Chapter 33 NIÑA's POV: PAGTATAMPO ang umaapaw sa emosyon ng damdamin ko ngayon dahil sa pananakit sa akin ni Greg. Yes, he hurt me... Hindi man sampal ang natamo ko — pero yung hatakin niya ako at ikaladkad papasok ng kwarto habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko — ay senyales na rin iyon na sinaktan niya ako. Kahit hindi nito sabihin, alam kong nagpapaniwala siya kay Fiona. Kaya minabuti kong huwag na lamang ito pansinin. Useless na rin naman ang paliwanag ko kung hindi niya ako papakinggan. But I was shocked when I heard the gunshot sound. Ang tunog na iyon ay galing mismo sa ibaba na tila may binaril na tao. Mabilis namang kumalabog ang dibdib ko dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili na matakot. Ramdam ko kasi ang pagkagalit sa mata ni Greg kanina. Kaya hindi na rin ako mag

