"Pov Miya" Habang naglalakad ako patungo sa opisina ng boss ko ay nasalubong ko naman si Mario, napansin ko agad sa kanya ang fresh niyang mukha dahil bagong gupit ito, kaya napatitig ako ng bahagya sa lalaki. "Good morning Miss Jessica how was your day? Mukhang nagmamadali ka yata?" tanong nito sa akin, sabay ngiti ng matamis. "Ahmmm--- oo eh, mahirap na baka malate na naman ako, magalit na naman sa akin ang masungit nating boss," sagot ko sa lalaki. Subalit nagulat ako ng humalakhak na lang ito matapos niyang marinig ang sinabi ko kaya naman medyo kumunot ang noo ko sa lalaki sa inasal na pinakita nito. "Ano ang tinatawa-tawa mo jan Mario may nakakatawa ba sa sinabi ko?" maikling tanong ko. "Wala naman Miss Jessica, pa ano ba naman kasi dahil hanggang ngayon ay takot ka pa rin ka

