Cheska's Pov KASIYAHAN punong puno nang kasiyahan ang puso ko ngayon. Walang pagsidlan at walang salita ang makakapaliwanag nang nararamdman ko. Kulang ang isang salita para dito. Oo kasal na kami ni Marco. Heto nga at nasa hotel kami ngayon. Matapos ang simpleng kasal sa huwes ay dumiretso kami sa isang sikat na restuarant upang iselebreyt ang aming kasal. Nangako naman sa akin si Marco na bibigyan ako ng Church Wedding, sa tamang panahon. Gusto na niyang dalhin ko ang pangalan nya dahil ayaw na niyang maagaw pa ako nang iba. Kaya't nagdesisyon siyang maikasal kami agad sa huwes. Hindi naman ako naghahangad ng bonggang kasal. Basta't si Marco ang kasama kong mangangako, kahit saan pang simabahan yan ay payag na payag ako. Alas siete na nang gabi nang makarating kami dito sa hotel na

