bc

Maybe Someday (Tagalog)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
10.5K
READ
second chance
brave
self-improved
police
drama
twisted
bxg
city
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Nikita believes that she will find a partner that will truly love her just like her parents' love for each other. Hanggang sa makilala niya si Rome at nahulog siya rito. Six years of marriage with him was great, nabiyayaan pa sila ng tatlong anak. Until he decided to end things with her. He never loved her. Everything was a lie. Because for Rome, Nikita was just a mere responsibility and he loves another woman.

Pain. Hatred. Hindi lang ata si Nikita ang nagdala niyan, pati mga anak nila ay bitbit 'yan hanggang sa lumaki.

Will they able to have a closure for everything that happened in the past and remain casual? Or love will find its way to forgiveness and second chances?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue We were, then one day, we weren't. It's been years and I can finally say that, I already moved on. 7 years in Boston with my sons taught me so many things. Ako pa rin naman 'yong Nikita na makulit at madaldal. I never changed, I just see things differently now. Lalo na focus ko ang tatlong kong anak ngayon. Sila lang naman ang iintindihin ko dahil sila ang kasa-kasama ko. Biglaan ang uwi namin sa Pilipinas at alam kong ayaw ng triplets ito. Napilitan lang dahil kailangan. Ayaw nila dahil ayaw din nilang makita ang ama nila. At hindi ako handa kung sakaling magkita man silang apat. Hindi ko alam ang pwedeng gawin ng tatlo lalo na't malaki ang galit nila sa ama. Malalaki na sila at may isip na. Hindi tulad dati na hindi nila kami maintindihan ni Rome kung bakit kami naghiwalay. They were too young and naive. They can't understand, but now, it's whole different thing. "Nako, ate! Kinakabahan ako!" Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Sam at patuloy lang kami sa pagtakbong dalawa pabalik sa café kung saan kami galing kanina. Rhys just told me na may bibilhin lang siya pero iba ang kutob ko. Kaya agad kong napagpasyahan na sundan ang anak ko. Kung kinakabahan si Sam, paano pa kaya ako? Pakiramdam ko ay lalabas na sa kinalalagyan 'tong puso ko dahil sa kaba at takot. Ako ang ina, alam ko ang maaari nilang gawin. When I saw how Rocco and Rush wiped their tears. Alam kong nasaktan sila sa nakita. Mga anak ko sila, alam ko ang nararamdaman nila. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong masakit. Ikaw ba naman makita mo ang tatay ng mga anak mo na kasama ang babae na pinili nito no'n. Hindi ako nasasaktan dahil may nararamdaman pa ako para kay Rome. Nasasaktan ako para sa mga anak ko. Hanggang ngayon ay bitbit pa nila ang galit at pagkamuhi sa ama dahil sa mga nangyari. Mas lumala ngayon dahil may isip na sila. "Si Rhys talaga ang matapang sa tatlo! Baka mamaya ay mapatay niya ang ama niya!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Rhys at ang tatay niyang si Rome sa labas ng café. Nakahawak si Rhys sa kwelyo ng damit ng ama niya. Halos magkasing-tangkad na silang dalawa kahit na fifteen pa lang si Rhys. "Rhys! Stop it!" sigaw ko habang patawid ng kalsada. Buti na lang ay walang dumaraan na mga sasakyan kaya naging maayos ang pagtawid namin ni Sam. Agad akong pumagitna sa dalawa pero wala lang 'yon kay Rhys na nakahawak pa rin sa kwelyo ng ama niya. "Rhys, bitawan mo siya," sita ko rito at pilit na pinapalayo kay Rome. "Let him, Nikita." Napapikit ako nang marinig ang boses ni Rome. Mabilis ko siyang hinarap. Bakit niya na hinahayaan lang? Ang daming tao rito! At nakakahiya! Nasaan na ba si Irish? Ang mga anak nilang