Chapter 4

1509 Words
Birthday ni Jade ngayon kaya sobrang busy sa loob ng bahay dahil humiling si Jade na gusto niyang mag handa sila para sa birthday niya dahil nanalo rin nang malaki si tiyong sa sigal ay pinag bigyan na niya ang bunso niya kaya ngayon sobrang dami naming nilu luto ni tiyang dito sa kusina, pero buti nalang ay pa tapos na rin naman kami. Hindi na ako nag abalang mag palit ng damit dahil dito lang naman ako sa kusina buong araw. Mag hu hugas ng mga kasangkapan. “Tiyang! Nasaan po si Oceana?” na rinig ko ang boses ni Riri sa may labas ng bahay. “Hay ko Adrianne! Hindi pwedeng mag libot si Oceana ngayon, birthday ng pinsan niya!” sambit ni tiyang kay Riri. “Ay hindi ko ho siya aayain mag libot, pwede po ba akong pumasok sa loob? Tutulungan ko po si Oceana sa loob,” dinig ko pang sagot ni Riri kay tiyang. “Wala akong ibabayad sa’yo Adrianne, atsaka baka pa galitan ka ng mama mo, kaya na ni Oceana ‘yan,” sagot ni tiyang sakanya. “Alam naman po ni mama tiyang, tsaka hindi naman po ako mang hihingi ng bayad, kaya pasok na po ako sa loob ah!” dinig kong sambit ni Riri hanggang sa maka rinig ako ng mga hakbang pa lapit dito sa kusina. “Kamusta Cinderella?” naka ngising tanong sa akin ni Riri. “Ano na namang trip mo sa buhay ah, Adrianne?” tanong ko sakanya. Nag kibit balikat naman ito sa akin. “Pinapa punta ako ni mama, alam kasi niyang mag hahanda ang tiyang mo dahil nag yayabang ‘yang si tiyang sa may tindahan kaya alam na namin ni mama na ikaw na naman ang mag dudusa rito sa loob,” na iiling na sambit ni Riri sa akin at nag simula nang kumilos dito sa loob ng kusina. “Ano ka ba? Hindi naman ma bigat ang kumilos dito sa kusina, kaysa naman oras oras akong kutyain ni Jade kapag nasa labas ako,” na iiling na sagot ko sakanya. “Makaka tikim talaga ‘yang si Jade sa akin kapag na tyempuhan ko ‘yan sa labas,” bant ani Riri sa akin habang pareho kaming nag hu hugas ng mga kaserolang mala laki rito. “Oh, nandito pala ang mag kaibigan na parehong ka tulong ko ngayong araw, masaap bam aging kaibigan si Oceana, Riri?” naka ngising tanong ni Jade kay Riri. “Oo naman Jade, hind imo ba ramdam? Puro kasi kasamaan nang ugali ‘yang meron ka,” naka ngiting sambit ni Riri kay Jade. Tumaas naman ang kilay ni Jade sa sinabi ni Riri. “Hindi ko kailangang maging kaibigan ‘yang si Oceana, hindi ko siya gusto kaya pwede ba,” naka taas ang kilay na sambit ni Jade sa aming dalawa ni Riri. Nagka tinginan naman kaming dalawa ni Riri at napa ngiwi sa isa’t isa. “Hay nako ewan ko sa’yo Jade, birthday mo ngayon kaya pwede ba? Sa labas ka nalang, huwag mo kaming pestehin dito,” galit na sagot ni Riri sakanya. Napa iling naman ako nang ayaw umalis ni Jade. “Umalis ka nalang Jade, hindi kami makapag linis dahil sa ‘yo, ang laki laki mong harang, sobrang sakit din sa mata niyang dress mo kaya pwede ba? Sa labas ka nalang at baka hina hanap kana ng mga bisita mo,”sagot ko sakanya. Inirapan naman niya kaya kaya akma siyang susugurin ni Riri pero agad ko rin naman pinigilan si Riri. “Hayaan mo na siya,” sambit ko naman sa kaibigan ko. Bumuntong hininga naman si Riri at tinapos na namin ang mga hinu hugasan namin. “Kumain muna tayo,” sagot ko sakanya at inabutan ko siya nang pinggan, ito rin ang dhailan kung bakit gusto ko rito sa loob, nakaka kain ako ng mga gusto kong pagkain, hindi tulad sa labas na kung sino sinong naka tingin sa akin kapag kuu kuha ako ng pagkain. “Andami n ilang handa ah, buti may pera sila,” tanong ni Riri sa akin habang kumu kuha ng kanin. “Nanalo kasi si tiyong sa sabong kahapon, n saktuhan na gusto ni Jade ng handaan sa birthday niya dahil gusto niya raw I invite mga kaibigan niya, sa sobrang say ani tiyong ay pumayag siya, at tsaka bunso nila eh, kaya pinag bibigyan nila,” na iiling na sagot ko sakanya habang kumu kuha ako ng iba’t ibang ulam sa lalagyan. “Buti hindi na iinggit si Jewel?” tanong sa akin ni