Chapter 30 Princess Iyak ni baby Jake ang nagpagising sa akin sa madaling araw. Puno na ang diaper nito kaya siya umiiyak. Bumangon ako upang palitan siya ng diaper. Habang nagpapalit ako ng diaper lumapit naman si Oliver sa amin. Nagising na rin siguro siya dahil sa iyak ni Jake. “Bakit umiiyak si Jake?’’ tanong niya sa akin sa paos na boses. “Puno na kasi ang diaper niya, kaya siya umiiyak,’’ sagot ko sa kaniya. Mag-asawa nga kami ni Oliver subalit hindi kami magkatabi matulog. Mabuti na lang hindi niya pinagpipilitan na magkatabi kami matulog. “Ako na ang magpapalit ng diaper ni Baby. Alam ko wala kang gaanong tulog, kaya matulog ka na ulit. Mamaya maaga pa tayo aalis para lumipat sa bahay natin sa Meland,’’ wika niya sa akin at siya na ang nagbihis kay Jake. Umurong lang ako ng