dalawa? Nakatitig lang siya sa anak niya at para akong matutumba sa kinatatayuan nang makita na parang maiiyak ang itsura niya. "Gago ka ba—" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Rhys. "H-How dare you, Rome Donovan? Ang kapal ng mukha mong magpakita sa amin ngayon! Isinama mo pa talaga ang babae mo!" "Rhysander! It was an unexpected meeting! Biglaan 'to, okay? Kaya please lang, bitawan mo ang Daddy mo. Tatay mo pa rin 'yan! Respetuhin mo!" pagmamakaawa ko. Naramdaman ko pa ang pag-init ng mata ko dahil sa inaasta ng anak ko. Oo, alam kong may galit siya sa ama niya pero hindi ko akalain na aabot sa ganito. Napansin ko pang may dugo ang labi ni Rome, mukhang nasuntok na siya kanina ni Rhys at hinayaan niya lang ang anak niya na gawin 'yon sa kanya. "Pinagtatanggol mo 'tong gago na 'to, Ma? Grabe 'yong sakit at trauma na dinala niya sa 'yo, sa aming tatlo. He left us. He hurt you. Pinili niya na sumama sa babae niya at iwan tayong nasasaktan!" Nawala ang tingin sa akin ni Rhys at bumaling sa ama niya. Gusto kong sigawan si Rome na pigilan ang anak niya pero wala. Hinahayaan niya lang din. Hindi ko makuha kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil mahirap siyang basahin. Sobrang hirap. Mariin akong napapikit at hinawakan ang mga kamay ng anak ko na mahigpit pa rin ang kapit kay Rome. Tumulo na ang luha ko. "R-Rhys, anak. Bitawan mo na siya, itigil mo na 'to. Umuwi na tayo at baka mag-alala ang dalawa mong kapatid. Let me remind you na Tatay mo 'yan—" "I hate you..." Hindi nakinig sa akin ang anak ko sa akin at biglang nagsalita habang matalim ang tingin sa Tatay niya. "Hate in an understatement, Rome. I would never let you enter our lives again," dagdag niya sa matigas na tono. Pabalya niyang binitawan si Rome. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata ng anak ko na agad niya rin pinunasan. Parang sinaksak ang puso ko sa nakita at mas naiyak. Tinawag ni Rhys si Sam at hinila ako para makaalis kami sa lugar na 'yon. Napalingon pa ako kay Rome na nakatulala pa rin sa kinatatayuan niya. Nang makalayo kami ay bumitaw ako sa anak ko kaya napaharap siya sa akin. Sa pagharap niya ay nahampas ko ang dibdib niya ng ilang beses. "Ate. Tama na," pagpigil ni Sam, bakas sa boses niya ang lungkot. "H-Hindi kita pinalaki na bastos, Rhysander! Ang lakas ng loob mong gawin 'yon sa Tatay mo! Sa harap pa ng maraming tao! Sa harap pa ng pamilya niya! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao, ha? Na hindi ko kayo pinalaki ng maayos? Pwede mo namang kausapin 'yong tao ng maayos at hindi 'yong ganito! Sinaktan mo pa talaga!" Napatigil ako para habulin ang hininga at punasan ang pisngi na nabasa ng luha. "K-Kahit anong mangyari, Tatay mo pa rin si Rome! Kahit baliktarin man ang mundo, siya ang Tatay niyo! Matagal na 'yong mga nangyari, wala na akong pake ro'n. Nakalimutan ko na 'yon. At wala kang karapatan na saktan siya dahil Tatay mo 'yon! Pakisuksok 'yan sa kukote mo!" sigaw ko pa. "Pero siya may karapatan na saktan tayo. Gano'n ba 'yon, Ma?" Napaawang ang labi ko sa sinabi ng anak ko. Mas nanlaki ang mata ko nang sunod-sunod na ang pagtulo ng luha sa mata nila. The last that I saw Rhysander crying was seven years ago, sobrang tagal na. Bata pa siya. Iyon pa ang time na sinabihan ko sila na aalis kami ng Pilipinas dahil kailangan. "Matagal na pero bakit ang sakit-sakit pa rin, Ma? Matagal na pero hanggang ngayon ay baon pa rin naming tatlo 'yong sakit na dala no'n. W-We grew up having that pain in our hearts because our father fooled you. Kaya sana maintindihan mo Ma kung bakit ganito ako..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook