Chapter 32 GREG's POV: MAINIT ang ulo ko ngayon. Parang sasabog sa galit ang mga ugat sa mukha ko dahil nasayang lamang ang matagal ko nang pinaplanong ligpitin at patayin si Saison... Hindi ko siya naabutan sa kanyang lugar. Kahit bakas ng gamit niya ay wala akong nakita sa teritoryong iyon — na tila'y nautakan ako ng isang hayop. Kaya yung init ng ulo ko ay bitbit ko hanggang sa aking pag-uwi... Pero ganitong eksena pa ang siyang naabutan ko dahil sa kaguluhan at pag-aaway nila Niña at Fiona... Hindi ko tuloy napigilan na ibuntong kay Fiona ang aking galit nang masilayan ko ang ginawa niyang pananabunot at pagkalmot sa dalaga. Kaya matinding sampal ang pinakawalan ko upang bigyan ito ng leksyon. At ngayon, ay kasama ko si Niña na umakyat patungo sa mismong kwarto namin. Malakas kon

