Chapter 29 Oliver Pagkatapos dalawin ni Daisyree ang nanay-nanayan niya tahimik lang siya habang nasa byahe kami. Ang laki ng ipinagbago niya simula noong huli kaming nagkita. Nakapagsalita ako sa kaniya ng hindi maganda kanina subalit sumusobra na rin kasi siya. Oo, nasabi ko na pinagsisihan ko na siya ang pinaksalan ko sa halip na si Nicole dahil naiinis na ako sa kaniya. Kung mayroon man siguro akong pinagsisisihan siguro ‘yong hinayaan ko siya na umalis noon at umasa na mahal niya ako. “Kumusta ang Nanay mo?’’ tipid kong tanong sa kaniya. “Mabuti naman siya,’’ malamig niyang sagot sa akin. Tumango-tango lang ako at hindi umimik. Nasa kandungan ko si Baby Lenlen habang si Baby Jake na kay Daisyree. Nakasakay lang kami ng taxi dahil hindi pa ako nakakuha ng kotse. Ibinalik ko kasi

