Chapter 31 NIÑA's POV: PAGKABAGOT ang siyang naramdaman ko sa loob ng silid — habang hinihintay ko ang pagbalik ni Greg. Sabi kasi sa akin ni Andrew, ay ngayong araw na uuwi ang binata. Kaya isinuot ko talaga yung pinaka-sexy at kabog kong damit para sa pagdating ni Greg ay ako agad ang lapitan niya. Aminado naman ako na namimiss ko na ang binata. Isang araw ko na kasi siyang hindi nakakasama at nakikita. Kaya talagang binabantayan ko ang oras para ako mismo ang sumalubong sa lalaki. "Miss Niña, kumain ka na muna... Mukhang mamaya pang hapon ang uwi ni Boss Greg. Kaya magugutom ka lang sa paghihintay sa kanya," sambit ni Andrew nang kumatok ito mula sa pinto ng aming kwarto ni Greg. Kasalukuyan kasi akong nakahiga sa kama at pagulong-gulong lamang ang ginagawa ko rito. Kaya nang k