Riri. Na tawa naman ako sa sinabi niya. “Si Jewel ang palaging pinapa boran nila tiyong kaya inggit na inggit si Jade sa ate niya,” sagot ko kay Riri at umupo ako sa inuupuan ko kanina at nag simulang kumain. “Buti medyo mabait naman si Jewel sa’yo,” sambit ni Riri sa akin. “Dati pa naman siyang mabait sa akin minsan lang talaga ay sini siraan ako ni Jade sakanya kaya kami na uuwi sa away, pero ngayon para namang na tauhan na siya at na realize niyang hindi dapat pinapakinggan ang pinag sasabi ng kapatid niyang baliw,” sagot ko naman kay Riri. Tumango naman si Riri sa sinabi ko. “Hay nako, ayaw mo kasi talagang sa bahay nalang tumira eh,” na iiling na sambit ni Riri sa akin. “Ano ka ba? Sinabi ko naman sa iyo ayos naman na ako rito, huwag kang mag alala masyado,” nakangiting sambit ko sakanya. Tumango naman siya sa akin at ngumiti ako sakanya. “At tsaka nanyan ka naman na, hindi naman tayo pinag babawalan ni tiyang na mag kita, tsak ana siguro ako makikitira sianyo kapag hindi na nila ako pinayagan makipag laro sa’yo,” naka ngising sagot ko sakanya. “Hinding hindi mangyayari iyon dahil takot ang tiyang mo na umalis ka ng bahay nila dahil alam nilang sa oras na umalis ka ay siya na naman ang ga gawa ng mga gawaing bahay dahil walang alam ang mga anak niya sa mga gawaing bahay, nag buhay prinsesa ang mga baliw akala mo talaga ma bubuhay sila sa pagiging prinsesa nila,” na iiling na sambit ni Riri sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya. “Ma lakas ang tama n ila eh, wala na tayong magagawa roon,” naka ngising sagot ko sakanya. Umiling iling naman si Riri sa sinabi ko Pagka tapos naming kumain ay nag hugas lang din kami ng pinggan at nag kwentuhan nalang muna kami rito sa loob ng kusina dahil wala pa naman yatang mga ma ruming kasangkapa na kailangang linisan. “Wala ka bang balak mag aral?” tanong ni Riri sa akin. Umiling naman ako agad sakanya dahil alam kong hindi rin naman pa payag si tiyang. “Wala na, matagal ko nang tinanggap, Riri,” naka ngiting sagot ko sakanya. “Libre lang naman ang pag a aral sa school ko, Oceana. Ayaw mo ba talaga? Kung nag aalala ka sa magiging baon mo, si mama naman ang mag bibigay sa’yo,” naka ngiting sambit niya sa akin pero agad din naman akong umiling. “Kaya ko naman suportahan ang sarili ko Riri, pero ang problema ay alam kong hinding hindi papaya si tiyang kapag sinabi kong gusto kong mag aral,” naka ngiting sagot ko sakanya. “Oceana! Ano ba andami nang maruming kasangkapan sa labas kuhanin mo at hugasan mo dahil parating na ang mga bisita ni Jade!” sigaw ni tiyang pagka pasok niya ng kusina. Tumango naman ako at agad na tumayo at lumabas ng kusina. Dumiretso kami ni Riri sa labas at kinuha namin ang mga platong iniwan ng mga bisita sa lamesa. “Hindi ba nila kayang isauli ang mga pinggan sa loob pagka tapos nilang kumain? Mga salaula naman,” dinig kong reklamo ni Riri kaya na tawa ako. Na sanay siguro siya sa karinderya nil ana sobrang linis ng mga taong kuma kain. Habang dito naman ay halos maging basura ang mga pinag kainan ng mga bisita. “Siguradong taga sa atin ang mga kumain dio,” naka ngiwing sagot ko sakanya. Tumango naman siya agad sa sinabi ko. “Sigurado na ‘yan, mga baboy kumain, libre nan ga lang kina kain nila nang ba baboy pa kumain,” rekalmo ni Riri at sabay na kaming pumasok sa loob dala dala ang mga plato. Napag usapan namin na siya ang mag sasabon tapos ako ang mag Babanlaw para kapag mamaya na tapos na ang lahat ng hugasin ay pareho naming pupunasan ang mga pinggan. Isipin mo nalang talaga kung hindi pa kita tutulungan dito, paano ka nalang kapag mag isa ka? Edi mas lalo kang na hirapan?” na iiling na sambit ni Riri sa akin. “Sanay naman na ako Riri ano ka ba,” naka ngiting sagot ko sakanya. Inilingan naman niya ako at nagpa tuloy sa pag sa sabon ng mga pinggan habnag ako naman ay nag ba banlaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD