Chapter 28 Princess Kinabukasan maagang umalis si Oliver dahil sa paggising ko wala na siya sa labas. Marahil nagtungo ito sa site. Bumangon na lamang a,ko at gawin ang nakasanayan kong gawin sa umaga habang tulog pa ang mga kambal. Hinugasan ko muna ang kanilang mga bote ng dede nila pagkatapos ko maghilamos. Pagkatapos nagpakulo ako ng tubig para iyon ang gawin kong pang sterilize sa mga gamit ng kambal. Kahit ilang linggo na ang nakalipas at buwan hindi pa rin ako sanay na wala sina Nanay Doray at Tatay Juanito. Naroon pa rin ang lungkot na nararamdaman ko. Sariwa pa rin sa mga ala-ala ko na kasama ko sila at puno ng mga pangarap. Sayang nga lang at hindi man lang nakita ni Tatay ang mga kambal. Hindi rin nabigyan pa ng katarungan ang nangyari sa pagkamatay ni Tatay. Habang nagpapak

