Chapter 27 Princess Nagising ako sa mahinang katok sa pintuan. Tiningnan ko muna ang orasan sa aking cellphone. Pasado alas-dos na ng gabi. Bumangon ako ng dahan-dahan dahil baka maging ang mga kambal. Sigurado naman ako na ang ama kuno nila ang kumakatok. Sabi niya may pupuntahan lang siya pero inabot na siya ng madaling araw. “Daisyree?’’ tawag na naman niya sa pangalan kong iyon. “Nandiyan na!’’ sagot ko sa kaniya sa paos na boses. Nagtungo ako sa pintuan at tinanggal ang kahoy na nakaharang sa may pintuan. Pagbukas ko ng pintuan agad na siyang pumasok. “Pasensya ka na kung ginabi ako,’’ paghingi niya ng paumanhin sa akin. Isinara ko na ulit ang pintuan at nilagyan ng harang. “Kumusta ang mga bata? Hindi k aba nahirapan na alagaan sila? Sorry talaga kung ngayon lang ako nakauwi,’

