Chapter 35 MR. SAISON's POV: "Dito ba nakatira sila Mr. Fred at Mrs. Antonia?" pagtatanong ko sa mismong guard na siyang nakabantay sa mansion na tinitirhan nila Fred. Ang mansion na ito, ay pag-aari ko na ibinigay ko sa kanilang mag-asawa kapalit nang pag-aalaga nila sa aking anak na si Niña. Nandito na pala ako sa Manila. Tuluyan ko nang nilisan ang lugar na pinagtataguan ko para lang kitain ng personal ang aking dalagang anak. Hindi alam ng mag-asawa na ngayon mismo ang dating ko. Kaya tiyak kong magugulat sila sa aking pagdating. Gusto ko kasing biglain ang dalawa nang sa gano'n ay masilayan ko mismo kung paano nila itrato si Niña. "Opo Sir. Dito ho sila nakatira... Bakit niyo ho pala hinahanap? — May kailangan ka ba sa kanila?" balik na turan nito sa akin. "Ako si Mr. Saison

