Chapter 36 NIÑA's POV: SERYOSO nga si Greg sa kanyang pasya. Akala ko ay tinatakot lamang ako nito o sinisindak. Pero hindi eh. Talagang tinotohanan niya ang kanyang desisyon na umalis kami sa lugar na ito. Kaya wala na akong nagawa kundi ang ilagay ang mga damit ko sa maleta. Ngayon na raw kasi kami aalis para tumungo sa private resort niya sa Tagaytay. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon ang siyang umaapaw sa aking damdamin. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay meron siyang isang salita. He already promised me about this — na dadalhin niya ako sa Tagaytay at magsasama kaming dalawa. Pero kaakibat ng saya sa puso ko ay kinakabahan ako. Baka kasi buntisin ako ni Greg... Ayoko pa namang mabuntis dahil ayokong madamay ang bata sa cancer na meron ako.

