Chapter 26 OLIVER Kinakailangan ko munang iwanan ang aking mag-iina upang puntahan si Nicole. Katatapos lang ng kasal namin ni Daisyree at kahit galit man ang nararamdaman ko sa kaniya ay hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman ang pagmamahal sa kaniya. Oo, asawa ko na nga siya subalit hindi ito ang gusto kong mararamdaman. Malayo ang damadamin niya para sa akin at kahit na ang mga anak namin ay gusto niya pang ilayo sa akin. Tumawag si Nicole na magpapakamatay siya kapag hindi pumunta sa bahay nila. Hindi na ako nagdalawang isip na iwanan muna ang asawa’t mga anak ko. Dali-dali ako nagtungo sa site at mabuti na lang naroon si Ian. “Bro, puwede bang mahiram ang sasakyan mo?’’ nagmamadali kong tanong sa kaniya. “Saan ka pupunta, Bro?” nagtatakang tanong ni Ian. “Emergency, Bro, Punta

