Pov- Lucas Marahan kong iminulat ang aking dalawang mata dahil na rin sa mahinang boses na aking narinig na hindi ko alam kung saan ito nanggagaling, subalit malinaw sa pandinig ko na boses ito ng dalawang babaeng nag-uusap malapit lang sa kinalalagyan ko. Hanggang iminulat ko na ng maayos ang mata ko. Tumambad kaagad sa a'kin ang malapad na kesame na kulay puti, kaya naman nagtaka na ako dahil parang iba yata ang kulay ng kesame ng aming bahay--" bulong ko. Hanggang mapasulyap ako sa kanan bahagi ko, at nakita ko nga ang aking Ina na nakahiga rin, ngunit sa tabi nito ay may isang babae na kausap niya. Hindi ko alam kung sino iyon dahil nakatalikod ito. Pinagmasadan ko lang ang likoran nito na pilit kong kinikilala. Gusto kong malaman kung sino ang babae na nakaharap sa kinalalagyan ng

