BASTARDO 40 "Lucas, Anak bakit na rito ka?" Bungad ka-agad na tanong sa a'kin ang aking Ama matapos niya akong makita sa kanyang harapan. Dapat hinayaan mo na lang kami ng Mama mo sa lugar na ito! hindi ka ba nag-iisip na pati ang buhay mo ay mapahamak, lalo't mag-isa ka lang na pumunta rito!" Galit na pasigaw ng aking Ama sa akin. "Tumahimik ka nga ri'yan Julio!" sambit ng Ina ko. Hindi mo masisi ang Anak natin lalo't nasa sitwasyon tayong ganito, tiyak na walang ibang gusto si Lucas, kung hindi ang mailigtas tayo! kahit buhay pa niya ang maging kabayaran!" mariin na sambit ng aking Ina. Narinig kong tumawa ng malakas si Don. Sibastian, sabay lapit sa mukha ng Ina ko. Mrs. De Guzman, sa tingin mo ba ay hahayaan ko kayo na makalabas pa dito ng buhay! Sulitin nyona ang pag-uusap ng

