Cheska's Pov Itinakip ko ang unan sa mukha ko. Gusto ko pa kasing matulog. Medyo malamig pa, alam kong madilim pa sa labas. Pero kanina pa may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Kinalabit ko si Ziana sa tabi ko. "Best, pakibuksan mo nga ang pinto. Katamad tumayo pakisabi sa kumakatok na iyan. Istorbo siya sa pagtulog,'' sambit ko. "E, ikaw na. Natutulog pa 'ko, e. Hayaan mo kung sino man iyang kumakatok. Lakas trip, ang aga-aga pa. Ang ganda na nang panaginip ko, e. Hahalikan na ako ng prinsipe ko naudlot pa," saad naman ni Ziana. Hinayaan na nga namin iyon hanggang sa nagsawa na ata at tumigil sa pagkatok. Nang ilang minuto na akong nakapikit ay napabalikwas na lang ako nang tayo nang marinig ko ang pag-click ng pinto. Kasabay ang pagbuka no'n at iniluwa sina Marco at Terrence. ''Anong

