Chapter 39 FIONA's POV: "ANSWER MY f*****g CALL, SIR GREG!" madiin na sambit ko habang paulit-ulit kong tinatawagan ang binata. Pero hindi man lang nito magawang sagutin ang aking tawag. Hindi tuloy ako mapakali ngayon. Tila gusto kong sundan sila sa Tagaytay para ipaalam kay Sir Greg ang mga narinig ko. Yes. I heard everything... Narinig ko nang malinaw ang usapan nila Andrew at Mr. Saison... Alam ko na ang totoo. Anak pala ni Mr. Saison si Niña. Kaya nararapat lang na malaman ito ni Sir Greg bago pa man mahulog nang tuluyan ang damdamin niya sa dalaga. I need to stop his feelings. Hindi pwedeng mahalin niya ang babaeng anak mismo ng taong pumatay sa asawa niya. Kapag nalaman niya ito, tiyak kong mapipigilan ko ang nararamdaman ni Sir Greg sa dalaga. "Huwag mong tawagan si Boss Greg

