Cheska's Pov "Baby, 'di ba sabi ko may gustong kumausap sa iyo?" sabi nya pagkalabas namin ng columbarium. Ininguso nya ang kanyang labi para ituro ang pigura ng isang babae na nakatayo sa ilalim ng punong mangga sa 'di kalayuan. "Anong nginunguso mo riyan? Nakausap na natin ang kuya mo. Hindi ba siya ang kakausapin natin?" kunot noo kong tanong. "Baby, iba naman yun e. Tayo ang kumausap kay kuya. Pero this time kakausapin ka," wika nito. "Ha?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "A, basta. Maiintindihan mo rin kapag nakausap mo na siya." Hinawakan nya ang kanang kong kamay sabay hila sa akin. Nagpatianod na lang ako sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso ko habang naglalakad at nakamasid sa babaeng iyon. At bumilis nang bumilis pa iyon habang mas lalong lumalapit ang pagi

