Cheska's Pov "Ganito ang set up. Dito ka sa kama matulog at ako naman sa sofa. Huwag kang mag-alala wala akong masamang gagawin sa 'yo. Good boy ako, e. Para kay baby," sabi nito habang nilalagay niya ang mga gamit namin sa loob ng kwarto namin dito sa hotel. "Baka bukas magreklamo ang may-ari nitong hotel dahil may nagsabong na sa kabilang kuwarto," biro ko. Pagdating kasi namin kanina rito sa hotel hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ni Ziana. Nasa rules and regulations ng hotel na hindi p'wedeng gumamit ng kuwarto ang hindi couple. Hindi siya makapaniwalang makakasama niya si Terrence sa loob nang isang kuwarto. "Mabait naman iyon si Terrence. Kaya huwag kang mag-alala safe si Ziana ro'n. Huwag lang atakihin si Terrence ng saltik." Tumawa pa si Marco sa sinabi niya. Ang sarap niya la

