PS: This will be the last time i'll write as Nikita. Epilogue s***h Rome is next! Thank you pooo! Pakiramdam ko ay mas nabunutan ako ng tinik sa mga nangyari kanina. Nakahinga nang maluwag at halos hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Nagtagal pa ako sa pamamahay ni Alfonso dahil nagkwento siya. Alam kong sumisipsip lang din ang matandang 'yon. Nako, hindi niya ako mabobola at hindi pa rin ako mapapanatag kahit kailan dahil mahirap na. Baka mamaya ay may mangati ang kamay at isipan niya tapos may gawin siya ulit kaya hindu ako pwedeng makampante. Nang makaalis sa bahay niya ay agad akong nakipagkita kay Bella para sa last photoshoot. May humabol daw kasi habang andito pa ako, nagtanong muna siya sa akin bago niya tanggapin dahil baka raw ay magalit ako. Kinuha na namin dahil nabobo

