucas. Teka nga muna, magkakilala na ba kayo?” tanong sa akin ni Mario at nasa boses din ang pagtataka.
“Sa totoo lang ay bago ko lang din siya nakilala noong araw na nagkausap tayo, tapos nilapitan naman ako ni Jessica,” turan ko sa kay Mario.
“Alam mo, Sir, Lucas unang araw ko pa lang dito sa kompanya ay nakita ko si Miss, Jessica na love at first site agad ako sa kanya,” hindi mapigilang turan ni Mario sa akin.
Malakas naman akong tumawa habang panay ang iling ng aking ulo.
“Mario, may nalalaman kapang love at first site? Ang pagkaka alam ko ay marami kang babae, masyado ka kayang babaero,” hindi ko mapigilan sabi kay Mario.
“Grabe ka naman sa akin, Sir Lucas. Saka, ikaw nga itong matanda rito sa kompanya--- ngunit wala pa ring nobya,” pabirong anas ni Mario sa akin.
Muli akong tumawa dahil sa mga pinagsasabi ng lalaki sa akin. Pagkatapos ay humawak pa ako sa aking beywang at tumingin kay Mario.
“Hmmmm--- maghintay ka lang Mario makikilala mo rin ang babeng nakalaan para sa akin at ibibigay ng Diyos,"
pa-bruskong turan ko kay Mario.
“Wahhhh! Idinamay mo pa ang Diyos, Sir, Lucas--- Ohh! Sige na po, Sir, Lucas. At ako’y magpapaalam na ako, dahil may trabaho pa akong dapat tapos,” magalang na paalam ni Mario sa akin.
“Okay, go ahead,” anya ko kay Mario.